Chapter 15: My Girl

89 6 1
                                    

Chapter 15
My Girl







"Open your book on page 674" walang kabuhay-buhay napagkakasabi ni prof panot. Nag-over time na naman kase ito at lahat kami dito ay gutom na may darating kase na quiz bukas kaya nag-over time sya. Tapos kung mag sermon naman ito akala mo elementary ang tinuruan. Kung p'wede ko lang palitan ang teacher na iti ay nagawa ko na. Halos araw-araw ganyan ang pagtuturo nya napaka-energetic talaga. Akala mo naubusan ng baterya sa katawan.

"Michelle, pinabibigay ni Rexx," napalingon ako kay Ginger at may inabot sya sa aking maliit na papel. Kinuha ko na naman iyon at may nakita akong sulat.

"Wag kang sasama kay James after class
;)"

Paano nalaman ni Rexx na magkikita kami ni James pagkatapos nito? Napaka-stalker parin ng gagong 'yon ano bang pakealam nya kung makipag kita ako doon?! Kung kailan makakalandi na ako sa crush ko eh, saka pa sya hahadlang! Bwisit talaga 'tong Rexx na 'to salot sa buhay ko.

"Dismissed" Agad na akong tumayo at tumingin sa pinto. Napangiti naman ako nang makita ko si James sa labas na may dalang gitara at parang may iniintay. Napakagwapo nya parin sa paningin ko at hindi parin nawawala ang suot nyang harry potter glass. Isinukbit ko na ang bag ko at sinalubong na si James ko.

"Ang tagal mo naman ata?" nakangiting tanong nya.

"Sorry si prof kalbo kase ang tagal mag sermon kaya late na."

"Gano'n ba? Tara do'n na tayo sa pinagtatambayan ko. Presko ang hangin do'n," aniya.

"Sige tara."









NAPAKAHIRAP PALANG MAG-ARAL ng gitara napakasakit sa kamay. Pakiramdam ko kase parang hinihiwa ang daliri ko sa higpit ng pagkakahawak ko sa gitara. Ang kailangan kase eh, madiin ang pagkakahawak mo para buo ang tunog ng nota. Kapag kase hindi madiin eh, ang panget ng tunog. Sulit na rin naman ang pag-aaral ko ng gitara kase nakayakap sa akin si James kase ginagabayan nya ako kung papaano mag-strum ng gitara at kung paano gumamit ng chords.

"Ang s-sakit na ng kamay ko" angal ko.

"Ganyan talaga sa una pero kapag tumatagal na mawawala na rin 'yan. Pero kung masyado nang masakit itigil na natin," napalaki naman ang mata ko sa sinabi nyang iyon. Ewan ko ba kung bakit?!

"H-Hindi ituloy pa natin ano ba ang sunod?" tanong ko saka sya pumwesto sa likuran ko at kinuha ang kamay ko at ipinatong nya doon sa string ng gitara.

Ang lapit na ng muka nya sa'kin! Kulang na lang eh, mag laplapan kami dito. Haha charot! Laplapan talaga?

"'Yan. Strum mo na," sabi nya kaya naman agad ko na iyong ginawa.

"Idiin mo pa. Ayaw kaseng tumunog-" hindi na natapos ang sasabihin ni James nang may biglang tumawag ng buo kong pangalan. Sino naman kaya iyon?

"Michelle Alisson Deraya!"

Napatunghay naman ako sa gulat at nakita ko naman si Rexx na galit na galit. Mabilis ang paghinga nito habang nakatingin sa aming dalawa ni James. Kita korin na nakayukom ang kamao nya at pakiramdam ko mananapok na 'to. Humiwalay sa akin si James at lumayo saka naman ako hinila ni Rexx palapit sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ngayon may nakabara sa lalamunan ko at hindi ako makapag salita ngayon.

"Did i gave you a permission to hug my girl?!" sigaw ni Rexx sabay sapok nya kay James agad ko naman akong humarang sa gitna ng dalawa para matigil ang pagsasapukan nila. Baka kase umabot pa sa office mahirap na.

"Rexx tama na! Ano ba?! Wala naman kaming ginagawang masama ah?!" sigaw ko kay Rexx pero hindi nya ako pinansin nakatuon parin ang panigin nya kay James.

"Tsk! 'Yun lang ba ang kaya mo?! Ano ba ang pinuputok ng butsi mo ah?! Ano ba ang ikinaseselos mo dyan? Samantalang hindi naman kayo ni Michelle ano ka ba nya?!" banat ni James matapos nyang punasan ang dugong nasa labi nya.

"Tch it's non of your business! Let's go!" sigaw pa ni Rexx sabay hila ulit ng kamay ko paalis doon.

Problema ni Rexx? Bakit ba sya nag kakaganito? May bwan ng dalaw ba sya? Lintik! Paano nya nalaman na naan doon kami ni James sa ilalim ng puno sa likod ng gym? Bwisit! Kaganda-ganda na ng moment namin ni James eh, sinira nya pa! Hayst! Kung kelan na gagawa ko ng shabu ang pabango ni James eh. Saka pa sya sumingit!

"Rexx! A-ano ba ang problema mong lalaki ka ah?!" sigaw ko sa kanya sabay hawi ng kamay ko.

"Let's get out of here Mich!" sabay hawak nya pa ulit sa kamay ko pero agad ko rin naman iyong binawi.

"Sagutin mo muna ang tanong ko! Ano ang problema mo at bakit mo nagawang suntukin si James?!"

"Sumama ka na muna sa'kin pwede ba?! Bakit ba ang kulit-kulit mo?!" sigaw nya pa at halatang iritado na. Napapansin ko na pinag titinginan na kami ng mga estudyante at pinag bubulungan na.

"Di ba si Rexx 'yun? Sino naman kaya 'yung babaeng 'yun?" usisa ng kung sino mang hindi ko kilala.

"Wow. Ang gwapo ni Rexx kapag nagagalit. Grabe super gwapo nya" rinig ko pa

"So pa bebe naman ng girl. Tch"

Grabe naman. At eto namang si Rexx na 'to gumagawa pa ng eskandalo! Saksakin ko sya eh! Pinapanood na tuloy kami ng mga estudyante dito!

"Ikaw ang makulit hindi ako?!" sigaw ko pabalik.

"Haaaaay!" aniya saka nya ako biglang binuhat na parang pang kasal. Narinig ko ang mga estudyante ay sumisigaw na pero parang wala namang pakealam si Rexx.

"Ibaba mo ako Rexx! Hoy!" sigaw ko habang sinusuntok ko ang kanyang makisig na dibdib.

"Ayoko baka pumunta ka na naman sa hayop na James na 'yun" aniya saka sya nagsimulang mag martsa at namalayan ko na lamang na nasa tapat na kami ng classroom ko. Ibinaba nya naman ako ng maayos saka ko naman sya hinarap.

"Pumasok ka na sa loob at 'wag na 'wag ka nang lalabas. At kapag nalaman ko na naman na kasama mo ang hayop na 'yun itatali na kita" aniya gamit ang kanyang malamig na mata.

"E-eh pero-"

"Walang pero-pero. Akin ka lang at hindi ka na mapupunta pa sa iba. You're mine Mich" aniya saka na sya umalis. Samantalang ako naman ay naiwang tulala at kinikilig na ng sobra. Nag-echo naman sa utak ko 'yung sinabi ni Rexx.

You're mine Mich

Mga tiktik! Kyaaaaa! Bakit ba ako ganito? Bakit ako kinikilig? Bakit? Bakit? Bakit?!

Naupo na ako sa upuan at lalo pang kinilig sa mga nangyari kanina. Kyaaaa i can't take this anymore! Paki sampal nga naman ako at para ako ay matauhan man lamang! Aba binuhat ako ni Rexx! Buti nakaya nya akong buhatin. Mabuti naman at hindi sya napautit habang buhat nya ako. Hehe peace yow!




✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon