Chapter 38: Tula

67 7 0
                                    

Chapter 38
Tula

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)












Tatlong araw na lang at graduation na namin. Naayos na naman namin ni Rexx ang mga requirements namin kaya nakakapag usap at lambingan kami ni Rexx ngayon.

Pero hanggang ngayon maputla parin sya at lumala pa iyon kaya muka na syang bampira. Kamuka nya na nga si Edward Cullen ng twilight eh. Pero mas gwapo naman dun si Rexx ahaha!

Andito nga ulit kami sa park eh favorite place na namin 'to kaya ang astig. Pero kanina pa akong nag pipigil na bumili ng isaw! Gusto kong bumili pero pinipigilan ko! Eto kaseng si Rexx eh baka magalit na naman sa'kin.

"Michelle alam mo ba para kang kalendaryo" nakangiting sabi ni Rexx.

Nag jo-jokes kase 'tong si Rexx eh tapos ang corni naman pero tiis na lang kase mahal ko naman. Meron din namang nakakatawa kaya keri na.

"Bakit naman?" kunot noo kong tanong.

"Kase hindi ako makakapag date ng wala ka" sabay sundot nya ng tagiliran ko.

"Ano ba?! Ang korni mo!" natatawa kong sabi habang umiilag ako sa mga kiliti nya. Agad na naman syang tumigil kase may joke pa daw sya.

"Michelle aso ka ba?"

"Bakit?"

"Kase ang cute mo eh!" sabay tawa nya agad ko naman syang hinampas kase naalala ko 'yung aso nya.

"Hayop ka! Ginawa mo pa akong aso! Tapos hindi ko pa makakalimutan 'yung pangalan ng aso mo!" sigaw ko.

"Bakit? Anong problema mo sa pangalan ng aso ko? Alisson lang naman 'yun ah? Saka 'yun kase muna ang nag sisilbing anak natin ngayon habang wala pa tayong totoong anak" aniya na ikinapula na ng muka ko. Bwisit na lalaking 'to!

"Adik ka!" sabay iwas ko ng tingin kase grabe na ang pamumula ng muka ko.

"Michelle horror movie ka ba?" biglang tanong ni Rexx kaya ako ay napatingin sa kanya.

"Kase ikaw lang ang nag papakaba at nag papabilis nito eh" sabay turo nya sa dibdib nya na kung nasaan ang puso nya.

"Edi wow!" sabay tawa ko.

"Apoy ka ba?"

"Bakit?" nag tataka kong tanong

"Kase ikaw lang ang nag papainit sa'kin kapag kaharap kita" aniya sabay tawa ng malakas.

"Gago manyak!" nakakainis!

Bwisit talaga 'tong si Rexx! Kahit kailan napakamanyak! Hindi na nawala sa kanyang sistema ang pagkalibog! Oras oras, minu-minuto aatake ang pagkalibog nya! Tch! Mga lalaki nga naman.

"Michelle ng buhay ko
Ang mahal na mahal ko
Ang nag patibok ng puso ko
At ang pakakasalan ko

Aanakan ko sya ng marami
Papagurin ko sya tuwing gabi
Tatanda ng magkasama
At mamamatay ng magkasama

Mamahalin ko sya hanggang sa aking huling hininga
Hindi ko sya ipagpapalit sa iba
Sya lang ang tangi kong iniibig
At ang aking nag iisang pinapakilig" biglang sabi ni Rexx

Aba ang galing namang tumula ng lalaking 'to! Nakakakilig! Ako nga rin mabanatan nga ito ng isa.

"Rexx ng buhay ko
Ang taong laging nag papasaya ng araw ko
Ang taong laging nag papabilis ng tibok ng puso ko
Ang taong laging nag nanakaw ng ng bra ko.

Mahal na mahal ko sya at hindi na mag babago 'yun
Nakakalungkot mang isipin
Dahil siya'y malalayo sa akin
At sya'y pupunta sa malayong lugar kung saan hindi ko sya kayang puntahan.

Pilit ko mang tanggapin
Pero masyadong masakit sa akin
Pilit ko rin namang kayanin
Pero mayado ding mahirap sa akin

At sa araw ng pag alis nya
Sana kayanin ko kapag nawala na sya
Sana bumalik parin sya na mahal na mahal nya parin ang love nya—" hindi ko na natuloy pa dahil agos na lang ng agos ang luha ko ganoon din naman si Rexx kaya yinakap nya ako.

"Pangako ko sa mahal ko
Na babalik ako
Babalik ako sa kanya ng walang nag bago
At pag balik ko. . .
Mag papakasal na tayo" saka na nya ako hinalikan sa labi.

Sana nga pag balik mo mahal mo parin ako. Sana sa pag balik mo agad kang bumalik sa piling ko. Sana sa pag balik mo masaya pa rin tayo. At sana sa pag balik mo wala paring mag bago.

Tatlong araw na lang at aalis ka na. Sana sa pag alis mo hindi na ako masaktan pa. At kapag nakaalis ka na 'wag ka sanang mag hanap pa ng iba. Sana ako lang sapat na.

Mahal na mahal kita at alam mo 'yun. Maging maayos sana ang pamumuhay mo doon. At sana 'wag mong pababayaan ang sarili mo doon.

Kinabukan nagising na lang ako ng wala na si Rexx sa tabi ko. Saan naman kaya nag punta iyong lalaking 'yun? Agaran na akong lumabas ng kwarto at bigla na lamang akong may naamoy na napakasarap at mabangong halimuyak kaya ako'y nag tungo na sa kusina.

Nakita ko naman si Rexx na nag luluto. Grabe basang basa na ng pawis ang damit nya! Ang hot nya grabe! Muli akong nag tungo sa kwarto para kumuha ng damit nya. Bumalik na naman ako at agad na binigay iyon kay Rexx.

"Ang sweet naman ng asawa ko! Pa good morning kiss nga muna asawa ko dali!" aniya habang nakanguso agad ko namang inilapat ang labi ko sa labi nya na agad nyang ikinatuwa.

"Sarap! Isa pa" aniya.

"Ulul pang aabuso na 'yan! Mag bihis ka na! Baka lalo ka pang ubuhin dyan" sigaw ko.

"Opo asawa ko. 'Wag ka ng magalit sige ka magagalit din ako sa'yo sa kama" saka sya humalakhak.

Hayop!

Nag hubad na sya ng damit sa harap ko pa! Tares! Nakita ko na naman ang mala mapamatay ng abs! Ihihihi eto ang masarap almusalin! Joke lang! Napakalaking pag nanasa na 'to!

Napakunot ako ng noo nang may nakita akong pasa sa tiyan nya at hindi lang 'yun isa kundi tatlo iyon. Bakit may pasa si Rexx? Nakipag away ba 'to?

"Bakit may pasa ka?" tanong ko. Nabigla naman sya sa tanong ko at dalidaling nag suot ng damit

"Na sobrahan lang 'yan sa push up ko kanina kaya ganyan. Wala 'to kaya kain na tayo! Masarap 'tong luto ko" aniya sabay upo sa harap ng hapag.

"Wow! Mukang masarap 'yan ah?" biglang singit ng nga kaibigan ko saka nila nilantakan 'yung pagkain.

Nag aalala na ako kay Rexx bakit ganon? Una palagi na syang umuubo, tapos namumutla pa sya. Ngayon may pasa naman sya. Ano ba talaga ang nangyayari kay Rexx? Tell me nga tell me!

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon