Chapter 54 The Truth

72 6 1
                                    

Chapter 54
The truth

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)








Isang linggo na ang nakalipas simula nung makita ko si Rexx sa park na umiiyak. Pero hanggang ngayon hindi parin nawawala sa isipan ko ang pangyayarin 'yun. Bakit hawak ni Rexx 'yung kamay ni Selena habang umiiyak? Nag break na ba sila? Bakit umiiyak si Rexx nung gabing 'yun? Ano ba talaga ang nangyayari?

Bakit parang sa bawat na nangyayari kay Rexx ay may hindi ako nalalaman? Na para bang may dapat akong malaman na importante pero hindi ko iyon alam kung ano at kung bakit ko ito nararamdaman. Bakit ganito? Sa tingin ko parang hindi ako 'yung nahihirapan dito para bang si Rexx 'yun. Kahit sa simula pa lang ito na 'yung nararamdaman ko.

"Michelle 'yung manok saan mo ba inilagay?" tanong ni Nica sa'kin. Bwisit naman nag e-emote 'yung tao dito eh!

"Anong kinalaman ko dyan sa lintik na manok na 'yan? Bwisit ang ganda na ng pag da-drama ko dito eh!" inis na sabi ko.

"Okay" sabay alis nya.

Nag luluto kase 'yung mga kupal kong kaibigan dito sa bahay ko. Tapos sa'kin pa 'yung mga putahe na ginagamit kaya mag go-grocery na naman ako. Sila na kase lagi ang nakakaubos ng mga stocks ko eh nakakainis.

Nahiga na lang ako sa aking kama para maidlip ng kaunti at slight para naman gumanda ako lalo. Pero nung ipipikit ko na 'yung mata ko bigla na lamang akong nakarinig ng sigaw kaya ako ay biglang napaupo sa kama ko.

"KYAAAA MAY GWAPO! MAY GWAPO! KYAAA! MICHELLEEEEE! WHOOOO! MAY GWAPO! RED ALERT MGA BESS!" sigaw ng mga kaibigan ko sa labas.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko 'yung mga kaibigan ko na nakakumpol sa pintuan na para bang may nakikita silang lalaking hubo dun. Lumapit na ako sa kanila at gulat kong nakita si Jiel na may dalang bouquet of flowers. Inabot nya naman iyon sa'kin at 'yung nga kaibigan ko ay pinapasok si Jiel at pinaupo sa sofa.

"Wait ka lang boy gwapo kukuha lang ako ng miryenda mo" sabay alis ni Roxxane. Sumunod naman 'yung tatlo kong kaibigan patungo sa kusina kaya kami na lang ang naiwan ni Jiel dito sa living room.

"Kumusta ka na? Tagal din nating hindi nag kita 'no? Tapos lalo ka pang gumanda" sabi ni Jiel.

"Nambola pa 'to oo. . . Pero bakit ka nga pala andito? Pano mo nalaman ang bahay ko?" tanong ko.

"Ahm. . Friend ko kase si Majie sa Facebook eh kaya nag tanong ako sa kanya kung saan ang bahay mo. Saka matagal ko na rin kaseng kilala si Majie simula nung highschool kami" sabay tawa ni Jiel.

"Ahh. . Pero bakit ka nga andito?" tanong ko pa.

"Wala kinakamusta ka lang. Saka napadaan lang naman ako kase trip ko lang" aniya.

"Ah, okay?"

"Pero pwede ka bang mai-invite na kumain sa labas mamaya? Ahmm? Mga 4:00 pm? Susunduin kita rito" sabi nya. Nakaramdam naman ako ng kaba at hindi ko alam kung bakit.

"Ah. . . S-sige tutal wala naman akong gagawin" sabi ko.

"Ah sige salamat! Ah mauna na ako. Napadaan lang ako dito para sabihin sa'yo 'yun" sabay tayo nya.

"Sige bye!" inip kong sabi

"B-bye?" aniya saka na sya lumabas at kasabay no'n ang pagdating ni Roxxane.

"Nasaan na si boy gwapo?" tanong ni Roxxane.

"Umalis na" sabi ko saka na ako ulit nag tungo sa kwarto ko rinig ko naman na nag mamaktol si Roxxane dun kase sayang daw 'yung hinanda nyang miryenda.

Nahiga na akong muli sa aking kama at naidlip ng mapayapa.

Kanina pa akong palakad-lakad para makauwi ngunit sa paglalakad may nakita akong isang lalaking naka talikod sa'kin. Nilapitan ko iyon para mapag tanungan at nagulat ako na makita kung sino iyon.

"Hi" sabi nya sabay sayaw.

"B-bakit ka sumasayaw?" tanong ko. Nagulat na lang ako nang halikan nya ako sa labi.

"Mahal kita asawa ko" sabi nya habang nakangiti.

Nagising na lang ako sa sobrang init. Bwisit kase bakit ba kase hindi ko binuksan ang aircon bago ako matulog? Saka teka? Panaginip lang pala 'yun? Akala ko totoo na. Napabaligwas na lang ako nang marinig ko si Nica na sumisigaw kaya lumabas na ako sa kwarto at gulat kong nakita si Jiel na nakaupo sa sofa

Shit! Kakain nga pala kami ni 'to sa labas! Bakit ba nakalimutan ko? Muli akong pumasok sa kwarto at naligo. Nag suot ako ng pormal na damit at lumabas na matapos makapag ayos.

"Tara na?" sabi ni Jiel. Napatango na lang ako at kami ay lumabas na ng bahay. Pumasok na ako sa magara nyang kotse at agad nya iyong pinaandar.

Makarating kami sa isang mamahaling restaurant eh may natanaw akong isang pamilyar na babae. Lumapit kami sa kanya ni Jiel at kami ay naupo sa harapan nya tumingin naman sya sa'kin at hinawakan ang aking kamay.

"Pinag hintay ka ba namin Selena?" sabi ni Jiel.

"No my dear cousin" sabi ni Selena na ikinagulat ko. Mag pinsan 'tong dalawang 'to? Pero 'wag mong sabihin na

"Oo mag pinsan kami ni Jiel at mag pinsan din kami ni Rexx" sabi ni Selena kaya napatakip na lang ako ng bibig ko.

"A-akala ko b-boyfriend mo si Rexx?" tanong ko.

"Hindi, palabas lang 'yun. Pati narin 'yung pag alis nya last 2 years palabas din 'yun" sabi nya sabay bitaw nya sa kamay ko.

"A-ano? Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong.

"Michelle i think you need to know the truth" seryosong sabi ni Jiel.

"Rexx is sick at kailangan ka nya sa tabi nya. Kaya lang namin nagawang mag sinungaling sa'yo kase ayaw ni Rexx na nakikita ka nya na nahihirapan dahil sa sakit nya. At ayaw na ayaw karin nya na nakikitang kinakaawaan mo sya sa lagay nya ngayon—"

"A-ano? Bakit ngayon nyo lang 'to sinasabi sa'kin? Bakit ngayon lang?" sabay tulo ng luha ko.

"Kase ayaw nya na malaman mo. Natatakot sya Michelle" sabi naman ni Jiel.

"Di ba last 2 years umalis sya at pumunta ng New Jersey?" tanong ni Selena. Napatango na lang ako bilang sagot "Kaya sya pumunta dun para mag pagamot o mag pa opera. Nung na operahan na sya no'n bumalik na agad sya dito sa pilipinas para makita ka kahit pa hindi pa sya tuluyang gumagaling sa sakit nya. Kaso hindi sya makapag pakita sa'yo kase nga ayaw nya na mapansin mo ang pangiiba ng pisikal na anyo nya" sabi ni Selena.

"At about dun sa nangyari last week sa park. Kaya hawak ni Rexx 'yung kamay ko dahil nag mamakaawa syang 'wag kong sabihin sa'yo ang katotohanan. Nalaman nya kase ang plano ko na sasabihin ko na sa'yo 'yung katotohanan. At kaya ko naman 'to sinasabi sa'yo ay naawa na ako sa pinsan ko" sabay tulo na rin ng luha ni Selena "K-kaya Michelle sana bumalik ka na ulit kay Rexx dahil kailangang-kailangan ka na nya nagyon. Kase nanghihina na sya eh simula nung operahan sya" sabi pa ni Selena.

"A-ano bang sakit ni Rexx?" tanong ko sabay punas ko ng luha ko.

"Leukemia" sabay hagulgol ni Selena. Nang marinig ko iyon ay parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko na para bang hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Selena ngayon.

"Kaya sana Michelle bumalik ka na sa piling ni Rexx nag mamakaawa kami sa'yo" sabi naman ni Jiel.

☜☆☞☜☆☞☜☆☞☜☆☞☜☆☞☜☆☞☜☆☞

Vote and comment thanks!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

◌⑅●♡⋆♡VOTE♡⋆♡●⑅◌

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon