Chapter 36: Sunshine

74 7 0
                                    

Chapter 36
Sunshine

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)








Hanggang dito na lang ba talaga ang pag sasama namin ni Rexx? Bakit ba kailangan nya pang umalis? Sa isang linggo na 'yung graduation namin ah? Nalintikan na! Ayokong umalis si Rexx!

"Talaga bang kailangan mong umalis?" walang gana kong tanong sa kanya.

"K-kailangan" sagot nya sabay himas nya ng ulo ko.

"Wag mo nga akong hawakan! Galit parin ako sa'yo! Porket nag i love you na ako sa'yo kanina eh hindi na ako galit sa'yo! Pwes manigas ka!" sabay tampal ko ng kamay nya na nasa ulo ko.

"Michelle naman!" sabay sundot nya ng tagiliran ko dahilan para makiliti ako.

"Ano ba?! Nakikiliti ako! Tumigil kang lintik ka" sigaw ko pero patuloy lang sya sa pag kiliti sa'kin.

"Rexx naman! Ahaha ano ba?! Tumigil ka na!" at dahil hindi na ako maka hinga sa kiliti nya kiniliti ko na rin sya.

Oh? Ano? Matatalo ka ngayon sa'kin sa kilitian! Expert ako dito!

"AYIEEEEE! BATI NA SILA!!!" biglang singit ni Martin kaya ang ginawa ko ibinato ko na ng bato na napulot ko.

"Aray!" sabay takbo nya.

Bwisit hindi naman natamaan uma-aray na! Kaloka!

"I love you asawa ko" aniya sabay higa sa lap ko.

"Tumayo ka nga! Umalis ka dyan" suway ko pero hindi sya nakikinig. Namalayan ko na lamang na nakatulog na sya.

Oo nga pala wala nga palang tulog si Rexx dahil sa'kin. Sige hahayaan ko na syang matulog sa hita ko. Pero mami-miss ko 'tong lintik na lalaking 'to!

Siguro mag ce-cellphone na muna ako habang natutulog si Rexx. Para naman astig.

Habang nag lalaro ng pokemon ay namalayan ko si Rexx na nag sasalita. Hala nag sasalita sya habang tulog?

"I love you. . . I love you Michelle ko. . . I love—" matapos 'yun humilik na ulit sya. Napakasweet kahit tulog.

Ano kaya kung mag picture kami ni Rexx? Mga sampu pa lang ang picture nya dito sa cellphone ko eh. Sige maka pag selfie nga.

Agad kong itinapat ang camera sa amin ni Rexx saka ako ngumiti at. . .

Click! Click! Click!

At ang huling shot! Magka lapat ang labi namin ni Rexx! So sweet! I-wallpaper ko nga ihihi.

Matapos kong i-wallpaper iyon sa phone ko ay isinandal ko na lang ang likod ko sa puno at naidlip kase nga napagod din akong umiyak kanina.

Bigla kong naimulat ang mata ko nang naramdaman ko nang biglang lumapat ang lukuran ko sa malambot na ewan. Agad ko namang nakita si Rexx na sobrang lapit ng muka nya sa'kin.

Binuhat pala ako ni Rexx patungo dito sa kwarto ko kaya pala! Pero ayos na!

"Good night" natatawang sabi ni Rexx.

"Good night mo muka mo!" sabay tulak ko sa kanya palayo. Agad naman syang nahiga sa tabi ko.

"Sa isang linggo na pala ang graduation natin—"

"Iiwan mo na ako?" tanong ko naramdaman ko naman na hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan iyon.

"Para rin naman to satin love" aniya.

"Baka para sa'yo lang" sabay talikod ko sa kanya kasabay na noon ang pag tulo ng luha ko.

"Love naman. Galit ka na naman" sabay halik nya sa leeg ko.

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon