Chapter 40: Miss

71 5 0
                                    

Chapter 40
Miss

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)











Kanina pa akong takbo ng takbo dito sa kalsada. Nang matanaw ko na ang airport ay dalidali akong pumasok doon kahit pa pinagbawal pa ako ng gwardya.

Agad kong hinanap si Rexx sa paligid paro hindi ko sya mahanap kaya nilibot ko na ang buong airport. Pero sadyang mapag laro ang tadhana hindi ko mahanap si Rexx kaya napapaiyak na lang ako.

Pansin korin na pinagtitinginan na ako ng mga tao rito pero wala akong pakealam ang mahalaga ay mapigilan ko si Rexx sa pag alis nya. Napaupo na lang ako sa sahig dahilan ng panghihina.

"Bwisit ka Rexx! Bwisit ka!" mahina kong sabi sa sarili ko.

Bigla na lamang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong kinuha iyon sa aking bulsa at sinagot.

"H-hello?" garalgal kong sabi.

"Michelle! Nasaan ka ba? Kanina ka pa naming hinahanap!" sigaw ni Coreen sa cellphone.

"N-Nasa airport ako" saka na ako humagulgol.

"Bakit ka naandyan—shit! Pupuntahan kita dyan!" saka na nya tinapos ang tawag.

Nang may nakita akong upuan ay umupo na ako doon kase ang sakit sa pwet na umupo sa sahig kaya sa upuan naman para maiba.

Makalipas ang ilang minuto nakita ko na si Coreen at agad na nya akong niyakap.

"Michelle! Pinag alala mo ako—"

"Iniwan na ako ni Rexx! Si Rexx Coreen umalis na sya! Hindi ko sya makita dito! Tulungan mo akong hanapin sya! Coreen" naiiyak kong sabi.

"S-sige!" saka na kami tumayo at nilibot ang airport.

Habang nag hahanap kay boy mang iiwan ay unti-unti nawawalan na ako ng pag-asa kase kanina pa kaming nag lalakad wala parin akong nakikitang Rexx. Hindi kaya nakaalis na sya? Wag naman sana.

Mayamaya may napansin akong pamilyar na lalaki na nakaupo sa maraming upuan na katabi nya. Muli akong binuhayan ng loob kaya agad na akong lumapit sa kanya ng dahandahan.

"R-rexx" pagtawag ko. Agad naman syang napalingon sa akin at napatayo. Napangiti na lamang ako na makita ko ang muka nyang gulat na gulat.

Nananatili lang kaming nakatayo ng malayo sa isat-isa at unti-unting lumalapit hanggang sa mahawakan na nya ang pisngi ko.

"M-michelle" mahina nyang sabi sabay yakap sa akin.

"W-wag kang umalis please? Hindi ko talaga kayang wala ka" saad ko pero hindi sya sumagot hinalikan nya lang ang labi ko saka na sya tumalikod sa akin.

"Bye asawa ko" aniya saka na sya nag lakad palayo habang dala nya ang maleta nya.

"Rexx! Please lang!" sigaw ko at agad kong hinablot ang braso nya kaya sya ay napalingon sa'kin.

"'Wag kang umalis. . . 'Wag kang umalis pakiusap lang. Wag mo akong iwanan please! Please!" sabay iyak ko habang nakatungo

"Michelle tsinelas ka ba?" aniya sabay harap nya sa'kin kaya ako ay napatingin sa kanya.

"B-bakit?"

"Kase hindi ko kayang umalis ng wala ka" sabay yakap nya sa'kin ng mahigpit na mahigpit na para bang ayaw nya na akong pakawalan pa.

Napa hagulgol na lang ako sa banat nyang 'yun saka ko sya sinapok sa kanyang dibdib nang matapos na kaming mag yakapan.

"G-gago ka! Walang h-hiya ka! Napakagago m-mo! G-gago ka!" sigaw ko habang sinusuntok ko ang kanyang dibdib.

"Aray ko naman, sige ka aalis ako—" hindi na natapos ni Rexx ang sasabihin nya nang may biglang nag salita sa likod ko kaya ako ay napalingon doon. Nakita ko naman si dad Freddie at mom Rainy.

"M-mom, d-dad" utal na sabi ni Rexx.

"Umalis ka na iniintay ka na nila doon" seryosong sabi ni dad Freddie na kinabigla ko.

No!

"Dad" sabi ni Rexx.

"Please po 'wag nyo na pong paalisin si Rexx! Nakikiusap po ako! Please po!" naiiyak kong sabi sa mag asawa.

"Michelle hayaan mo na si Rexx kailangan sya ng kompanya doon. At may kailangan syang gawin doon. Babalik naman sya" sabay hawak ni mom Rainy sa balikat ko.

"R-Rexx!" tawag ko sa kanya.

"Sorry Michelle" garalgal nyang sabi saka na sya tuluyang umalis hanggang sa nawala na sya sa paningin ko.

Todo sigaw pa ako ng pangalan nya pero sadyang huli na ang lahat. Talagang umalis na si Rexx. Talagang iniwan nya ako! Nakakainis!

"Michelle tama na umuwi na tayo" sabi ni Coreen saka nya ako hinila paalis.

"H-hindi Coreen uuwi lang ako kapag kasama ko na si Rexx" sigaw ko.

"Umalis na nga si Rexx eh! Tama na! Pagod ka na! 'Wag mo ng pilitin ang sarili mo sa hindi mo naman kayang gawin! Mas lalo ka lang nahihirapan sa ginagawa mo Michelle!" sigaw nya sa'kin sabay hila nya sa'kin palabas ng airport.

Makarating kami ni Coreen sa apartment ay agad akong nag kulong sa kwarto ko at nag wala. Hindi ko na kaya! Parang gusto ko ng lumisan sa mundong 'to! Ayoko na!

"Aaaahhh!" sigaw ko sabay tapon ko ng kabinet at kama sa kung saan rinig ko naman ang sigaw ng mga tropa ko sa labas.

"Oh! Ano 'yun? Bakit may umugong na malakas? May lindol ba?" tanong ni Nica mula sa labas.

"Gaga! May heart broken kaya may ganon" sabi naman ni Coreen.

Grabe ang lakas ko ngayon ah? Pero wala akong pakealam! May problema ako ngayon kaya dapat drama ngayon kaya wala dapat comedy! Kainis kase 'yung nag susulat nito eh! Sarap patayin!

"PUTANG INA REXX BAKIT MO AKO INIWAN?!" sabay tapon ko ng unan napaupo na lang ako kama ko saka ko sinapo ang noo ko.

"Bakit ba 'to nangyayari sa'kin? Tangina naman oh! Pagod na pagod na akong masaktan, pagod narin akong umiyak! Bakit ba kase ako iniwan ni Rexx! BAKIT MO AKO INIWAN?!" sigaw ko pa.

Bigla na lamang bumukas ang pinto at nakita ko si Coreen at lumapit sya sa akin saka nya ako niyakap.

"Tama na Michelle. Pinapagod mo lang ang sarili mo. Tama na tanggapin mo na lang ang pag alis ni Rexx" saad ni Coreen.

"Paano ko matatanggap eh ang sakit nga dito?! Masakit dito Coreen eh! Masakit. . . . Sobra" sigaw ko habang nakaturo 'yung kamay ko sa dibdib ko.

"Alam ko ngang masakit 'yan. Pero mas sasakit 'yan kung hindi mo matatanggap 'yung pag alis nya. Babalik naman sya Michelle eh"

"Lintik na de putang babalik na 'yan! Ilang beses ko pa bang maririnig 'yan?! Tangina naman oh!" sabay tayo ko at lumabas kahit pa umuulan ng malakas.

"Michelle umuulan! Teka lang kukuha lang ako ng payong hintay lang!" sigaw ni Majie.

Putares naming babae iyon. Nag e-emote na nga ako may pa payong pa syang nalalaman! Bahala sya sa buhay nya!

Naglakad-lakad ako sa gitna ng kalsada hanggang sa mapadpad ako sa park na pinag tatambayan namin ni Rexx?

Miss na agad kita Rexx. . .

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon