"What?! Why are you breaking up with me?"
Sa apat na taong pamamalagi ni Danelle sa Washington upang mag-aral, hindi maiiwasang hindi siya magkaroon ng mga karelasyon lalo na't maganda siya, matangkad, at maganda ang hubog ng katawan.
Doon siya pinag-aral ng kanyang ama upang masiguro ang kaligtasan niya mula sa mga banta ng mga taong kumakalaban sa ama niya magpahanggang ngayon. Sa susunod na araw sila lilipad pabalik ng Pilipinas kasama ang ninong niya na matalik na kaibigan at kaalyadong punong ministro ng kaniyang ama.
Sa ngayo'y inaayos naman niya ang mga maiiwan dito sa America tulad na lamang ng panibago niyang kasintahan. Nagkaroon din siya ng mga kaibigan dito ngunit hindi naman sila palagiang magkakasama.
"I'm going back to the Philippines and I don't know when I will be here again or if I'll still be back so I'm breaking up with you. I am just making things easy for the both us."
Kanina pa niya kinausap ang lalaki subalit hindi lang nito matanggap ang gusto niyang mangyari. Tiningnan niya ang kaniyang relo at nakitang malapit na mag-alas kuwatro.
"But we're just two weeks and then you're breaking up with me now? What the heck Danelle!"
"I'm tired talking to you Gil and besides, is it a big loss to you? You're a jerk toying girls. You're just lucky because I accepted your shits. I know it all Gil. I know it all."
Napanganga ang kanong lalaki dahil sa inasal niya. Pinatulan niya ito dahil kilala ang lalaki sa buong eskwelahan nila bilang isang mapaglaro at demonyong lalaki na hindi na mabilang kung ilang babae na ba ang niloko.
"I'm going, until we meet again." Humakbang siya upang halikan sa pisngi ang lalaki na wala pa rin imik. "But I hope we better not."
Iniwan niya ito sa loob ng restaurant at pinagbuksan siya ng kaniyang bodyguard. Hindi siya pwedeng makalabas ng walang kasama. Nakikitira lamang siya sa kanyang ninong kaya ayaw naman niyang sumuway.
Nakauwi siya sa kanilang bahay at sinalubong siya ng ninong niya. Hinalikan din siya nito sa pisngi.
"Did you already packed ninong?" tanong niya rito.
Bagamat hindi gaanong marunong umintindi ng wikang Filipino ang kaibigan ng ama niya, tinatawag pa rin niya itong ninong at gustong-gusto naman iyon ng matanda.
"I'm just staying there for three days, no need to pack so many things. How about you?"
Ngumiti si Danelle. Malapit na malapit siya sa kanyang ninong dahil maaga itong naulila sa pamilya. Namatay ang kanyang asawa at nag-iisang anak dahil sa aksidente sa kotse kaya ngayo'y tinuturing siya nitong parang tunay na anak lalo na't ang namatay na anak ng matanda'y isa ring babae.
"That's why I went home early ninong. I have to pack my things. I'm going to miss you so bad ninong." Niyakap niya ang matanda.
Talagang mangungulila siya rito dahil apat na taon niya itong nakasama at hindi siya nito itinuring na iba bagamat magkaiba ang lahi at bansa na kanilang pinagmulan. Napatunayan ni Danelle na kahit nasaan ka mang sulok ng mundo, basta't puno ng pagmamahal ang puso ng isang tao, hindi imposibleng magkaroon pa ito ng mas matibay na relasyon sa kabila ng pagkakaibang mayroon sila.
"I'm going to miss you too. Don't forget to visit me, okay?"
Naluha si Danelle. Kung hindi sa mga body guards nito at ilang mga tauhan ay masasabi niyang sobrang lungkot ng buhay ng kaniyang ninong. Matagal na itong nag-iisa sa buhay at hindi na rin sumubok pa na bumuo ng panibagong pamilya dahil mas pinili na lamang niya na pagsilbihan ang bansa.
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...