Chapter 26: Tayo

82 7 0
                                    

Chapter 26
Tayo

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)










Kanina pa akong inis na inis dito kay Rexx! Pag 'yan na suntok ko ng wala sa oras 'wag lang syang mamamatay. Hay wala nang ginawa kundi inisin ako, pahabulin ako, pasigawin ako, lahat na! Saka dumadagdag pa 'tong mga malalanding babae na silay na lamang ng silay para makita ang abs ng mag kapatid! Pag dudukutin ko ang mga mata nila eh masyadong mapusok.

Pero ayos lamang 'yan Michelle fiesta naman ngayon kaya bawal ma-stress kain lang dapat ang atupagin mo at hindi 'yang mga walang kwentang tao. Kaya pumasok ka na sa loob ng bahay nyo at salubugin ng masaya ang nanay mo. Tama!

"Tara na sa loob para makakain na tayo" pang-aaya ko sa tropa ko. Agad namang sumilay ang kanilang ngiti sa mga labi nila dahil sa sinabi ko. Makakakain na daw ika sila.

Makapasok na kami sa bahay agad ko namang nakita si mama na nakikipag kwentuhan kay ate Ami kaya agad na ako doong lumapit para astig.

"Haha oo nga mare! Ang sexy mo ngayon. Ilang butil ba ng bigas ang kinakain mo? Grabe ang payat mo bumabakat na 'yung ribs mo sa damit eh" natatawag sabi ni mama kay ate Ami.

"Hay nako mare! Limang butil lamang ang kinakain ko sa araw araw! Gayahin mo kaya ako baka sakaling papayat ka ng ganito" pang eechos naman ni ate Ami. Grabe naman limang butil lamang ng bigas ang kinakain nya hindi pa nga ata aabot 'yun sa lalaugan ko eh. Huwow!

"Nako 'wag na mare baka mamatay pa ako kapag ginawa ko 'yan. Ayos na ako dito sa katawan kong parang talong—" bago pa matapos ni mama ang sasabihin nya ay sumingit na ako kase na ngangawit na ako dito.

"Ma, andito na ang maganda nyong anak na si Ellea" saad ko sabay ngiti. Nakita ko naman si mama na nagulat at bigla na lamang syang napatayo at niyakap ako ng mahigpit.

"Ellea! Anak ko! Kala ko bukas ka pa uuwi? Bakit andito ka na agad? Kanina lang tumawag ako sa'yo eh! Miss na miss na kita anak ko. Ellea ko" saad ni mama sabay kalas sa pag kakayakap sa'kin.

Oo nga pala Ellea pala ang tawag nila sa'kin kapag nasa bahay ako alam nyo kung bakit Ellea? Ganito kase 'yan 'di ba Michelle Alisson ang pangalan ko tinanggal kase nila ang Mich at lisson kaya Ellea ang mabuo. Ang galing nila ano? Hehe ang galing nilang mag gawa ng palayaw sana lahat!

"Miss ko na rin po kayo. Ah nga pala, ma. Mga kaibigan ko" sabay turo ko sa mga tropa ko na lumalamon na ng manok at nag aagawan pa. 

"Abay kagaganda naman ng mga kaibigan mo anak! Taga maynila ba sila?" magaganda daw mga muka namang garapata.

"Opo ma, saka ma, tanongin ko lang kayo. Talaga bang kasama ni Merrylyn 'yung dalawang lalaking nasa labas?" tanong ko. Sana hindi kasama ni Merrylyn.

"Ay hindi ko alam anak! Nakita ko na lang kase 'yung dalawa dyan sa sala natin eh tulog kase ako nung oras na 'yun. Pag pasensyahan mo na at matanda na ang nanay mo" natatawag sabi nya.

"Naku naman si mama! Ang bata nyo pa kayang tingnan! Parang ano lang kayo eh ahmmm 25!" pang eechos ko.

"Nambola ka na naman! Kumain ka na at panigurado gutom kana. Galing ka pang byahe eh. Lakad na doon sa hapag at kumain kana" aniya.

"Mamaya na po hahanapin ko po muna si Merrylyn"

"Si Merrylyn? Nasa kwarto nya puntahan mo na lamang" saad ni mama. Agad na naman akong dumiretso sa kwarto ni Merrylyn at pumasok. Naabutan ko naman syang nakaupo sa kama nya at nag babasa ng libro.

"Merrylyn" pagtawag ko.

"Ate? Oh! Andito kana pala!" aniya sabay upo ng maayos samantalang ako ay naupo sa tabi nya.

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon