Chapter 49: Mahal

69 6 0
                                    

Chapter 49
Mahal

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)









Kinabukasan pag gising ko may luhang pumatak sa aking mata. May masama kase akong napanaginipan, nakakatakot at posibleng mangyari.

Palinga-linga ako sa aking paligid at hinahanap ko ang taong mahal ko. Hindi naman ako nabigo at nakita ko sya sa ilalim ng puno at natutulog. Agad ko syang nilapitan saka ko pinagmasdan ang kanyang gwapong muka.

"I love you love" bulong nya habang nakapikit pa. Bigla na lamang nyang idinilat ang kanyang mata at tumayo saka nya ako nilampasan.

Agad ko syang tinawag ngunit parang hindi nya ako naririnig at nakikita. Kita ko syang dumaretso sa isang babaeng hindi ko makita ang muka saka nya iyon hinalikan.

S-sya pala 'yung sinabihan nya ng i love you akala ko ako lang. Bigla na lamang tumulo ang luha ko at agad na lumapit sa gawi nila pero tumagos lang ako sa kanilang dalawa kaya ang tanging magagawa ko lang ngayon ay manood sa kanila. Kita ko naman sa kanilang mga mata na mahal na mahal nila ang isa't-isa kaya mas lalong nanikip ang dibdib ko.

"Rexx! 'Di ba ako ang mahal mo?! 'Di ba ako? Rexx tumingin ka sa'kin!" sigaw ko sa kanya kahit katabi ko lang naman sya pero parang hindi talaga nya ako naririnig. Gusto ko mang yakapin sya pero hindi ko magawa kase tumatagos lang ako kay Rexx na para bang isa syang kaluluwa.

"Rexx mahal ko"

Bumangon na ako sa aking kama at dumaretso sa CR para maligo. Agad kong hinubad ang aking saplot at mabilis na binuksan ang shower.

Bakit hanggang ngayon Rexx hindi parin kita makalimutan? Bakit hanggang ngayon mahal na mahal parin kita? Gusto man kitang kalimutan eh ayaw mong umalis sa puso ko. Nakakainis! Nakakaninis ka!

Napahagulgol na lamang ako bigla dahil ninikip na naman ang aking dibdib. Bigla na ko lamang narining na may kumakatok sa pinto kaya minabilis ko na ang paliligo ko.

Nang ako ay matapos nang nag bihis ng damit at mag ayos sa sarili ay agad na akong nag tungo sa pintuan at binuksan iyon. Nakita ko naman si James na may dalang pagkain.

"James" sabi ko. Dumaretso naman sya sa lamesa at inilapag ang mga dala nyang pagkain.

"Kumain kana. Alam kong hindi ka kakain dahil basa ko 'yang isip mo ngayon pa lang" seryosong sabi ni James. Dumaretso naman ako sa harap ng lamesa at naupo.

"Teka, Michelle matanong nga kita umiyak ka ba? Bakit pugto 'yang mata mo? Namamaga oh" sabay hawak nya sa mata ko pero mabilis lang naman 'yun.

"W-wala 'to kumain na tayo" sabi ko sabay lantak ko ng dala nyang pagkain.

"Masakit parin ba? Hindi mo parin ba sya makalimutan?" tanong ni James. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa tanong nyang 'yon.

"H-hindi" sagot ko.

"Eh bakit ka nagkakaganyan? Saka bakit mo pa suot 'yang kwintas na bigay sa'yo ni Rexx kung talagang nakalimutan mo na sya?" at do'n na lumabas ang mga traydor kong luha.

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon