Simula

535 10 3
                                    

Simula




"Nako nakakaasar na talaga 'yang mga lalaking 'yan ah? Nakakasagad na! Palagi na lang sila ang nananalo eh, puro kindat at pakita lang naman ng abs ang ginawa nila tapos nanalo na sila ng gano'n lang? Porket mga babae 'yung judges eh, 'wag silang ano" reklamo ko sabay halukipkip ko.

"Nako Michelle! Hayaan mo na sila marami pa namang susunod. . . Kumalma ka na at ayusin mo na ang sarili mo" sabi ni Coreen.

"Naman kase eh! Naiinis talaga ako! Lalo na do'n sa antipatikong leader nila! " sabay turo ko sa matangkad at gwapong lalaking may hawak ng trophy at halatang sayang-saya dahil nanalo na naman sila sa kompetisyong ito.

Oo inaamin ko na magaling nga sila at sikat ang grupo nila pero hindi ko naman matatanggap na bwan-bwan o taon-taon sila ang nananalo kapag kalaban namin sila. Saka mas dumadagdag pa sa kasurahan ko ang pagyayabang nila tuwing nananalo sila. Edi sila na sila na magaling mang-akit ng JUDGES! Nako kung pwede ko lang sumabatan ang leader nila matagal ko nang ginawa tsss!


"Hoy! Michelle, tumigil ka na nga baka makita ka nya sige ka, makamandag pa naman 'yan" suway sa'kin ni Majie. 

"Eh ano naman kung makita nya? Bakit masama ko ba syang duruin? At anong makamandag 'yang pinag sasasabi mo Maj—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla kong napansin na papalapit sila sa gawi namin. Lintik na 'yan!

"Hala Michelle! Mukang pupunta ata sila dito. . . Anong gagawin natin?" nag aalangang tanong ni Nica.

"Edi harapin ano pa ba?" mataray kong sagot sa kanya. At eto na nga ang kinamumuhian kong grupo ng mga sikat at fuckers sa harap ko. Bwiset!!!

"Hi girls!" bati ng leader sa amin na nag ngangalang Rexx Zander Carrlington ang pinakakinahuhumalingan ng mga babae dito sa buong campus. Pero ang tingin ko sa kanya para syang karton.

"Masaya bang matalo? " saad ni Ronnie ang pumapangalawa sa kagwapuhan ni Rexx at marami ding may gusto sa kanya. Syempre gwapo kaya maraming fans! Tsk!

At nang dahil rin sa sinabi ni Ronnie ay agad nag igting ang bagang ko sa galit at pinipilit pakalmahin ang sarili na baka masugod ko pa ang prinsipe at hari ng buong campus sa pamamagitan ng suntok sa muka nila ng tigiisa. At ang hayop ng makita akong nainis sa sinabi nya biglang humalakhak!

"Anong nakakatawa kung talo n'yo kami?" bigla kong sagot sa kanya "Yabang " bulong ko.

"Aba! Haha dude, yabang daw natin oh! " natatawang sambit ni Ronnie.

"Kung mayabang kami, kayo naman muka kayong lantang gulay at mukang kawayan na nag sasayaw dun sa gitna ng stage" banat ni Rexx.

"Aba't! So pinag mamalaki mo 'yung sayaw n'yo na puro bato-bato? Nakakadiri ang sayaw nyo kung alam nyo lang para kayong mga bold kung mag sayaw" singit ni Nica at halatang nag pipigil narin ng galit tulad ko.

"Bakit? Ginusto n'yo rin naman ah? Habang nanonood kayo sa aming mag sayaw tumutulo na 'yung mga laway n'yo kulang na lang hubaran n'yo kami" saad ni Zach.

"Suntukan na lang oh! Suntukan! Bwiset na 'to!" sigaw naman ni Majie tapang talaga ng isang 'to.

"Sorry pero 'di kami nakikipag suntukan sa babae" saad ni Vincent.

"Ano kaya kung idaan na lang natin sa showdown 'tong initan na 'to para magka-alaman na kung sino talaga sa atin ang magagaling sumayaw?" suhestyon ko.

"Agree!" sigaw ng mga kagrupo ko

"Hmmm? Baka matalo lang kayo. . ." sabi ni Rexx.

"Duwag! " biglang sigaw ni Coreen.

"Hindi kami duwag, oh sige idaan na lang natin sa showdown! At kami ang magpapasya kung kelan gaganapin"

"Madaya! Dapat kami kase nanalo na kayo sa contest ngayon! " reklamo ni Roxxane.

"Okay. . . Kelan?"

"Bukas" sagot ko.

"Sige, mag handa kayo ah? Baka hindi n'yo kayanin" sabi ni Rexx sabay alis nila.

Nako!!! Napakayabang! Napakamapag mataas sa sarili! Napakaarrggghhh! Ayoko na idadaan ko na lang 'to sa practice mamaya para sa laban bukas. Bwiset na Rexx Carrlington na 'yun! Muka namang karton! Tsss! 'Pag nagkataong nanalo kami sa showdown na 'yun talagang bababa ang reputasyon n'yo hmmm!










"1. . . 2. . . 3. . . Go!" matapos kong bumilang ay agad nang tumugtog ang speaker.

Nag pa-practice kase kami ngayon ng mga kagrupo ko ng sayaw para sa laban namin bukas sa Strayboys. Kanina pa nga kaming pagod kase 'di namin ma-perfect 'yung sayaw.

Palagi kaseng natatapilok si Coreen kaya palagi kaming umuulit. 'Di ko naman sya masisisi dahil kasama rin naman 'yun sa buhay. Hindi naman tayo perpekto eh lahat naman tayo nagkakamali. Mga pangsampung ulit na siguro 'to. Grabe 'di ba? Gusto kase namin patunayan sa mga ugmok na 'yun na hindi lang sila ang magaling sumayaw sa mundo. Kung makapang lait wagas. Tsk!

At eto na nga nag sisimula na kaming umindak ng mabilis kase mabilis 'yung beat. May hinanda rin kaming pasabog para astig para naman magulat sila at mamangha sa sayaw naming pamatay kembot hahaha.

Nang dumating na ang kinakakatakutan kong part ay bigla akong kinabahan. Ihahagis kase ako nina Roxxane at Majie sa ere at iikot ako ng tatlong beses. Dito ako natatakot eh baka hindi ako masalo nina Roxxane at Majie. Tssk! Ayusin lang nila talagang nawawala ang buhok nila sa'kin kapag lumagapak ako sa sahig ngayon.

Kaya naman agad na akong tumungtong sa kanila saka ako nila hinagis sa ere at ako ay umikot ang tatlong beses. Nang ako ay papabagsak na ay agad kong pinikit ang mata ko sa kaba. Agad ko namang naramdaman na nasalo ako ng maaayos nina Roxxane at Majie. Good girls.

Matapos iyon ay muli naming itinuloy ang sayaw. Nang matapos na ang tugtog ay agad kaming napatili dahil na perfect na namin 'yung sayaw. Salamat hayst! May panapat na kami sa mga antipatikong 'yun! Whoooo! Yeah!

"Sawakas at na perfect na natin 'yung sayaw! " masayang wika ni Roxxane.

"Oo nga! Yey! Hahaha" sabi naman ni Coreen "Buti nga 'di na ako natapilok! Sakit na nga ng paa ko eh" dagdag nya pa.

"Oh Michelle! Matatahimik na ang kaluluwa mo, baka matalo na natin 'yung strayboys girl!" ani ni Majie sa akin.

"Hindi pa, hindi pa ako matatahimik hanggat 'di pa natin sila matatalo. Excited na ako para bukas. " saad ko.

"Kami rin!" sigaw nilang lahat.

Hmmm. . . Mag handa na kayo strayboys at makakalaban nyo na ang Devilheads hahahahaaha—ubo! Ubo!

"Oh? Michelle? Bakit ka umuubo? May sakit ka?" tanong sa'kin ni Nica.

"Ah wala, tara pahinga na tayo at maaga pa ang pasok natin bukas sa school"

"Yes ma'am!" sagot nilang lahat saka sila umalis.

Hay kailangan ko naring mag pahinga. Mukang pagod na pagod na ako. Whooo gusto ko na munang umidlip ng kaunti ng malupet.

☀☀☀☀☀☀☀☀☀☀☀☀☀☀☀☀☀☀☀☀

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

◌⑅●♡⋆♡VOTE♡⋆♡●⑅◌ ⭐

Hope you enjoy my story!! Please comment and vote! Thanks a lot! Yuhooo! 

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon