Chapter 5: War

122 6 0
                                    

Chapter 5:
War







Anak ng tipaklong! Late na naman ako! Bakit ba kase hindi ako ginising ng mga lintik kong tropa? Langya naman alam naman nila na tulog mantika ako eh! Lagot na naman ako nito kay prof! Lintik na mga tropa kong 'yun! Sana naman may pa elevator na sila para makasana all!

Dumaretso na ako sa CR at naligo bago pa mahuli ang lahat. Matapos ang paghahanda ay agad na akong tumakbo patungo sa school. Pero joke lang 'yun sumakay ako ng jeep hahaha. Maari kang takbohin ko 'yun eh sobrang layo no'n. Tch!

"Late ka na naman Miss De Raya!" galit na sigaw ni prof.

"Sorry po. . ." 'yun na lang ang tanging na sabi ko saka ako umupo sa upuan ko. Pero laking gulat ko na wala si Rexx. Aba absent din pala ang kutoy. Good day na 'to mga tol! Budots tayo!

"Hoy! Miss. Deraya! Hindi pa kita pinapapasok!" singit ni prof.

"Sorry ho!" saka ako tumayo at lumabas ng room.

"'Yan! Dyan ka na muna buong period ko. Ayaw ko na munang makita ang pagmumuka mo." sabi ni prof saka nya ulit pinagpatuloy ang klase.

Pero by the way bago mahuli ang lahat may period na pala si prof? Aba pagnapkin baka tagusan! Pero bwiset! Nakakainis! Kase naman 'yung mga tropa ko! Pagbabayaran nila 'to mamaya!

Nahagip na lamang ng mata ko si Rexx na mukang nag mamadali. Napakagulo ng buhok nya ngayon na mas lalo namang bumagay sa kanya. Dali-dali syang pumasok sa loob at mukang hindi nya ata ako napansin na nakatayo dito sa labas. Na-late din pala ang gagong 'yun pero shit! Baka makasama ko sya dito nako magkakainitan lang kami! Sisimulan ko na lanng mag dasal.

Sumilip na lang ako sa bintana para makita ang pagmumuka ni Rexx habang pinapagalitan ni prof.

"Mr. Carrlington you are late. . ." Sabi ni prof at halatang pigil ang galit.

"I'm sorry sir something happened—"

"Go out!" sigaw ni prof.

"But—"

"I said go out!" Lumabas na si Rexx at tumayo sa tabi ko. Naririnig kong bumubulong sya kaya napairap na lang ako.

"Late ka rin pala lantang gulay?" sabi nya ng nakangisi. Ganda talaga nitong ngumisi pero wala akong pake! Mas maganda ako! 

"Tch! Tumahimik ka na nga lang dyan baka 'di ko marinig 'yung bell!" sabay irap ko sa kanya

"Mas importante pa 'yung bell kesa sa'kin? Tch! " Ang kapal talaga ng muka ng gagong 'to oh!

"Umayos ka nga d'yan Carrlington baka hilahin ko lang 'yang utong mo. . . " inis kong banat.

Ang hirap talagang nyang pakisamahan. Pakiramdam ko kapag katabi ko 'to ang sarap pumatay ng tao! Dapat 'di na lang 'to ipinanganak eh, salot sa lipunan! Ang yabang-yabang!

"Hilahin? Baka gusto mong supsupin?" nang dahil sa sinabi nya ay biglang nag init ang magkabila kong pisngi at bumilis ang tibok ng aking puso.

Langyang aso! Ano ba naman 'to?

"Tumigil ka ngang bato-bato ka! Tadyakan kita dyan makita-" hindi na natapos ang sasabihin ko nang biglang nag salita si prof mula sa loob.

"Miss. De Raya and Mr. Carrlington! Mas malakas pa ang mga boses n'yo sa'kin dito ah? Ano bang pinagtatalunan n'yo d'yan ah? Para kayo dyang mga aso't pusa! Magsi tahimik kayo dyan! Kung ayaw n'yong dalhin ko kayo sa discipline office!" sigaw ni prof.

"Langya ka talaga Rexx" inis kong bulong sa kanya pero tinawanan nya lang ako. May pahawak-hawak pa nga sya sa kanyang tyan. Bwiset na antipatikong 'to!

"Hahahaha! Hahahhaha! Grabe ang sakit na. . . Ang s-sakit na ng tyan ko! Whooo! Hahahaha" aniya habang tumatawa.

Anong Nakakatawa???

"Alam mo Rexx para kang timang dyan. Tumigil ka na nga! " suway ko sa kanya pero lalo lang s'yang tumawa.

"Rexx pag narinig ka ni prof malalagot na naman tayo nyan! Kaya parang awa mo na tumahimik ka ng lintik ka!" suway ko pa sa kanya.

"Hahaha bakit? Masama ba bang tumawa nyayon? Hahaha!"

"Ha. Ha. Ha! Bwiset ka!" sabay irap ko.

"Langya tumutulo na ang laway ko sa katatawa hahaha " sabi pa nya saka sya umalis at sinalubong ang lahat ng tropa nyang pagkayayabang din. Magsama silang mga hinayupak sila! Magagantihan ko rin kayo balang araw!

"Goodbye. . . " Asar nya kasabay naman no'n ang pagtunog ng bell.

"Bwisit kaaaa!"  sigaw ko sabay pasok na sa room.

"Oh? Michelle! Ayos ka lang? Bakit mukang problemadong tipaklong ang muka mo? Anyare bess?" tanong sa'kin ni Coreen.

"Kase naman si Rexx! Nakakasura! Sarap nyang tadyakan sa bagang!"

"Sabi ko naman sa'yo eh, asawahin mo na lang para wala ka ng problema sa mundo! Pero Michelle ninang ako ah?" sabi ni Coreen kaya binatukan ko na.

"Aray ko naman!!" angal nya.

"Bobo ka ba? Ayaw ko kaya do'n sa antipatikong 'yun! At mas lalo lang akong magkakaproblema kapag naging asawa ko 'yung lintik na 'yun! Bwiset!" galit kong sermon sa kanya.

"Hahaha! Oy! Nica! Roxxane! Majie! Ibalita na nga natin kay Michelle 'yung good news para naman umaliwalas ang muka nito at hindi na mag mukang problemadong tipaklong" saad ni Coreen.

"Sige ba! Baka pag nalaman naman 'to ni Michelle mag mukang tumataeng kalabaw 'yan" pang asar naman ni Majie.

"Tumigil nga kayo! Ano ba kase 'yun?" iritadong tanong ko sa kanya.

"Hahaha ganito lang naman kasi 'yun, may pa-dance contest si mayor sa kabilang bayan! Sali tayo! " masayang wika ni Roxxane.

"Aba! Bakit hindi? 'Yun pa aatrasan natin! Malakas ata tayo" saad ko.

"Anong sasayawin natin? "

"Mag gagawa pa tayo. . . At teka kelan ba 'yan?"

"Sa Sunday na."

"Ano?! Sige, sige kaya 'yan Wednesday pa naman." saad ko.

"Pero paano nga pala Michelle 'yung kasunduan n'yo ni Rexx? 'Di ba sabi nya kailangan nating mag patalo sa isang contest?" ani ni Nica.

"Bahala sya."

"Pa'no 'pag nagalit sya sa'tin anong gagawin natin? Baka kung ano ang gawin nya sa'tin. Michelle sinasabi ko lamg sa'yo baka ipachopchop nya tayo sa mga sindikato? Oh baka naman ipapatay nya tayo. Nako 'wag naman mahal ko pa buhay ko" saad naman ni Roxxane.

"Napaka-OA mo naman! Basta mananalo tayo sa contest na 'yun!"

"Bahala ka 'pag ipinakidnap ka nya ah! Hindi ka na namin sagot" sabi naman ni Majie.

"Mga OA!" sigaw ko sa kanila "Basta gagawin ko ang lahat para manalo. Kakalabanin ko ang Rexx na 'yun. Sisimulan ko na ang giyerang ituuu!" dagdag ko pa.

"Edi wow!" saad naman ni Majie.

"Suntukan?" matapang na tanong ko kay Majie.

"Yooon! Suntukan! Suntukan! Suntukan!" sigaw ng mga katropa ko.

"Mamaya sa gate aabangan kita" saad ni Majie sabay alis.















✨✨✨
Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

(⭐) Vote down here 👇!

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon