Chapter 28: Kiliti

81 6 0
                                    

Chapter 28
Kiliti

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)











Andito kami ngayong lahat sa likod bahay namin at nagpapa-relax mahangin kase dito sa likod ng bahay namin dahil maraming nakapalibot na puno kaya super presko ng hangin dito.

Nag dala rin kase si mama ng mga  specialty na pagkain na ginawa nya kanina. Eto na nga eh nilalantakan na namin 'yung spghetti tapos 'yung walang hiyang Rexx ginawa pang unan ang hita ko. Muka bang unan ang hita ko? Hay nako.

Kawawa nga lang 'yung kapatid ko pati narin 'yung kapatid ni Rexx todo bantay kase si papa kay Reinelle baka mag da-moves sa kapatid ko. Haha si mama naman kase eh ayos lamang naman daw sa kanya eh. Malaki na naman daw si Merrylyn at alam na naman daw nya ang tama at mali.

Kung sa bagay may punto din naman si mama. Saka hindi naman 'yung tipong si Merrylyn ay nag mamadali sa bagay-bagay. Marunong naman syang mag hintay ng panahon para sa sipling-sipling na 'yun eh! Hehehe kahit ako hindi pa handa dun kahit 24 nako. Hayst. Kung pumapayag na ba si papa na mag on na 'yung dalawa eh edi ayos! Hayahay ang kaligayahan nina Reinelle at Merrylyn! Hayst napakastrikto naman kase ni papa eh!

"Hoy! Rexx! Mukang napap sarap naman ata ang pag unan mo sa hita ko. Nangangawit na kaya ako rito!" surang sabi ko sa kanya.

"Hay wala pa ngang 2 minutes eh!" saka sya tumayo " gala tayo? Pasyal mo naman ako sa baryo nyo!"

"Papagurin mo lang ako" sabay kain ko sa spaghetti na dala namin.

"Hindi ah. Sa kama lang kita papagurin" bulong nya kaya hinampas ko.

"Aray ko naman! Tara na kase! I-gala mo ako rito. Sige spin tayo ng bottle, kada isang araw. Kung sino matapatan ide-dare! Isang ikot lang kada isang araw ah? Game?" aniya sabay labas nya ng plastic bottle.

"Game!" saka na nya inikot ang bote. At kinamalas-malasamg araw! Kabwisit ang bote tinapatan ako! May araw karing bote ka!

"Oh! Ikaw tinapatan! Samahan mo na akong mag gala! Whooo! Sasamahan ako ni love! Sasamahan ako ni love yehey! Whoo!" masayang sigaw nya kaya napapalingon sa'min sina mama.

"Ano ka ba?! Tumahimik ka nga! Eto na! Sasamahan na nga eh! Ang ingay-ingay!" sabay tayo ko at nag punta kina mama at papa para makapag paalam.

"Ma, pa, samahan ko lang si Rexx na libutin 'tong lugar. Nag pupumilit eh" pag papa alam ko "Alam nyo na dayo" bulong ko.

"Oh sige mag ingat kayo!" sabay na sabi nina mama at papa.

"Opo sabay pa eh" saka ako nag balik kay ulagang Rexx.

"Tara na—" 'di ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla akong hilahin ni Rexx at patakbong nag tungo sa kalsada sa tapat ng bahay namin.

"Sa'n tayo unang pupunta?" tanong nya habang nakahawak parin ang kamay nya sa kamay ko kaya ako ay naiilang.

"D-dun na lang muna sa masayang lugar sa lagi kong pinupuntahan kapag may pera ako" saad ko saka kami sabay na nag lakad.

Napansin ko naman ang mga taong patingin tingin kay Rexx at kulang na lang ay papasukin nila si Rexx sa mata nila. Hayof sila. May mga bulung-bulungan din akong naririnig kung saan-saan. Mga chismosa nga naman! Ipablater ko kayo eh! Makatingin kay Rexx wagas! Ang tumitingin naman mga mukang nakawala sa kulungan ng mga adik! Tsk!

"Tingnan mo oh, ang gwapo ni kuya! Gayumahin natin game?"

"Wow! Ang pogi nya. Bess tingnan mo mukang artista oh! Jowain natin. Pero parang naunahan na tayo. Ahasin na lang kaya natin?" 

"Mamamiya! Naku po mukang dumating na ang prince charming ko! Natupad na ang hiling ko sa wishing fountain na 'yun ah"

'Yan! 'Yan ang mga naririnig ko kung saan-saan. Hayop naman kase ang kagwapuhan ni Rexx eh, nakakalaglag panty! Pero dedma na lang kami kase fini-feel namin 'yung daan. Bahala sila dyan. Dumada na lang sila dyan ng dumada! Wala kaming pake alam!

Makarating kami sa palengke ay agad na sumalubong sa amin ang napakaraming tinda na puro paborito ko. Hihi buti na lang may dala ako ritong pera pambili. Agad na hinila ko si Rexx patungo sa tindahan ng pampaganda.

Pasalubungan ko na lang si Nica at Roxxane ng lipstick para may souvenir sila sa pag punta dito. Agad na dinampot ko 'yung dalawang lipstick saka binayaran iyon.

"Saan mo gagamitin 'yan?" tanong sa'kin ni Rexx habang nakakunot ang kanyang noo.

"Wala! Ibibigay ko lang kina Nica at Roxxane bakit? Gusto mo rin ba?" sige mag tanong ka pa at babarahin kita.

"Ah, Tara kaya dun sa bandang 'yun may nakita kase akong bagay sa'yo eh. Tara!" sabay hila naman nya sa'kin patungo roon sa may tindahan ng mga damit.

"Ate 'yung dress po na 'yun" sabay turo ni Rexx sa dress na nakasabit sa taas na napakaganda.

"Sige iho" sagot ni manang "Oh 768 lang 'yan may tawad pa" sabi ni manang. Grabe ang mahal naman ng damit na ito.

Agad na mang kinuha ni Rexx 'yung dress saka nya ibinigay 'yun s'akin at binayaran.

"Bakit mo ako binili nito eh ang dami dami ko na ngang damit? Baka maubos pa 'yang pera mo kabibili ah? Hayst! Marunong ding mag tipid ah?" sermon ko.

"Hay nako naman 'tong si love bagay kase sa'yo kaya ko binili. Saka susuutin mo naman 'yan sa first date natin eh kapag nasa manila na tayo" ano daw? First date? Hayop kinikilig ako!

"Ka-sweet nyo namang mag nobyo" singit naman ni manang.

"Sinabi nyo pa" mayabang na sabi ni Rexx. Aba! Kung batukan ko kaya ito? Tsk!

"Tara na nga Rexx—" bwisit.

"Anong Rexx? Dapat love! Ang daya mo naman eh! Sige hindi tayo aalis dito hanggat hindi mo ako tinatawag na love" aba napakaarte naman!

"Hayst! Tara na love. Okay na?" sabay hila ko sa kanya.

"Bakit ba ang init init lagi ng ulo mo ah? Kinukulang ka ba sa lambing ko? Ayieee mamaya sa bahay lalambingin kita sa kama—" 'yun! Kinurot ko na

"Aray! Joke lang eh! Di na ma biro. Pero seyoso ah isusuot mo 'yan sa first date natin. Para kapag nakita kong suot mo 'yang dress sa araw nang date natin ibigsabihin pinapahalagahan mo ako at mahal na mahal mo ako" aniya sabag kiliti sa'kin.

"Uy! Ano ba malakas kiliti ko!" sabay palo ko sa kanya. Pero ang tarantado patuloy parin.

"Ano ba Re—love! Hahaha! Ano ba?!" sigaw ko. At para makaganti kiniliti ko rin sya sa kanyang tagiliran at pushet! Walang kiliti! Tao ba 'to?

"Hanapin mo kiliti ko!" aniya sabay takbo.

"Bwisit kang Rexx ka! Hay!" pag talaga na huli kitang antipatiko ka baka mag lupasay ka na kapag nahanap ko 'yang lintik mong kiliti

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon