Chapter 65: Red and White Roses

85 6 1
                                    

Chapter 65
Red and White Roses

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)







Play any romantic song while reading this chapter

"Boom! Panes! Boom! Boom! Panes! Panes!" pagkanta ni Majie habang sumasayaw pa sya. Ang galing nya ngang manayaw kase ang lambot ng katawan nya. At kanina ko pang napapansin si Ronnie na palaging nakatitig kay Coreen.

Tapos si Coreen naman kanina pang namumula hmmm? I smell something fishy. . . Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko si Nica na may hawak na isda kaya pala amoy malansa eh! Mga bwisit! Saka bakit ba 'to may hawak na isda? Kakainin nya ba 'yun? Pero bakit wala sa plato? Ah ewan!

Napalingon naman ako sa paligid para hanapin si Rexx. Kanina ko pa kaseng hindi nakikita si Rexx pati narin si James saan naman kaya sila nag susuot? Saka pati narin 'yung kapatid ni Rexx nawawala din kaya pala nag iisa 'tong si Merrylyn eh. Lumapit ako kay Marco para itanong sa kanya kung nasaan si Rexx.

"Marco alam mo ba kung nasaan si Rexx? Bakit simula pagkagising ko wala sya? Birthday na birthday nya wala sya dito para harapin ang mga bisita nya" sabi ko pansin ko naman kay Marco ang pagkagulat.

"A-ah ano. . . May inaasikaso lang" sagot ni Marco at halatang kabado.

"Inaasikaso? Ano naman 'yun?"

"H-hindi ko alam eh, sige punta na muna ako sa tropa ah?" sabay tayo nya at nag tungo sa kumpol nina Ronnie.

Napasimangot na lang ako kase hindi man lang nag paalam sa'kin si Rexx na aalis sya. Bwisit! Kita ko naman ang mga kaibigan ko na papalapit sa gawi ko at sila ay naupo sa tabi ko.

"Michelle! Asan na 'yung birthday boy? Bakit wala sya?" tanong ni Nica.

"H-hindi ko alam. Pagka gising ko wala na sya sa tabi ko eh. Siguro kasama si James nawalang bigla dito eh" sabi ko.

"Aaaahhh ganon?" sabay-sabay nilang sabi na para bang may alam sila kung nasaan si Rexx ngayon.

"Bakit ganyan kayo ngayon maka-react? May alam ba kayo kung nasaan si Rexx? Sabihin nyo kung hindi tatanggalin ko ang mga ngipin nyo" matapang kong sabi.

"Oy! Chill ka lang Michelle! Hindi namin alam kung nasaan si Rexx! Pake alam ba namin sa kanya. Bakit kami ba ang asawa nya?" inis na sabi ni Roxxane.

"Edi wow" sabi ko sabay irap. Kapag talaga nalaman ko kung nasaan ka Rexx susuntukin kita sa itlog mo nang madala ka! Ginigigil mo ang isang tulad ko e!

"Pero Michelle nasabi mo na ba kay Rexx ang tungkol dyan sa tyan mo?" tanong ni Majie.

"H-hindi pa"

"Aba! Sabihin mo na sa kanya 'yan! O kaya naman pa birthday gift mo na lang 'yan kay Rexx"

"Ewan ko"

Kumain na lang ako ng mansanas kase nga nag lilihi ako pero parang ang gusto kong kainin ay mangga. Saka narin santol saan ba makakakuha no'n? Meron kayang mangga kina Majie? Ang alam ko kase eh may manggahan sila sa likod bahay nila eh. Teka makapag tanong nga.

"Majie may mangga ba sa inyo?" tanong ko sabay tapon ko ng mansanas sa basurahan.

"Meron bakit? Nag lilihi ka ano?" sabi nya sabay palo nya sa braso ko. Medyo masakit din iyon pero hindi ko na iyon pinansin ang mahalaga eh makakain ako ng mangga

"Ano naman ngayon?" masungit kong banat.

"Tch! Tara sa bahay namin" sabay hila sa akin ni Majie palabas ng bahay.



Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon