Chapter 30: Totot

80 7 0
                                    

Chapter 30
Totot

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)










"Ate! Mag kano po itong hairband na kulay pink?" tanong ko sa tindera.

"20 pesos ineng!" sagot ni manang aba mura lamang!

"Eto po bayad!" sabay abot ko ng bayad kay manang. Agad naman akong nagtungo kay Rexx na kumakain ng ice cream sa tabi.

"Oh! Rexx! Bagay 'to sayo! Isuot mo! 'Di ba nga dare?" sabay suot ko sa kanya ng hairband! Grabe! Ang cute nya!

"Talagang kailangan ko pang magsuot nito? Hayst! Love naman eh nakakahiya! Baka makabawas 'to sa kagwapuhan ko!" reklamo nya.

"Ano ka ba?! Ang cute mo kaya dyan! Saka kasunduan naman natin 'yan eh! Kaya tara na umuwi na tayo sa bahay baka gabihin pa tayo. Maaga pa tayong aalis bukas at uuwi na tayo sa maynila" sabay hila ko sa kanya at nag lakad na kami pauwi. 

"Love 'wag muna tayong umuwi, absent muna tayo isang araw?" kabanas naman itong lalaking ire!

"Nako naman! Umuwi na tayo!" sabay hila ko sa kanya pero ayaw nyang mag pahila.

"Anong gusto mo iiwan kita dito o sabay tayong uuwi?" panakot ko.

"Sabi ko nga uuwi na" saka sya naunang mag lakad. Yan! Good boy! Haha pinag titinginan tuloy sya ng mga tao kase may hairband sya na suot. Kegwapo-gwapong lalaki nakahairband na pink? Pero ang cute nyang tingnan!

sinabayan ko na naman sya sa paglalakad pero nabigla ako nang hawakan nya ang kamay ko. Talaga lang ah? Mag ho-holding hands kami ngayon dito mismo sa daan? Hihi so sweet! Bet ko 'to! Parang pang telenovela lang ah? Kaane.

Habang kami ay nag lalakad ni Rexx ay napapatingin na naman sa amin ang mga tao. Ano bang problema nila? Masama akong magalit kaya 'wag nyo kaming pag tinginan dyan! Bigyan nyo din naman kami ng privacy!

Pagkarating namin ni Rexx sa bahay ay agad kaming sinalubong ng mga tropa kong kuto. Napansin ko naman sina Coreen at Roxxane ay nag pi-pigil ng tawa kase nakita nila na nakahairband itong si Rexx.

"Bakit? Anong ganap?" tanong ko

"Kailangan na nating bumalik sa Manila kase nakabalik na daw ang mga teachers galing seminar. At ang masaklap pa dyan kahapon pa sila nakabalik" inis na sabi ni Nica.

Ano daw?

"Ha? Eh pa'no na 'yan edi mag ba-byahe pa tayo ngayon patungo doon?" saad ko.

"Oo. May pa quiz daw si sir Villano eh" sabi naman ni Majie.

"Oh sige mag handa na kayo at mag papaalam lang ako kay mama." sabay bitaw ko sa kamay ni Rexx at nag tungo kina mama at papa.

"Mama, papa uuwi na po pala kami ngayon kase dumating na po 'yung mga professor namin galing seminar" pag papaalam ko.

"Mami-miss ka namin anak" sabay yakap ni mama sa'kin saka ako tumingin kay papa at nagulat ako na makita ko sya na umiiyak. Hala ka.

"Oh? Pa, bakit ka umiiyak? Namatayan ka ba ng kuko kaya ka ganyan?" tanong ko sabay lapit ko sa kanya.

"Loko ka talagang bata ka! Sya lumakad ka na at baka mahampas pa kita riyan" saad ni papa sabay yakap din sa'kin.

Natigil lang ang pag yayakapan namin nang may biglang umubo sa likod ko. Pagkita ko kung sino iyon ay si Rexx pala na naiiyak na din. Mga gago.

"Oh ayan na pala ang nobyo mo." saad ni mama.

"Rexx anak halika rito" sabi ni papa agad namang lumapit si Rexx sa kanya.

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon