Chapter 12: The Text

95 7 0
                                    

Chapter 12:
The text








"Oh! Break muna!! Kumain na muna tayo gutom na ako eh," sigaw ko nang matapos na kaming sumayaw. Mamayang gabi na kase 'yung contest kaya kailangan naming mag-handa. Kailangan naming ma-perfect 'yung sayaw para manalo ulit kami para naman may pambili kami ng mga kakailanganin dito sa bahay. Wala na rin kase kaming bigas eh, paubos na. Wala rin naman kaming maibili kase umaasa lang naman kami sa contest-contest na 'yan. Hay buhay.

"Pengeng hotdog!" sabi ni Nica kaya naman agad ko na syang inabutan ng ulam.

"Hoy. Galingan natin mamaya ah? Para naman may pang grocery na tayo paubos na napkin ko eh," sabi ni Nica.

"Sige-sige!" sabay-sabay nilang sabi.

Matapos akong kumain ay nagtungo na ako sa aking kwarto. Napatingin akong bigla sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Nakita ko naman ang pangalan ni James sa screen kaya ako ay biglang kinilig. My gosh! Tinext ako ni crush! Mainggit kayo! Mainggit kayo! Sana laging ganito. Minsan lang kase nag te-text sa'kin si James kase palagi syang busy. Ayaw ko rin namang mag first move kase nakakahiya.

James:
Kumain ka na ba??

Me:
Oo katatapos lang. Ano ba ang ginagawa mo ngayon?

James:
Wala naman katatapos ko lang mag gitara.

Me:
Paturo! Baka naman :))

James:
Maybe tommorow?

Me:
Aryt! Bye ligo muna ako.

James:
d=(´︶`)=b

Dumaretso na ako sa banyo at naligo ng mapayapa. Habang naliligo ay kumakanta ako ng Spaghetti pababa habang sumasayaw para may thrill ang paliligo ko. Masaya kase kapag kumakanta ka habang naliligo. 'Yung boses mo kase gumaganda kapag nasa CR.

"Spaghetti pababa, pababa nang pababa. Spaghetti pataas, pataas nang pataas" pagkanta ko sabay split charot!

Nagbihis na ako matapos kong maligo.  Ichinek ko muna ang cellphone ko kung nag-text ba si James at kung sinuswerte ka nga naman nag-text nga! Grabe kinikilig na talaga ako! Ihihih— tama na! Pero ako'y nagtaka, 2 massage ang nakalagay ibigsabihin may isa pang nag-text sa akin! Sino naman kaya ito crush ko rin kaya?

Muli kong binuksan ang massage at gulat kong nagkita ang pangalan na antipatiko. Bakit ako itinext ni Rexx? Binukasan ko muna ang message sa akin ni James baka kase importante.

James:
Michelle sunduin kita sa room mo bukas after class para maturuan kita kung paano gumamit ng gitara :->

Saka ko naman binuksan ang text message ni Rexx. Grabe nanginginig ako.

Antipatiko:
I'll see you tonight ;)

Pakshet!! Anong pinag sasasabi nito? Magkikita daw kami ngayong gabi? Siguro kasali 'to sa dance contest sa kabilang bayan kaya pala may patext-text sya na I'll see you tonight bagang nya!!! Tsk! Biktiin ko sya eh! Tsk! Kaya naman nireplayan ko na. . .

Me:
See you muka mo!!! Suntukan na lang (๑و•̀ω•́)و

Agad din syang nag reply

Antipatiko:
Bakit antagal mong rumespond? May ka-text ka bang iba? Si James ba? Si James?

Me:
Bwisit naman 'to naligo lang ako!

Antipatiko:
Naligo daw sinungaling! I got a source na ka-text mo nga si James

Me:
Muka mo!! Bahala ka dyan!!

Sabay patay ko ng cellphone at lumabas ng kwarto. Nakita ko naman ang mga tropa ko na andoon silang lahat sa sofa at parang may iniintay. Agad na akong lumapit sa kanila para malaman ang dahilan.

"Sawakas at lumabas narin 'tong si Michelle," sabi ni Nica.

"Ako pala ang iniintay nyo," sabay upo sa sofa.

"Obvious ba? Sino naman ang ibang hihintayin namin multo? Mag-isip ka nga Michelle!!!" sermon sa'kin ni Nica.

"Sorry naman! Ano ba ang pag uusapan ah? Bakit may pulong ngayon? May bible study ba?" tanong ko.

"Ewan ko sa'yo mag-bible study ka mag-isa mo! Pero seryoso, ang pag-uusapan natin ay tungkol kay Rexx" sabi ni Coreen sabay tili nang nakakarindi.

"Ano?! Bakit si T Rexx na naman?! Ayoko aalis na ako baka masira lang ang araw ko," aalis na sana ako nang bigla akong higitin ni Majie.

"Oh! Dito ka lang! Walang takasan kun'di mawawala 'yang lalaugan mo! Tch!" banta sa'kin ni Majie kaya napalunok na lang ako.

"Ano ba ang pag uusapan kay Rexx ah? Wala namang ka bilib-bilib dun eh! Bato-bato naman ang putek na 'yun eh," ngal-ngal ko.

"Michelle, tumawag lahat sa amin si Rexx kanina at lahat nang bukam bibig nya ikaw. Tinatanong nya kung ano ang mga gusto mo at ayaw mo" saad ni Roxxane.

"Pati narin 'yung gamit mong napkin tinanong nya din eh haha nakakatawa nga si Rexx kanina eh," sabi naman ni Coreen at namumula na sa kilig.

"Basta ang inaanak ko ah?" habol pa ni Coreen. Agad ko naman syang inirapan.

"Paano nya nalaman ang mga number n'yo ah? " tanong ko at ramdam ko na ang pag-init ng aking muka at pamamawis.

"Aba. Binigay namin kagabi. Hinihingi eh, alangan namang sungitan din namin eh, hindi mo naman kami katulad na pa-hard to get kay Rexx" sabi ni Nica.

"'Di ba galit din kayo kay Rexx dati? Eh bakit ngayon ang bait-bait nyo na sa kanya? Kulang na lang sambahin nyo sya eh," saad ko.

"Dati 'yun dre! Pero ngayon love na namin sya para sa'yo. Kase Rexelle ako eh! " saad naman ni Majie.

"Tsk! Magsi tigil na nga kayo! Walang kwenta naman ang pinag uusapan natin ngayon—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang bumanat si Roxxane.

"I de-date ka nya sis! Kaya mag prepared ka na dahil ngayon na 'yun bess!" sigaw ni Roxxane.

"Duhh! Baliw ka ba? Ako i de-date nun eh, palagi nga kaming nag babangayan,"

"Hindi charot lang. Ang gusto talaga naming sabihin sa'yo ay. . . WALA NA TAYONG BIGAS!!!!" sabi ni Coreen.

"Edi mangutang kayo! Problema pa ba 'yun? Magkakapera narin naman tayo mamaya eh! Saka kasalanan nyo rin naman 'yun kung bakit wala na tayong bigas! Lamon kayo ng lamon eh!" saad ko.

"Wow! Kahiya-hiya naman sa'yo! Tara na nga mga sis kukuha tayo ng bigas sa tindahan nina aling Kuyumad." sabi ni Majie agad namang nagsitayuan ang mga tropa ko at umalis na.

"Hoooy! Bakit lahat kayo aalis? Pwede namang isa lang ah? Papakyawin nyo na ba lahat ng bigas nina aling Kuyumad?" sigaw ko. Bahala kayo makapag wattpad na lang baka may update na si author sa You Belong With Me.

Sa kalagitnaan ng pag-babasa ay bigla na lamang sumingit ang pangalan ni Rexx sa cellphone ko. Kung kailangan ba naman gandang-ganda na sa pag-babasa saka pa may sisingit na antipatiko! Ipa-tulfo kita eh makita mo!

Antipatiko:
Can i date you??

O. M. G! Nababaliw ka na ba Rexx? Ano ba ang nakain mo? Nakakainis ka talaga! Kung ang idenedate mo na lamang ba sa akin eh, ibinibili mo nh bigas para sa akin edi ayos! Pero what the fuck?! Totoo ba 'to?


⊂(・▽・⊂)
Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Vote! ╰(^3^)╯

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon