Chapter 55: By Your Side

70 7 2
                                    

Chapter 55
By your side

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)








Hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon. Grabe ang tanga ko! Ang tanga ko! Kung kailan kailangan na kailangan ako ni Rexx dun pa ako nawala! Sobrang sama ko pero hindi 'yung muka ko ah? 'Yung ugali ko lang. Pero bakit nya 'yun ginawa para sa'kin? Maiintindihan ko naman sya eh.

"Michelle kailangan mo nang p-puntahan si Rexx. K-kailangan ka nya ngayon" garalgal na sabi ni Selena sa'kin.

"S-sige" sabay punas ko ng luha ko.

"Sumakay ka na sa kotse ko" sabi ni Jiel nang makalabas na kami sa restaurant na iyon. Sumakay na naman ako at mabilis na pinaandar ni Jiel ang sasakyan.

Napatingin naman ako kay Selena na sa ngayon ay hikbi na lang ng hikbi. Pero teka 'di ba ako dapat 'yung nag da-drama ng todo dito kase ako 'yung bida? Pero bahala na sya 'la akong pake sa kanya.

Makarating na kami sa ospital ay ginapangan agad ako ng kaba habang kami ay nag lalakad patungo sa kwarto ni Rexx. Huminto kami sa tapat ng kulay brown na pinto.

"Pasok na ako ah?" sabi ni Jiel saka na sya pumasok. Sumunod naman si Selena kaya ako na lang ang naiwan dito sa labas.

Huminga na muna ako ng malalim saka ko pinihit ang doorknob. Tumambad naman sa'kin ang napakalaking kwarto at ako ay pumasok na ng tuluyan doon. Nanubig na lang bigla ang aking mata na makita ko ang kalagayan ni Rexx ngayon.

Nakahiga sya sa kanyang kama at tulog. Kahit sa pag tulog nya hirap na hirap sya. Agad akong lumapit sa kanya at hinimas ang kanyang ulo.

"S-sorry" sabi ko habang humihikbi.

Bigla na lang gumalaw si Rexx at nakita ko ang pag mulat ng kanyang mga mata. Kita ko naman ang gulat sa kanyang muka at bigla na lang tumulo ang kanyang luha.

"B-bakit ka andito? S-sinong nag papunta sa'yo rito?" sabay upo ni Rexx sa kanyang kama "S-selena anong ibig sabihin n-nito?" sabi ni Rexx.

"Rexx kailangan nyang malaman ang totoo! At alam ko na kailangan na kailangan mo sya ngayon" sabi ni Selena.

"Rexx andito na ako sa tabi mo oh, hindi na ulit kita iiwan" sabay yakap ko sa kanya.

"U-umalis ka na. Pakiusap l-lang" sabi nya na ikinabigla ko.

"Rexx mahal parin kita at hindi nag bago 'yun" grabe para nang gripo 'yung luha ko wala bang switch para humina 'to?

"Umalis ka n-na hindi kita k-kailangan. U-umalis ka na" sabay higa nya at sya ay tumalikod sa'kin.

"Rexx n-naman—"

"Please lang umalis ka na. Hindi ako 'yung tao na dapat mong mahalin kaya umalis ka na at iwan mo na ako" sabi ni Rexx.

"Hindi! Ayoko! Mahal kita. Mahal na mahal kita. At hindi kita kayang iwan" sabay yakap ko ulit sa kanya. Humarap naman sya sakin kaya nakita ko ang kanyang basang mata.

Nagulat na lang ako nang bigla nya akong yakapin ng mahigpit saka sya humikbi. Oh 'di ba kailangan mo ako? Niyakap ko rin naman sya ng mahigpit at sabay sabi ng.

"I love you" sabi ko

"I-i love you too a-asawa ko" aniya sabay halik sa'kin.

Na miss ko 'yung halik mo Rexx isa pa nga! Ehihihi! Pero drama na muna bawal na muna ang comedy kase trip kong umiyak. Naparami kase ang inom ko ng tubig kanina eh kaya iiyak ko na lang 'to para maiga.

"D-dito ka lang sa tabi ko a-ah?" sabi nya. Umupo naman ako sa kama nya at hinimas ko ang kanyang ulo.

"Oo, dito lang ako sa tabi mo" sagot ko sabay punas ko sa luha ko.

"Alagaan mo ako ah? Tapos susubuan mo ako ng pagkain ah? Tapos papatulugin mo ako ah? Saka dito ka sa tabi ko matutulog" parang bata nyang sabi kaya ako ay napangisi na lang.

Grabe na miss ko 'yung ugaling 'yan.

"Opo baby ko" sabay tawa ko.

"Love! Gusto ko love!" nakanguso nyang sabi.

"Oo na love. Hay"

"Tabihan m-mo ako dito dali! Miss kitang yakapin" sabi nya sabay hila nya sa'kin pahiga kaya ako ay bumagsak sa tabi nya.

Medyo masakit din 'yun kaya powtarez lang. Pero keri na kase ngayon ko na nga lang nakita ang de puta na 'to eh.

"Bango naman ng asawa ko" aniya habang inaamoy nya ang aking ulo.

"Tumigil ka nga at nakikiliti ako! Ano ba Rexx nakakahiya sa mga pinsan mo oh!" suway ko kay Rexx

"Hayaan mo sila" bulong ni Rexx sabay halik sa leeg ko.

"Eheeeem!" singit ni Jiel kaya kami ay napatingin sa kanya.

"Labas na muna kami ah? Take your time. Saka utol! Galingan mo ah, dapat gawin mo 'yung style na tinuro ko sa'yo. I'm proud of my self kase magagawa mo na 'yung tinuro ko sa'yo" sabi pa ni Jiel.

"Sige utol gagawin ko 'yun" sabay tawa ni Rexx.

Ano bang pinag sasabi ng mga 'to? Ano bang style ang sinasabi nila? Paki explain nga hindi ako maka-relate eh.

"Sige labas na kami ah? Basta ninong ako pagkakwan" sabay hila ni Jiel kay Selena palabas kaya kami na lang ang naiwan ni Rexx dito sa kwarto.

"Pano ba 'yan mukang dito pa natin gagawin ang panganay natin" sabay tawa ni Rexx agad ko naman syang pinalo kase naiilang ako.

"Mag pagaling ka muna bago 'yang panganay mo na 'yan! Puro na lang sex ang nasa isip mo. Hay nako Carrlington sinasabi ko lang sa'yo umayos ka" sabay irap ko.

"Ang asawa ko naman!" sabay nguso nya.

"Nako Rexx tigil-tigilan mo ako sa ganyan mo hindi ako marupok"

"Sige na nga! Kapag gumaling na ako pagod ka talaga sa'kin" sabay yakap nya sa'kin.

"Pagod ka dyan. Baka ikaw lang ang pagurin ko kapag gumaling ka na" masungit kong sabi.

"A-ano bakit naman? Paano?" natatawa nyang tanong.

"Papagurin kita sa pag lilinis ng bahay at pag lalaba ng damit ko" sagot ko sabay tawa ng malakas.

Ano ka ngayon sa'kin Rexx Carrlington talo ka sa'kin 'no?

"Hayst! Gusto kong matulog sinira mo kase ang tulog ko eh ang ganda ng panaginip ko" surang sabi nya.

"Ano ba ang panaginip mo?" tanong ko.

"Na nagkaanak na tayo" nakangiting sabi nya.

"Edi wow" sabi ko saka ko ipinikit ang mata ko. Gusto korin kaseng matulog baka kase mapanaginipan ko ulit si Rexx na nakahubad.

Sayang din kase 'yun minsan lang 'yun sumusulpot sa panaginip ko kaya try kong matulog ngayon kase baka sumulpot ang scene na 'yun sa panaginip ko. Sasamantalahin ko na rin na kayakap ko si Rexx ngayon kase ang bango nya. Amoy downy ang damit nya nakakaadik!

"Good night asawa ko" sabi nya.

☜☆☞☜☆☞☜☆☞☜☆☞☜☆☞☜☆☞☜☆☞

Vote and comment mga pards! Thank you ng malupet!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

◌⑅●♡⋆♡VOTE♡⋆♡●⑅◌

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon