Chapter 34: How

72 6 1
                                    

Chapter 34
How?

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)

Warning SPG!















Isang linggo na ang nakalipas at feeling ko ang ganda ko na. Joke! Baka mabulunan pa 'yung kumakain. Anyways may malupit akong kwento simula nung kumain si Rexx ng isaw palagi na syang na C-C.R! Sirain pala ang tiyan 'non nakalumutan ko na mayaman nga pala ang bituka no'n.

Pero bakit si James mayaman kumain no'n hindi naman nagkaganon? Ah ewan! Siguro sanay na si James kumain no'n kaya hindi nasisira 'yung tiyan nya.

"L-love. . . Natatae ako" biglang sabi ni Rexx.

Bwisit kanina pa 'to ah? Hindi na nga ako nakapasok sa school dahil sa kanya! Andito nga ako sa bahay nila Rexx kase inaalagaan ko sya.

"Bakit kailangan mo pang sabihin sakin? Na sa'kin ba ang inidoro?" masungit kong sabi.

"Langya naman oh, may sakit na nga ang asawa mo nag susungit ka parin? Paano na kaya kung pag mamamatay na ako? Mag susungit ka parin ba?" galit na sabi Rexx. "Ano kaya kung mag tanong ako sa'yo nito Michelle break na tayo mag susungit ka parin ba?" sabi pa nya.

"'W-wag ka ngang mag salita ng ganyan! Mabuti nga at andito ako eh!" sigaw ko.

Napapansin ko na ah? Madalas na kaming nag aaway ni Rexx simula nung nag selos sya kay James at nung unang araw na nag ka-LBM sya palagi nya na lang sinasabi sa'kin na.

"Kasalanan mo 'to Michelle eh! Kung hindi mo ako pinakain ng putanginang pagkain na 'yun hindi sana ako magkakaganito!"

Galit na galit sya no'n sa'kin dahil lang sa putanginang pagkain na 'yun. Kasalanan ko bang maselan sya sa pagkain? Sorry naman! Hindi ko na kase minsan maintindihan si Rexx kaya madalas kaming nag aaway.

Minsan kase nag ii-spanish 'yan kung mag salita kaya talagang nag aaway kami kapag ginaganon nya ako. Hindi ko kase maintindihan! Tapos minsan bigla na lang syang mag susungit na dinaig pa ang buntis at may dalaw.

Bipolar siguro 'tong lintik na lalaking 'to. Tapos kapag nag tampo na ako sa kanya dahil sa pag susungit nya sa'kin bigla naman syang manlalambing. Grabe hindi ko na maintindihan ang lintik na lalaking 'to! 

"Ako na naman kase ang may kasalanan eh! Ako na naman lagi! Oo na ako na! Ako na ang mali at ikaw na ang tama! Hindi ka na ba nasanay sa'kin? Di ba ganito na naman ang pananalita ko sa simula pa lang?" sigaw ko at nangingilid na ang luha.

"M-Michelle" akmang hahawakan nya ang braso ko pero lumayo ako.

"Rexx! Pilit kitang intindihin kahit nag ii-spanish ka pa! Pero wala eh! Hindi ko talaga kaya!" sabay talikod ko para hindi nya makita ng luha kong tumutulo.

"S-sorry—"

"Bahala ka na sa buhay mo! Taihan mo na lang 'yang sorry mo!" sigaw ko.

Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si mom Rainy doon na gulat na gulat. Kaya agad kong pinunasan ang luha ko.

"Anong nangyayari rito?" tanong ni mom Rainy.

"W-wala po" sagot ko saka pilit na ngumiti.

"Sigurado ka hija?"

"O-opo" sagot ko.

"Okay?" saka na lumabas si mom Rainy. Agad ko na namang kinuha ang bag ko para umalis na.

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon