Chapter 7:
AlissonMasaya akong naglalakad sa corridor dahil hindi ako late hahaha! Hinampas kase ako ni Nica ng electricfan sa ulo kaya ang aga kong nagising. Kaya pagpalain sya ng maraming itlog.
Nagulat ba lang ako nang makarinig ako ng mga tili. Ano na naman kaya ang palabas ng lintik na school na 'to?
Nakiusisa na ako sa mga babaeng walang kupas kung tumili dahil baka gwapong artista 'yun sana naman si Daniel Padilla! Pero mali pala ako ng inakala kase si Rexx Zander lang pala 'yun na nag lalakad kasama ang kanyang aso? Teka bakit may kasama syang aso?
"KYAAA REXX ANG GWAPO MO! PAHALIK NGA NG ISAA!" sigaw ng katabi kong bakla. Grabe naman kung makasigaw ah? Babae ka teh? Chakang bakla.
"REXX ANG GWAPO, GWAPO MO! BUNTISIN MO NA AKOOOO!!" sigaw ng babaeng 'di ko kilala.
"REXX!!! KYAAA!! ANG HOT MO TALAGA!!! SANA AKO NA LANG 'YUNG ASO MO!!!"
Nang dahil sa sinabi ng babaeng 'yun ay bigla akong napahalakhak. Sana sya na lang 'yung aso ni Rexx baliw ba sya? Hahahaha sarap tadyakan.
Dahil gayagaya ako sumigaw din ako ng. . .
"REEEEXX!!! MUKA KANG BATO-BATO!!! HAYOP KA PA RIN!!" sigaw ko kaya naman nagsilingunan ang mga fans ni Rexx sa'kin oppss! May mali ba do'n? Totoo lang naman ang sinabi ko ah?
"Anong sabi mo bato-bato si Rexx?!" mataray na sigaw sa'kin ng isang kikay na babae patay!! Gyera na 'to!
"Pwede ba huminahon kayo" nakangiti kong sabi.
Napansin ko na lamang na si Rexx ay lumalapit na sa direksyon ko kaya nagsitabihan ang mga babae at bakla. Nako! Nako! Iligtas mo po ako aling Bebet! Aling Bebet!!!!!
"Anong sabi mo Michelle?" Taas kilay na tanong ni Rexx nang sya ay nasa harapan ko na bwiset! Aling Bebet kase eh sabi ko sa'yo eh iligtas mo ako dito eh.
Teka sino ba si Aling Bebet?!
"A-ah ang sabi ko ang gwapo mo" sabay lunok ko
"Tch! Parang hindi naman eh! 'Lika nga!" sabay halbot nya sa braso ko at kinaladkad paalis. Narinig ko pang pinag chichismisan ako ng mga baklang fans ni Rex pero wala akong pake! Mga Marites kayo!
"REXX! SA'N KA PUPUNTA? 'WAG KANG SUMAMA DYAN SA BABAENG JEJEMON NA 'YAN" sigaw ng babaeng nanigaw sa'kin kanina.
Ina mo!
'Di sya pinansin ni Rexx. Patuloy lang sya sa pagkaladkad sa'kin at hanggang sa makarating kami sa abandunadong room kung saan nakita ko syang kumakanta no'ng isang araw.
"Bakit mo ba ako dinala dito? Problema mo sa'kin ah?" sigaw ko.
"Sinira mo ang araw namin ni Alisson!" aniya.
Ano daw? Alisson? Teka! Pangalan ko 'yun ah? Langya kapangalan ko pa 'yung aso ni Rexx na demonyito tsk! Pang aso ba ang pangalan ko? Sarap gawing pulutan ang aso ni 'to ah? Tsk! Tang'na Alisson pa talaga ang pinili nyang pangalan sa sa aso nya. Kainis.
"Ano Alisson?! Gago ka ah, pangalan ko 'yun eh! " bulyaw ko.
"Bakit? May magagawa ka ba?" sabay iwas nya ng tingin. Pansin ko naman ang pamumula ng tenga nya pero wala akong pakealam basta kailangan kong ipaglaban ang maganda akong pangalan.
"Aba't! Pinipikon na naman ako ng isang ito! Ano—" bigla akong natigilan sa pagsasalita nang tawagin nya ang aso nya kaya mas lalo na namang nag init ang ulo ko.
"Chu! Chu, chu! Come here Alisson! Chu! Come here! Come! Come," malambing na tawag ni Rexx habang pumapalakpak. Agad namang lumapit sa kanya ang aso n'ya at dinilaan sya sa kanyang kamay.
Feeling ko tuloy muka na akong aso ngayon. Pakyo ka talaga Rexx alam na alam mo talaga kung papaano ako inisin! Sakmalin kita dyan eh! Bwiset! Grrrr!
Bigla na lamang sumagi sa isipan ko 'yung binanggit na pangalan ni Merrylyn kagabi. Na palagi daw syang sinusura no'ng lalaki dahil napakayabang daw. Ano nga ulit pangalan no'n? Re. . . Reinell Zach Carrlington! 'Yun! Pak! Na pak! Itanong ko kaya sa bulastog na 'to kung kilala nya? Okay!
"Hoy! Rexx! " tawag ko sa kanya
"Ano?" iritado nyang sagot habang hinihimas nya ang aso nya.
"May kilala ka bang Reinell Zach Carrlington?" tanong ko.
"Oo naman kapatid ko 'yun eh! Bakit ba? Type mo?" saad nya saka seryosong tumingin sa'kin na para bang pag sinabi ko ngang type ko 'yun eh, baka lamunin nya na ako ng buhay.
LUNOK.
"Pa'no kung oo? " sagot ko kaya biglang naging demonyo ang muka nya.
Anyare?"Tch! 'Di kayo bagay, " parang bata nyang pagkakasabi "Sa'kin ka bagay" bulong nya sa huli pero rinig ko naman.
"Ansabe mo? Pakiulit?" baka kase nagkakamali lang ako.
"Ang sabi ko sa shrimp ka bagay" aniya saka humalakhak.
"Namo! Tch! Saka bakit ka nga pala may dalang aso? Anong akala mo dito sa school natin dog park? Hahaha naligaw ka na ata. . ." natatawa kong saad sa kanya.
"He. He. He. Walang mag aalaga sa kanya ngayon kaya dinala ko sya rito. Tch!" aniya saka umirap.
"Oh? Bakit wala? Wala na ba kayong maid para mag alaga d'yan? Mayaman kayo 'di ba? Limpak-limpak nga ang pera nyo eh tapos wala kayong katulong?" sabay tawa ko ulit.
"Tch! Tumahimik ka na lang dyan! Pakainin mo na lang 'tong si Alisson kesa naman bumunganga ka dyan " aniya sabay bato nya sa'kin ng dog food.
"Aba! Bakit ako? akin ba 'yang aso na 'yan?!" bulyaw ko
"Oo sayong-sa'yo" bulong nya.
"What did you say Mr. Carrlington?"
"Sabi ko pakainin mo na! Bingi."
"Edi ikaw! May kamay ka naman 'di ba? Hindi ka naman lumpo kaya ikaw na lang ang magpakain!"
"Tch! lkaw na! Tanggalin ko scholar ship mo eh," panakot nya kaya biglang nanlaki ang mata ko.
"At pa'no mo naman 'yun gagawin aber? "
"'Di ba nga tito ko 'yung dean—"
"Sabi ko nga pakakainin ko na." sabay lagay ko ng dog food sa bowl kaya agad na sumunggab si A. . . Al. . . Alisson oo na! Tsk! Tanggap ko na Alisson ang pangalan nya!
"Susunod karin pala eh. Dapat pala palagi kitang takutin ng gano'n para sumunod ka sa akin tch! " sabay ngisi nya.
"Namo! Pakamatay ka na samahan pa kita ngayon na!" sigaw ko at ang walang hiya tumawa lamang! Hambalusin ko sya makita nya! Masyado nya ng sinasagad ang pasensya ko! Bwiset! Napansin ko na lang na tapos nang kumain ang aso ni Rexx na karton.
"Tandaan mo Michelle 'wag na 'wag kong makikita na kasama mo o katinginan mo ang kapatid ko" aniya saka timalikod. Aba!
"Alisson" tawag ulit ni Rexx kaya ako ay napatingin sa kanya
"Not you. My dog" aniya at napansin ko na lamang na katabi nya na ang aso nya.
Whuuuuuut???! ⊙_⊙ Pakyu ka talaga Rexx!
✨✨✨
Please vote and comment thanks a lot!Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)
◌⑅●♡⋆♡VOTE♡⋆♡●⑅◌
Next Chapter 8: Ghost
![](https://img.wattpad.com/cover/218512298-288-k685121.jpg)
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓
Teen FictionPalagi akong umaasa na sana 'wag nya akong iwan, na sana palagi na lang sya sa tabi ko. Pero kahit na anong gawin ko aalis parin sya at pupunta sya sa malayo Hanggang kailan pa kaya ako mag sasabi sa kanya na Manatili na lang sya sa tabi ko? (The bo...