Chapter 47: Hintay

66 6 2
                                    

Chapter 47
Hintay

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)










"Michelle sigurado ka ba sa gagawin mo? Baka bukas o sa makalawa makabingwit ka dun" sabi ni Majie na halatang paiyak na.

"Mag iingat ka dun Michelle" naiiyak na sabi ni Coreen. Nag yakapan naman kami dahil mami-miss namin ang isa't-isa.

"Ano ba 'yan! Sira na ang tropa natin! Hanggang ngayon nasa California parin si Roxxane baka nga dun na 'yun titira!" inis na sabi ni Nica.

"Babalik naman ako kaya 'wag kayong mag alala" sabi ko sa kanila sabay bitbit ko ng bag ko.

"Sana all mag o-out of town" singit ni Coreen.

"Bye Michelle na palaging natatagusan!" sabi nila nang makalabas na ako ng bahay.

"Bye mga bess!" sabay para ko ng taxi at mabilis na sumakay doon.

Isang linggo na ang nakalipas simula nung magkausap kami ni Rexx. Wala narin talaga akong balita sa kanya simula no'n. At ngayon gusto ko na talagang makapag simula ng maayos.

Ngayon lilipad ako patungo sa Cebu para makalimot at para narin doon makapag simula ng maayos. Tinubuan na kase ako ng pakpak ngayon kaya tuwang-tuwa ako. Chos! Kapag kase sa Manila pa ako nanatili na aalala ko lang ang past namin ni Rexx kase palagi nalang akong napupunta sa park para umiyak. At sana maka limutan ko narin sya.

Si james naman umaasenso na kung alam nyo lang. Ang yaman na nga ng tukmol na 'yun eh ang daming branch ng bigasan sa baryo namin tapos may dalawang resort pa syang binili kaya milyonares na 'yun. Kaso nga lang walang jowa. Hindi parin sinasagot si Natasha nakakasura. Tapos si Natasha isang sikat na model na sya ngayon kaya lalo syang gumanda.

Pero si James hindi parin attractive sa babae na 'yun! Hay hot and sexy na nga ayaw pa! Napaka-choosy

Saglit na muna akong napapikit sa kinauupuan ko para matulog para kapag nakarating na ako sa Cebu energetic ako. Andito na kase ako sa loob ng eroplano kaya ang bilis tinatamad kase si author kaya ganon. Kumakain kase sya ng expired na lipstick kaya adik sya ngayon.

"Hi! May i seat here?" napadilat ako nang marinig ko iyon.

May nakita naman akong gwapong lalaki. Singkit ang kanyang mata, maputi ang kanyang balat, at higit sa lahat malakas ang appeal. Naalala ko tuloy si Rexx sa kanya-teka bakit ko ba sya iniisip?

"Yeah!" sagot ko agad naman syang napa upo sa tabi ko.

"You alright? Bakit parang ang lungkot mo? Namatay ba ang kuko mo?" tanong ni boy gwapo.

"A-ah ayos lang ako. Saka hindi namatay ang kuko ko" sabay tawa ko.

"Ayan! Bagay sa'yo ang nakangiti. Ang ganda mo" aniya "By the way i'm Kloejiel Rodriguez. Jiel na lang para gwapo" sabay ngiti nya .

"Michelle Deraya" sabi ko sabay ngiti din.

Nakatulog na ako matapos no'n kase pagod ako ngayong araw. Kinausap ko pa kase si Merrylyn eh kung ano ang problema nya 'yun pala pag-ibig hay nako. Nung una no'ng tinanong ko sya na kung ano ba daw ang problema nya ang sinagot nya sa'kin.

"Wala"

Alam ko namang mahirap iyon pero parang hindi naman iyon ang problema nya at nung sa pangalawang tanong ko ayun umamin din sawakas pag-ibig nga ang problema. Dinamayan ko si Merrylyn para malaman nya na hindi sya nag iisa.

"Ate bili po kayo ng tinapay" alok sakin ng isang batang babae.

"Magkano ba ineng?"tanong ko habang nakangiti.

"6 pesos po" aniya

Bumili na ako ng pitong tinapay ng bata kase ang cute nya. Ang taba kase ng pisngi nya at ang puti pa. Parang anak mayaman sya pero nag titinda lang naman ng tinapay. Siguro may lahi 'yung bata na 'yun.

Kararating ko lang kase dito sa Cebu at naka pag check in na ako sa isang resort. Mas maganda kase sa resort para may magagawa ka

Dumaretso na muna ako sa aking kwarto para kainin 'yung binili kong tinapay. May kape kase akong tinimpla kanina kaya tamang-tama na naka bili ako ng tinapay.

Habang lumalamon ng masarap na tinapay ay biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya agad akong napa tingin doon. Nakita ko naman ang pangalan ni James kaya agad ko iyong sinagot.

"Hello Michelle?! Bwisit kang babae ka hindi mo man lang sinabi sa'kin na pupunta ka pala dito sa Cebu! Kung hindi pa sinabi sa'kin ni Nica hindi ko pa malalaman!" halos pasigaw na sabi ni James.

"Teka andito ka rin sa Cebu?" tanong ko.

"Oo naman! Diba nga may binili ako ditong resort? Naka limutan na nya! Pero sa'n kaba tumitigil ngayon?"

"Sa MiJams Resort" sagot ko. Bigla na lang napa sigaw si James kaya inilayo ko na muna ang cellphone ko ng kaunti.

"Michelle! Resort ko 'yan! Andito nga ako eh! Meant to be tayo! Waaahahaha! Asan ka ba at pupuntahan kita?"

"Dito sa kwarto ko, room 344" sabi ko.

"Sige punta na ako! Yuhooo meant to be talaga tayo Michelle" sabay patay nya ng tawag.

Loko talaga 'yung isang 'yun adik! Pero tatanongin ko nga 'yun mamaya na kung bakit wala parin syang jowa. Bwahaha.

Bigla na lamang bumukas sa pinto ko at nakita ko doon si James na ngising-ngisi na para bang nakakita ng hubong bakla. Agaran syang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.

"Michelle! Gumanda ka lalo alam mo 'yun?" sabi nya sabay hagalpak ng tawa.

"Alam ko naman 'yun kaya 'wag mo ng ipaalala. Pero James bakit wala ka paring jowa? Bakla ka ba?" tanong ko ng nakangisi.

Sana lang hindi bakla 'tong tukmol na 'to kase ang gwapo nya para maging bakla! Saka bakit hanggang ngayon hindi parin sila ni Natasha?

"Oy! Hindi ako bakla! Gusto mo halikan pa kita dyan para patunay na hindi ako bakla eh!" aniya habang nakanguso.

"W-wag na! Oo na hindi ka na bakla! Pero bakit nga wala kang jowa? Sige ka tatanda ka ng binata malas pa naman daw 'yun" sabi ko.

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit ako walang jowa hanggang ngayon?" tanong nya.

"Oo! Kase hanggang ngayon wala ka paring nagiging ex-girlfriend. Siguro bakla ka nga 'no?" pang eechos ko.

"Hindi nga ako bakla ang kulit!" inis na sabi nya.

"O sige hindi kana bakla pero bakit nga?"

"Kase nga hinihintay kita" kaswal na sagot nya.

A-ano? Ako daw? Aba!

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

◌⑅●♡⋆♡VOTE♡⋆♡●⑅◌

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon