Chapter 60: The Girl Slut

71 7 3
                                    

Chapter 60
The Girl Slut

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)








🎶Don't stay awake for too long
Don't go to bed
I'll make a cup of coffee for your head
I'll get you up and going out of bed and i— 🎶

Natigil lang ang pag so-sound trip ko nang biglang tanggalin ni Rexx ang headset sa tenga ko. Napatingin naman ako sa kanya at kita ko naman sya na ang sama nyang tumingin sa'kin.

"Kanina pa akong nag sasalita dito hindi ka naman pala nakikinig! Buti nga pinahiram pakita ng extra kong cellphone eh" inis na sabi nya sabay labas nya ng kotse. Lumabas na din naman ako at sinundan sya papasok sa loob ng mall.

"Rexx! Sandali!" sigaw ko sa kanya kase hindi ko na sya maabutan sa paglalakad.

Rexx naman lumingon ka naman sa'kin! Nag mumukang tanga na ako kasisigaw dito eh! Pinag titinginan na kaya ako ng nga tao.

"Rexx na mahal na mahal ko!!!!" sigaw ko. Napahinto naman sya sa paglalakad at kita ko syang lumingon sa'kin ng nakangisi. Bwisit talagang lalaking 'to oh!

Tumakbo naman ako palapit sa kanya at agad ko syang pinalo sa braso. Bwisit na lalaking ito napakaarte! Hmp!

"Aray ko naman! Ang sakit ah? Pero bago muna tayo bumili ng cellphone natin mag date muna tayo" sabi nya sabay halbot nya sa aking kamay at ako ay hinila nya putungo kung saan.

Pumasok kami sa isang restaurant na kilalang-kilala dito sa buong pilipinas ang restaurant nila Rexx. Meron din kase silang maraming restaurant dito kaya sobrang yaman talaga ng lalaking 'to sarap baligwasan.

"What do you want to eat my love?" tanong nya sa'kin habang nakatingin sa menu "Me or Zander?" sabay tingin nya sa akin. Sinamaan ko naman sya ng tingin kase inaatake na naman sya ng kanyang kamanyakan.

"Lul!" inis kong sabi.

"Bakit? Eh 'yun naman ang talaga pagalan ng Pagkain ah? Pwera lang dun sa me" sabay tawa nya.

"Umayos ka nga Carrlington baka masipa lang kita dyan e!" sabay irap ko sa kanya.

"Nag sungit na naman ang Misis ko. . . I love you" sabi nya napatingin naman ako sa kanya.

"I love you too" sabi ko.

Matapos naming kumain ni Rexx ay napag pasyahan namin na pumunta na muna sa Star City para mag libang. Trip ko kase ngayong sumakay sa rides at saka trip koring inisin si Rexx ngayon kase parang natatakot syang sumakay ng rollercoaster. Kalalaking tao takot sumakay ng rollercoaster?

"Please my love ibang rides nalang ang sakyan natin" nag aalangang sabi ni Rexx.

"Lul mo natatakot ka lang ata eh! Natatakot ka ano? Bwahahaha si Rexx Zander Carrlington takot sumakay ng rollercoaster!" natatawa kong sabi sa kanya. Kita ko naman sa kanyang muka na nais sya sa sinabi ko kase sumeryoso ang muka nya.

Bigla na lang syang umalis sa harap ko at kita ko syang dumaretso sa entrance ng rollercoaster at bumili sya ng dalawang ticket. Napangiti na lang ako at mabilis na nag tungo sa kanya.

Nang kami ay naka sakay na ay nakakapit lang ng mahigpit sa'kin si Rexx sa aking braso. Bakas din sa muka nya ang kaba kaya napapangisi na lang ako kase ang cute nyang tingnan. Nang umandar na ay mas lalong humigpit ang kapit nya sa'kin at nung pababa na ay itinaas ko ang aking kamay sa ere para mas masaya.

Narindi na lang ako nang marinig kong sumisigaw si Rexx kaya bigla kong ibinaba ang aking kamay at tumingin sa kanya. Grabe ang lakas nyang sumigaw para tuloy syang pinuputulan ng pagkalalaki. Dapat nga ako 'yung sumisigaw dito kase ako 'yung babae eh!

Napahalakhak nalang ako nang makita ko ang itsura ng muka nya. Grabe nag liliparan ang buhok nya at todo sigaw pa sya. Tapos 'yung muka nya pa parang matatae na ewan.

Nang kami ay makababa na ay bigla na lang napa yakap si Rexx sa'kin sa panlalambot nya. Napangisi na lang ako kase parang first time nya pa lang sumakay sa ganito. Pero ewan ko nga kung first time nyang sumakay sa ganito.

"Mamamatay na ata ako Misis ko" sabay halakhak nya habang yakap parin ako.

"Ewan ko sa'yo Carrlington! Tingnan mo nga 'yang buhok mo oh gulong-gulo na, teka aayusin ko" sabay tingkayad ko para maayos ko ang kanyang buhok.

"Ang sweet naman ng asawa kong maganda" aniya habang nakangiti.

"Che!" sabay hawak ko sa kanyang kamay para makaalis na.

"Asawa ko nahihilo pa ako pwedeng umupo na muna tayo?" sabi ni Rexx.

"Teka lang punta na muna akong restroom, o kaya naman umupo ka na muna dyan at ako naman ay pupunta sa CR?" sabi ko nang nay napansin akong mauupuan.

"Sige" sabay ngiti nya. Nagtungo na ako sa CR at umihi ng pagka lupet. Matapos ay dumaretso na muna ako sa lababo para makapag hugas ng kamay at para narin makapag ayos ng sarili.

Matapos na akong mag ayos ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko na iyong kinuha at sinagot. Kung kailan ba naman pa alis na saka pa may tatawag!

"Hello Michelle kasama mo ba si Rexx?" tanong ni James.

"Oo naman bakit?" sabi ko.

"Pwedeng mahiram?" tanong ni 'to at halata korin sa bases nya ang kaba.

"Ano ba ang gagawin nyo?"

"Ah a-ano ahmm. . . Basta!"

"O sige bahala ka. Pero iuuwi mo 'yun ng maayos ah? Saka wag mo 'yung gagahasain baka mapatay pa kita" sabi ko sabay tawa.

"Sige—" bigla na lang may nagsalita sa background kaya boom tililing!

"James? Are you there?" parang babae 'to ah? Aba nambababae na ang utol ko! 'Yan ang gusto ko!

"Sige James busy ka ata eh, pakasaya ka muna dyan sa ano mo ah? Ge" and i ended the call.

Proud na talaga ang sa sarili ko! Sa tinagal ng panahon ngayon pa lang naka tikim si James ng babae. Siguro tinuturuan 'to ni Rexx? Hay pasalamat sa kanya kase natuto naring mambabae 'yun pero paano si Natasha?

Lumabas na ako ng CR at nagtungo na kung saan ko iniwan si Rexx. Napa taas na lang ng wala sa oras ang kilay ko dahil sa nasaksihan ko ngayon. Kahit kailan talaga napakalandi ng lalaking iyon! Pwes humanda ka.

Nang ako ay makalapit na sa kinaroroonan nila ng hindi nila namamalayan ay doon ko na narinig ang pinag uusapan nila. Mga malandi!

"Oh come on! Just one night Mr. Handsome and i make sure na mag e-enjoy ka" sabi ni girl slut.

"No thanks, i'm not available i have a wife and first of all ang asawa ko lang ang may karapatang kumain sa alaga ko" masungit na sabi ni Rexx sa babae kita ko naman 'yung babae na na-dissapoint.

At dahil gusto ko nang umuwi umeksena na ang magandang si ako. Agad akong naupo sa tabi ni Rexx at niyakap ang braso nya. At ang babaeng slut naman na inis.

"Napag hintay ba kita love?" malambing kong sabi kay Rexx.

"Nope" sabay ngisi nya.

"Let's go?" sabi ko saka na kami tumayo at iniwan na ang babaeng malandi pa sa bakla.

Pero kahit na wala ako sa tabi ni Rexx nung niyaya sya ng babaeng slut ay todo tanggi parin sya sa offer na 'yun. Talaga ngang loyal sa'kin 'tong lintik na ito! Kilig na me!

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote! Salamat dahil special ka!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

◌⑅●♡⋆♡VOTE♡⋆♡●⑅◌

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon