Chapter 31: Mom And Dad

80 6 0
                                    

Chapter 31
Mom And Dad

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)









"Dyan ka na lang sa sahig matulog baka rapin mo pa ako" saad ko pero agad na tumutol ang antipatiko.

"Ano?! Ang tigas naman ng pag hihigaan ko? Aba ayoko gusto ko sa'yo. Sige ka kapag nagkagusto sa'kin 'yung sahig baka agawin nya ako sa'yo" aniya sabay tawa.

"Bwisit ka! Dyan ka na matulog" sabay upo ko sa higaan ko at nag salpak ng headset sa tenga ko.

"🎶Just stop your crying
it's a sign of the times
Welcome to the final show
Hope you're wearing your best clothes🎶"

Grabe ang ganda talaga ng boses ni Harry Styles!

Nakita ko naman na panay ang talak ni Rexx pero hindi ko sya pinapansin dahil abala ako sa pakikinig ng kanta. Nagulat na lang ako na bigla syang nahiga sa kama ko saka nya ako niyakap at hinila pahiga dahilan para matanggal ang headset sa tenga ko. Bwisit nag so-sound trip ang tao eh! Bastos.

"Kanina pa akong nag sasalita sa harap mo hindi mo man lang ako pinapansin" seryosong sabi nya habang nakayakap sa'kin

Sa ngayon magkaharap kami ni Rexx at nakayakap sya sa'kin. Sobrang lapit na nga ng muka namin at kulang nalang mag laplapan kami rito.

"Ano ba ang sinasabi mo ah? Nag so-sound trip ako eh" saad ko.

"Eh kase naman po 'yung panty mo pong kulay pink nakasabit doon sa may bintana. Bakit may sampayan dun sa bintana mo? Nag lalaba ka ba dito?" aniya sabay tawa nya.

Agad naman akong napabaligwas sa pagtayo at agad na kinuha 'yung panty sa sampayan ko at tinago iyon sa drawer ko.

"Cute ng panty mo. Nakakagigil" aniya sabay ngisi.

"Manyak" saad ko sabay labas ng kwarto ko at dumaretso sa studio. Ramdam ko naman na nakasunod sa akin si Rexx.

"Nasaan ang saksakan ng cellphone nyo dito? Mag papatugtog ako" sambit ni Rexx agad ko namang tinuro 'yung wire na nakalawit sa speaker.

Namalayan ko na lamang na malakas na tumutunog ang speaker at ang ganda ng kanta nito. Ang sarap nitong isayaw at mas masarap kung may kasama kang kasayaw

"Sayaw tayo?" aniya.

Nauna syang umindak at sinabayan ang beat ng kanta. Hindi ko naman maitatanggi na  magaling  nga sya sa pag sasayaw at ang hot nya pang gumalaw kung sumayaw kaya kinakabaliwan sya ng mga babae sa school namin.

"Tara!" pag aanyaya nya pa kaya ang ginawa ko sumayaw narin ako.

Grabe ang sarap talagang sumayaw lalot pag alam mong marunong kang sumayaw. Booom! Nasaktan siguro 'yung mga hindi marunong sumayaw.

(Rica: Oo! Nasaktan talaga! Wala kang puso!)

Oh? Nag hihinanakit si author. Sorry! Tuloy ko na muna 'tong sayaw namin ni Rexx ah? Bahala na kayo dyan.

Etong kanta kase 'to narinig ko na at nakita ko na 'to sa tiktok kaya alam ko 'to kung papaano sayawin.

Matapos ang kanta ay sumunod namang tumunog ang kanta ng BTS ang boy with luv. Grabe may kanta pala nito si Rexx sa phone nya? Army na sya? Haha! Wala bang Fear dyan ng Seventeen? Ihihi

Nakita ko naman na sumasayaw na si Rexx ng boy with luv. Grabe gayang-gaya nya 'yung totoong dance practice ng BTS! Lodi! Panay pa ang galaw ng paa nya eh.

At syempre papakabog ba ako? Syemre hindi! Nag sayaw narin ako at sinabayan ang kanta. Ang sarap talagang mag sayaw.

Natigil lang kami sa pag sasayaw ni Rexx nang biglang sumingit 'tong lintik na si Coreen. Bwisit sya ng pabaliktad

"ANG INAANAK KO NASAAN NA?!" sigaw ni Coreen.

Bwisit hindi parin tumitigil dun sa kanyang trip na 'yun.

"Paparating na" sabay halakhak ni Rexx kaya sinapok ko na.

"Aray ko naman! Masakit—ay teka! May naalala ako! Ano na bang oras na?" sabay tingin ni Rexx sa relo nya "6:54 pm pa lang pala. Ah love halika" agad nya akong hinila palabas ng apartment at nag tungo kami sa kotse nya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa bahay namin" mabilis nyang sagot at pinaandar na nya ang sasakyan.

"Bakit? Anong gagawin natin doon? Saka hindi pa ako kumakain! Tch! Rexx" inis na sabi ko sa kanya.

"Eh! Basta!" aniya sabay ngisi.

Kainis na lalaking 'to! Kung hindi lang ako baliw sa'yo na bugbog na kita ng paulit-ulit dito!

Makarating na kami sa lintik na mala palasyong bahay nina Rexx ay agad kaming sinalubong ng katulong nila

"Juice po ma'am?" tanong ng matandang katulong sa'kin.

"Ay! Hindi na po ayos lang po ako'y—" pero ang antipatiko nag papigil! Tsk!

"Hindi manang. Mag handa ka ng brownies, cake, juice, chicken, at hotdog" seryosong sabi ni Rexx sa katulong nila. Wow may pa fiesta?

"Okay po sir" saka na umalis 'yung katulong

Grabe ang laki ng bahay nila Rexx! Parang nasa fairy land na ako nito ah? Mala palayso na kase ang bahay na 'to.

"Hoy! Bakit ka pa nag pahanda ng pagkain eh ayos na naman ako?" masingit kong sabi sa kanya.

"Basta!"

Makarating na ang mga pagkain ay agad na nilantakan iyon ni Rexx. Habang kumakain ay may nakita akong isang magandang babae at lalaki na sabay na nag lalakad patungo sa amin ni Rexx.

Ang ganda ng babae at ang gwapo ng lalaki! Sino kaya sila? Parang 'yung lalaki kamuka ni Rexx. Lalo na 'yung mata magkahawig na magkahawig.

"My son! You're here!" sabay beso ng babae kay Rexx.

Teka? Mama pala 'to ni Rexx? Bakit ang bata naman? Parang kasing idad ko lang 'to ah? Nag ii-skin care ba 'to?

"Mom i just want you to meet my girlfriend. . . Michelle" nakangiting sabi ni Rexx agad naman akong sinunggaban ng mommy ni Rexx at hinalikan sa pisngi.

"Ikaw pala ang ikinukuwento ni Rexx sa'kin. Ang ganda mo darling" puri ng mommy ni Rexx sa'kin.

"Thank you po" nahihiya kong sabi.

"By the way my name is Rainy and you can call me mommy or mom dahil dun din naman ang hantong" sabay tawa nya.

"Okay po mom" sabi ko.

"And this is Freddie my husband" sabay turo nya sa katabi nyang gwapong lalaki.

"Hi, pwede mo na rin akong tawagin na daddy" sabay ngiti nya.

"Sige po"

Grabe 'di ko alam na ipapakilala pala ako ni Rexx sa mga magulang nya! Nakakainis hindi ako handa! Ang dugyot ko! My gulay! Nakakahiya.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon