Chapter 27: Tawagan

84 6 0
                                    

Chapter 27
Tawagan

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)











*tik tilalok!!!! Putak! Putak!*

Nagising na lamang ako na marinig ko 'yung lintik na tilaok ng manok kaya agad na akong bumangon sa higaan ko at nagtungo sa kusina para makapag hilamos ng muka. Matapos iyon ay napansin ko na wala si Rexx dito sa bahay. San kaya nag punta ang lintik na lalaking iyon? Siguro umuwi na sya? Ewan! Pero kung umuwi nga sya bakit nya ako hindi isinama? Lintik naman oh gagastos na naman ako sa pamasahe! Ang mahal mahal ng pamasahe eh! Buti pa 'yung pamasahe minamahal. Boom! Joke! Nagulat nalang ako na may biglang sumigaw ng malakas.

"Ahhhh! Mama! Mama! Ahhh! Tulong! Hindi ako makaalis! Ahh! Tulong!"

Teka parang si Martin yun ah? Bakit kaya 'yun sumisigaw? Ay! Oo nga pala nakalimutan ko itinali ko nga pala sya kagabi sa higaan nya. Bwahahaha bagay lang 'yan sa kanya pasaway!

"Tulooooong! Wala bang tutulong sa'kin dyan?! Mamamatay na ako dito oh?! Mama! Papa!" sigaw pa ni Martin. At dahil na iirita na ako pinuntahan ko na.

"Problema mong tangkad ka?! Sigaw ka na lang ng sigaw! Ano ka ba wala ka sa gubat! Bwisit 'to!" sermon ko sa kanya.

"Eh ate naman eh sino ba kase ang nag tali sa'kin dito sa higaan at maipa barang?" wow ah? Barang agad?

"Aba malay ko itatanong mo sa'kin? Tulog mantikilya ka kase!" booom!

"Nahiya naman ako sa'yo ate! Kalagan mo na lang ako rito! At kikitain ko pa si Wendy dun sa plaza mamaya eh! Bilis na!" inis na sabi nya.

"Aba! Kung makautos naman ito wagas! Sino ang panganay sa ating dalawa 'di ba ako? Parang ikaw ang mas matanda kung makapag salita ah!" sinura mo ako kahapon eh edi ayan! Nakatali ka na ngayon sa kama mo. Talagang nakabalandra pa talaga 'yang abs mo na ngayon ko lang nakita! Lintik nag lalaway na ako! Pero mas maganda 'yung kay Rexx kesa sa'yo! Tch!

"Please ate! Baka magalit sa'kin si Wendy! Augh! Ate! Bumalik kaaaa! Ateeeee! Hooooy!" sigaw nya.

"Bahala ka dyan! Bye! Kalagan mo na lang sarili mo" saka ako nag tungo ulit sa kusina at naupo sa harap ng lamesa saka lumamon.

"Oh, anak gising ka na pala! Masarap ba ang tulog mo?" biglang singit ni mama. Grabe naman nakaka gulat naman si mama hayst!

"Opo ma—"

"Good morning mama!" sabay yakap ni Merrylyn kay mama saka naman sya naupo sa tabi ko at kumain narin.

"Ma, asan nga po pala si Rexx? Umuwi na ba 'yung tarandadong 'yun?" tanong ko.

"Ah 'yung nobyo mo? Kasama ng papa mo kumukuha sila ng sili sa pook kasama 'yung manliligaw ni Merrylyn" kumukuha pala sila ng sila ah? Bwisit hindi pa umuwi.

"Ah, ganon po ba" saad ko

"Sya tapusin nyo na yang pagkain nyo at ako ay may gagawin pa. Maiwan ko na kayo" saka na sya umalis. Makaraos na akong kumain ay dumaretso na muna ako sa sala para manood ng TV pero nagulat na lamang ako nang makita ko 'yung mga tropa ko na nakaupo sa upuan naming mahaba at lahat sila ay nakataas pa ang paa. Nanonood sila ng TV at parang buhay prinsesa sila dito. Kapal muks!

"Hoy! Kekakapal naman ng mga muka nyo ah! Bahay nyo? Bahay nyo? Tch!" sigaw ko sabay tabi sa kanila.

"Eh sabi ng mama mo eh feel at home daw. Kaya eto na ginagawa na namin hehehe" sabi ni Nica.

"Tigas ng muka ah? Kumain na ba kayo?" tanong ko.

"Oo naman! Kami pa papahuli? Hayst! Wag ka na ngang dumada iniistorbo mo ang panonood namin eh!" masungit na sabi ni Roxxane.

"Ina nyo!" sabay irap ko.

Sa kalagitnaan ng panonood namin ng mga tropa ko ay may biglang sumigaw na naman kaya kami ay napabaligwas sa gulat. Bwisit pwede bang mag sabi muna kayo kung sisigaw kayo! Para naman hindi kami magulat! Si Majie pa nga eh, nahulog pa sa upuan dahil sa gulat. Kape kase ng kape eh!

"Ahhh! Naman! Nagugutom na ako sino ba kase ang mag papakawala sa'kin dito sa pagkakatali kong 'to?! Bwisit naman?! Hoy!" galit na galit na sigaw ni Martin at dahil na susura na ako kumuha na ako ng kutsilyo at kinalagan sya.

"Naks! Napakabait naman ng ate ko ngayon lang naisipan na kalagan ako rito. Tsk!" reklamo nya.

"Alam mo kinakalagan ka na nga ang dami mo pang reklamo! Itali kita ulit dyan eh! Bwisit na lalaking 'to!" saka na ako lumabas ng kwarto nya at nag balik sa panonood ng Ben 10 hehe astig kase ni Ben eh nag papalit ng anyo. Tapos ang favorite ko pag nag transform na sya ay si Echo ehehe cute kase no'n!

Mayamaya ay bigla na naman kaming nagulat at nahulog na naman si Majie sa upuan dahil may sumisigaw na naman. Para bang sumisigaw sya dahil sa sakit? Sino naman kaya 'yun? Mas lalo pa akong nagulat nang makita ko si Rexx na inaalalayan ni papa at ng kanyang kapatid patungo sa bangko namin. Agad namang nagsialisan ang mga tropa ko roon at inihiga doon si Rexx na namimilipit na sa sakit habang hawak nya ang kanyang kanang mata. Agad naman akong napalapit sa kanya at tiningnan ang kanyang mata. Pero wala namang dugo namumula lamang ito. Ano kaya ang nangyari rito?

"Pa! Anong nangyari kay Rexx? Bakit sya nagkaka ganito? Pa?!" lintik naman!

"Ayan kase hindi nag iingat na lagyan kase sya ng katas ng sili ang kamay nya nang hindi nya namamalayan. Tapos bigla nya namang kinusot ang mata nya at ayan bigla nalang  humapdi ang mata nya"

"Naman kase Rexx eh! Bakit ka ba kase hindi nag iingat?! Ha! Nako naman nakakagigil ka ng kilay!" sermon ko kay Rexx.

"Sorry na love. . . A-aray!" ano daw sabi nya? Love? Aba first time 'to ah pero hindi muna ito ang oras para kiligin ako.

"Che! May pa love, love ka pa dyan! Pa! Ano ba ang gamot dito? Tingnan nyo oh namimilipit na 'to sa sakit!" sumagot ka pa! Sumagot ka!

"Ay, hindi ko alam nak. Dampian mo na lang siguro ng yelo—"

"Martiiiiin!!!! Bumili ka nga ng yelo kina aling Susan! Biliiiis!" sigaw ko agad namang sumunod si Martin at mabilis na bumalik na mag dalang yelo mabilis nya iyong dinurog at binalot sa tela saka nya iyon inabot sa'kin. At saka ko naman idinampi iyon sa mata ni Rexx.

"Masakit pa ba?" tanong ko.

"H-hindi na. . Andyan ka na eh love ko" aniya sabay pikit agad namang nag kantyawan ang lahat ng mga nakapaligid sa amin.

"Ayieeeeee!!! Love! Ayieee" bwiset.

"Tumigil nga kayo! Dun na nga kayo sa malayo at baka mabato ko lamang kayo ng yelo! Ma, pa! Please" saad ko.

"Sige, sige. Tara dun daw tayo sa malayo baka mag alburuto na naman 'yang panganay namin eh" sabi ni mama at umalis na nga naman silang lahat at kami na lamang ang naiwan ni Rexx dito sa sala.

"Grabe ka pala kung mag alala. Parang hindi malaman ang gagawin. Hahaha! 'Yan ang love ko" saad ni Rexx habang nakapikit parin sya.

"Muka mo! Saka korni mo! Eww! Love" nakita ko na bigla syang napamulat at tumingin sa'kin ng seryoso.

"Korni ba 'yun? Ang sweet nga eh. Siguro kinikilig ka lang kaya ka ganyan! Tama?" lintik kang lalaki ka!

"Che! Suntukin lang kita dyan para matuluyan ka na" masungit kong sabi sa kanya.

"Kinikilig ka kaya! Kaya simula ngayon love na ang tawagan natin sa isa't-isa" aniya sabay pikit ulit.

Bwisit na lalaking ito! Lalo lang tuloy akong napapamahal sa kanya eh! Tsk! Bentang-benta ang mga banat nya sa'kin ah? Bwisit! Bakit ba ang lakas nya sa'kin! Hayst? Ihagis ko kaya 'to sa Pasig River? Hayst!

"Ewan ko sa'yo! Tsk!" nakupo ang puso ko! Humahagupas na sa takbo.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon