Special Chapter 1: Ciemon

91 5 1
                                    

Special Chapter 1

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)


3 years later

"Daddy! Daddy! I want to play! Please daddy play with me! Daddy!!!!" sigaw ng anak kong si Ciemon.

Hassle talagang mag alaga ng bata! Nakakatanda! Tapos wala pa silang kapaguran! Hay nako mga bata nga naman! Kung hindi lang nag dadalang tao ang asawa ko ngayon nako. Tapos idagdag pa natin 'yung asawa ko nakakainis din 'yun! Palagi na lang akong nakakatanggap ng sigaw sa kanya ang sungit-sungit!



Dalawang bwan nang buntis si Michelle at lalaki na naman ang kinalabasan kaya ang lakas ko talaga. Minsan nakakatakot mag lihi si Michelle kase kung ano-ano na lang ang pinapabili sa'kin. Madalas ang ipabili nya sa'kin ay isaw pero 'yung iba namang hinihingi nya hindi ko na kinakaya kase maaari ka ba namang pati alimango at mangga na walang buto ipapakuha nya sa'kin! Saan naman ako makakakuha ng mangga na walang buto? Di ba wala?! Mamamatay na ako sa stress!

"Baby pagod si daddy mamamaya na lang tayo mag laro. Saka tingnan mo si mommy mo oh nakahilata lang dun sa kwarto kaya sa kanya ka na lang makipag laro" sabi ko sabay pikit ko ulit ng mata ko.

Nakahiga kase ako dito sa sofa sa may sala at nagpapahinga. Puro utos na lang kase 'tong asawa ko eh, kaya pagod na naman ako.

"Okay!" sabay alis ng anak ko at nagtungo sa kwarto.

Napabaligwas na lang ako sa pagtayo nang marinig ko si Michelle na sumisigaw. Agad na akong nagtungo sa kwarto para tingnan kung ano ang problema. Pagkarating na pagkarating ko ay agad na sumalubong sa akin ang nakakatakot na titig nya. Hindi ko na lang ito pinansin kase sanay na naman ako.

"Oy! Carrlington! Bakit mo naman inilagay 'yung boxer mo sa ilalim ng unan ko ah?! Hibang ka na ba?!" galit na sigaw ni 'to. Napangisi na lang ako kase kaya napunta 'yung boxer ko dun eh inilagay 'yun ni Ciemon do'n.

"Hindi ako ang nag lagay nyan dyan! Ang anak kaya natin ang nag lagay nyan dyan! Kaya 'wag ako ang pagalitan mo" sabi ko sabay tabi sa kanya.

"Tch! Ciemon! Anak! Cieeeemooon!!" sigaw ni Michelle na halos ikabasag na ng eardrums ko. Bwisit na buntis.

Nakita ko naman ang anak ko na may hawak na namang brief. Lumapit ito sa'kin at niyakap ako. Kinuha ko na 'yung brief kay Ciemon at binato sa basket ng damit na mururumi. Palagi kaseng pinag lalaruan ng anak ko 'yung mga brief ko. Ginagawa nya kaseng helmet. Sabi nya kase piloto daw sya kapag suot nya 'yon. Tapos minsan sinusuot nya pa iyon kay Alisson ang aso namin.

Minsan nga nakikita ko na 'yung brief ko na pinagkakaguluhan na ng mga bakla sa daan. Palagi din kaseng iniiwan ni Ciemon ang brief ko sa labas ng bahay.

"Daddy, mommy is mad" mangiyak-ngiyak na sabi ng bata.

"No baby, natatae lang 'yan kaya ganyan si mommy" sabay ngiti ko kay Ciemon.

Binaling ko naman ang paningin ko kay Michelle na sa ngayon ay pulang-pula na ang muka sa galit. Nginitian ko na lang ito at sinabayan ang anak ko sa pagpapa-cute.

"Ikaw Carrlington ah, bawas-bawasan mo nga 'yang kakulitan mo pati narin ikaw Ciemon! Grabe na ang kulit nyo hindi ko na kaya! Baka makunan pa ako sa inyo! Saka Carrlington itago mo na nga ng mabuti ang mga brief at boxer mo para hindi na mapaglaruan ng anak natin! Baka puntahan na naman tayo ng tanod dito gawa ng brief mo na 'yan!" walang preno na sermon sa'min ni Michelle. Nung isang linggo kase pinuntahan kami ng tanod dito kase nawalis daw nila 'yung brief ko.

"Mommy 'wag ka na magalit" sabay yakap ni Ciemon kay Michelle napangisi na lang ako kase mag sisimula na kami ng anak ko na lambingin si Michelle.

Lumapit na ako kay Michelle at niyakap sya. Grabe ito 'yung favorite kong moment eh 'yung yayakapin namin si Michelle para matigil na ang mala machine gun nyang bunganga.

"Lintik kayong mag ama kayo! Mag ama nga talaga kayo! Mga bwisit!" inis na sabi ni Michelle. Pero matapos nyang sabihin iyon ay sunod naman naming sasabihin ng anak ko ang salitang lalong nakakapanlambot sa kanya.

"I love you!" sabay na sabi namin ng anak ko. At hinalikan namin ng sabay ang pisngi nya.

"Tch! Love you too" sabay yakap sa'min ni Michelle.

Napakalakas talaga namin ng anak ko! Manang-mana talaga sa kanyang ama! Gwapo ako eh!

💥💥💥⭐
Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon