Chapter 19: Court

87 8 0
                                    

Chapter 19:
Court







Ipinasok ko ang daliri ko sa ilong ko at kumapa ng kulangot. Ramdam kong napatingin sa akin si Rexx at nakita ko syang nakakunot ang noo kaya't itinigil ko ang ginagawa ko. Napakasarap kayang mangulangot kapag wala kang ginagawa. Tapos itong kumag na Rexx na 'to pipigilan ako gamit ang masasama nyag titig?! Tch, kung hindi lang ako nahiya patuloy lang ako sa ginagawa ko. Rinig ko kase kanina na may pa-activity si prof. Susubukan nya daw kaming lahat gamit ang aming skills sa pagkanta. Balita ko pa na by partner daw iyon kaya kailangan ko pang mag-hanap ng partner.

"M-Michelle, p'wde ka b-bang maka-partner—" 'di nya na natapos ang kanyang sasabihin nang may sumingit.

"Michelle ako rin! Pwede kang maka-partner?" tanong ni Jacob.

"Ako na lang Michelle partner mo!" singit naman ni Beilly.

Walang hiyang talong! Tatlo na ang nag-aaya sa'kin! Sino naman kaya ang pipiliin ko sa kanila? At saka bakit ba ang daming nag-aaya sa'kin ngayon? Sa dami-dami ng mga babae d'yan eh, ako pa ang pinag-aagawan nila. Masayado na ba akong maganda para pag-agawan? Nako namamalak-pak na ang tenga ko. Alam ko namang maganda ko dati pa kaya 'wag nyo nang ipaalala! Nahihiya tuloy ako!

Nagulat na lamang ako nang may umakbay sa akin. Napatingin naman ako sa gilid ko at gulat kong nakita si Rexx. Nakangisi sya ngayon at masamang nakatingin kina Beilly, Jacob at Tammy.

"Humanap kayo ng ibang partner mga tarantadong 'to partner ko na 'to eh! Ano kakasa?!" sigang hamon ni Rexx sa tatlo.

"Ang daya mo naman Rexx! Kami ang nauna tapos aagawan mo kami? Ang Daya mo pre! Walang gano'n!" angal ni Jacob.

"Eh tarantado ka pala eh!! Suntukan na lang! Ano?! One on one! Isa-isa na muna! Si Jacob maunang sumuntok ah! Tapos sunod si Tammy! Tapos huli kana Beilly! Ano game?!" hamon ni Rexx. Aba planado na ang laban ah? Maganda 'to! Maganda 'to! Pusta ako kay Rexx laki ng katawan eh! Haha halatang walang panama ang tatlo.

Kita kong may biglang ibinulong si Tammy kay Jacob pero rinig naman namin. Kaya walang kwenta ang pag bulong nya kay Jacob sarap batukan. Parang tanga.

"Jacob atras na tayo. Nakalimutan ko bebe loves nga pala ni Rexx 'yang si Michelle tara na. Baka mamatay pa tayo ngayon. Sagutin mo pa ako sa ospital" bulong ni Tammy. Agad namang tumango si Jacob saka tumingin ng daretso kay Rexx.

"Bahala ka nga dyan! Sa'yo na 'yan! Tsk! Damot!" sabi ni Jacob sabay alis nila.

Lintik na Rexx na ito nanakot pa ng bata! Ikaw ba ay walang awa? Sa tingin mo naman ay papayag ako na maging partner sila kahit na gwapo pa sila? Hay Rexx hindi po ako madaling makuha! Kahiyahiya man sa iyo!

"Ano? Tara na practise na tayo baka wala pa tayong mai-present n'yan mamaya" aniya sabay halbot nya ng gitara at naupo. Kaya naman ako ay naupo narin sa harap nya at pinanood syang mag gitara. Ang galing din pala nitong mag gitara. Napakatalented naman nitong si Rexx sana ako din. Sana all!

"Ano ba ang kakantahin natin?" tanong ko sa kanya. Agad naman syang tumingin sa akin at agad ko naman iyong ikinabigla. Bumilis din ang tibok ng aking puso at kulang na lamang ay lumabas ito sa dibdib ko. 

"Kahit ano. Ikaw naman ang kakanta eh," aniya habang nakangiti. Shit na naman! Lagi na lang 'yang ngiti na 'yan ah? Namimihasa na 'yan! Nanginginig na ako dito sa kangi-ngiti mo! Bwisit ka talagang Carrlington ka!

"Ano?! Ako ang kakanta?! " gulat kong pagkakasabi.

"Got a problem with that? I thought you're a good singer" sabi nya sabay strum nya ulit ng gitara.

"Hayst! Oo na. You are my sunshine," sabi ko. Napatingin naman sya sa'kin.

"A-Ano? S-Sunshine mo ako?" 'di makapaniwalang tanong nya habang namumula sya. Problema na naman ng kumag na 'to? Ano bang sinasabi nya?

"Huh? Anong ikaw ang sunshine ako? Hunghang! 'Yun 'yung pamagat ng kakantahin ko? You are my sunshine! Kaloka ka naman," sigaw ko.

"Akala ko naman sinasabihan mo ako na sunshine mo ako" nahihiyang sabi nya.

Sunshine naman talaga kita

"Assumero! Dali practise na tayo!"sabi ko at kasabay naman noon ang pagtunog ng bell.

Ayan! Hindi na tuloy kami makakapag practice! Mas mahaba pa ba naman ang idinaldal pag pa-practice! Tsk! Kainis!

Binitawan na ni Rexx ang gitara saka nya ako hinila palabas ng room at dinala sa walang taong lugar. Pansin ko na seryoso ang muka nya kaya muli akong kinabahan. Anong gagawin namin dito? Bakit nya ako dinala dito? Maglalandian na naman ba kami?

"Ano ba ang ginagawa natin dito ah? Bakit mo ba ako dinala dito?" tanong ko pero nakatingin lang sya sa'kin ng diretso at seryoso.

"Hoy! Tinatanong kita—" bigla akong napahinto nang magsalita sya.

"May kailangan akong sabihin sa'yo" seryoso nyang sabi. Pansin kong pinagpapawisan na sya at parang hindi sya mapakali.

"Ano? Baka kalokohan na naman ah—" lintik! Bakit ba ayaw ako nitong patapusin?

"Michelle Alisson Deraya. . . Uh, paano ba 'to. . . Ah, ganito kase. . .  Shit!" sabay iwas nya ng tingin at nagsabi ng mga malulutong na mura.

"Teka. Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Direstsohin mo na nga ako! Bakit ka ba ganyan? Hindi kita maintindihan," kinakabahan kong sabi. At mabuti na lang hindi ako nautal.

"Okay! I tried to hold my feelings for you but i can't! Everytime i see your face my heart keep beating fast. So i choose to confess my feelings for you. I. . . I like you Michelle," diretsa nyang sabi.

Shit! Totoo ba 'to? Bakit parang kinikilig ako? Bakit parang masaya ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nakakainis!

"A-ano?" sabay kurap ko at hindi parin makapaniwala.

"Can i court you?" walang pag aalinlangang tanong nya. Mas lalo naman akong nanghina sa tanong nyang iyon.

"Seyoso ka? Walang halong biro? Baka joke na naman yan! Isa na naman ba 'to sa mga prank mo—"

"Fuck this! I'm not joking around! I'm serious here! Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. Magiging akin ka sa ayaw at sa gusto mo. Magiging asawa kita sa ayaw at sa gusto mo basta akin ka," seryoso nyang sabi. Bigla nya na lang itinapat ang kanyang bibig sa tenga ko. Kaya't nagsi taasan ang mga balahibo ko.

"Wala nang makaka-agaw pa sa'yo. Don't protest 'cause you're mine and i'm yours," aniya sabay alis nya.

"Tang'na gilew! Totoo ba 'yun? Kung panaginip man 'to sana di na ako magising! Lintik na iyan! Kyaaaaa" sigaw ko nang maka-alis na sya ng tuluyan.

Dumaretso na ako sa sunod kong klase at baka ma-late pa ako. Lumandi na naman ako ngayong araw nakakainis talaga si Rexx napakasarap nya talagang pektusan. Kaya pagkarating ko sa room ay agad akong Tinanong ng mga kaibigan ko kung bakit ako masaya kaya ang sabi ko. . .

"Mamaya na sa bahay sasabihin ko sa inyo. . ."

Pero ang mga putares umatungal kaya napilitan na akong sabihin. Nung masabi ko ay bigla silang napatili kaya ayun napalabas kami ng Professor namin. Bwisit na 'yan kapag emote na nga. Joke.

"My gulay Michelle! Natutupad na nga ang dasal ko! Salamat naman! Magiging ninang na ako" masayang sabi ni Coreen.

"Sawakas! Magiging sila na ni Rexx kaya mabubuo na ang love team ng Rexelle! Kaya Michelle sagutin mo na agad 'yun 'wag ka nang magpapakipot!" sabi naman ni Nica.

"Baliw talaga kayo 'no?! Napalabas na nga tayo ni prof masaya parin kayo?! Hayst!" sigaw ko.

"Haha! Ganyan talaga kabataan eh," sabi naman ni Roxxanne.

Sarap nyo talagang ibalibag ng sampu! Tsk! Kinikilig ako eh! Charot! Hihihi landi lang much? Kaya p'wedeng pa vote sa chapter na 'to?













✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon