“Kanina lang nakuha natin ang impormasyon ng mga hostage takers at nalaman nating kabilang sila sa isa sa mga pinakamalaking sindikato maraming taon na ang nakakalipas. Ang lalaking nasa kanan nila ang siyang namuno sa kanila sa hostage taking, may tattoo sa braso at matagal na siyang kanang kamay ng sindikatong ito. Siya rin ang nakausap ni Captain Pzarova. Ito namang nasa kaliwa ay ang nag-iisang babae sa grupo. Malimit na sumasama sa mga operasyon ng sindikato at kapag lumalabas naman siya'y may takip ang kalahati ng kaniyang mukha. Kailangan nating maging maingat.”
Nasa isang mahalagang pagpupulong ang mga opisyales ng kasundaluhan at kabilang na roon ang dalawang kapitan na sina Pzarova at Locsin. Sa kanilang unahan, nakaflash ang mga mukha ng mga sindikatong gumawa ng kaguluhan kanina sa mall at ngayon nag-uusap sila upang mapaghandaan ang susunod na magiging hakbang lalo na’t kailangan nilang maging maingat dahil bihag ng mga ito ang anak ng presidente.
“Nawala rin ang mga mamahaling alahas at mga gadgets sa nasabing gusali kaya naniniwala akong hindi lamang hostage taking ang naging pakay nila.”
Nanatiling tahimik ang iba pang mga opisyales hanggang sa muling magsalita ang kanilang Brigadier General.
“Susunod, ito ang pinuno ng SY Syndicate. Siya si Yuan Smelin at sampong taon na rin natin siyang bihag. Marami na ang karahasang kinabilangan niya, marami na siyang napatay, matinik siya sa nakawan, at isa rin siyang drug lord kung saan supplier siya sa kalahati ng asya. Subalit sa ngayon, kailangan nating gumawa ng kritikal na desisyon at kailangan nating pag-usapan iyon ng mainam.”
“Isang kondisyon lamang ang iniwan nila kay Captain Pzarova, at iyon ay ang paglaya ng kanilang pinuno na si Yuan Smelin kapalit ng pagbabalik nila kay Ms. Danelle Greogo, ang anak ng presidente.” Pagpapatuloy nito
“With all due respect, Sir. We are really making a vital decision here and I think we cannot grant their request.”
Napatingin silang lahat sa kapitan na si Locsin.
“Kung hindi lang nakialam si Pzarova sa misyon namin, maayos sana ang lahat.” Dagdag pa ni Locsin
“Captain Locsin!”
“Locsin!”
Lihim na napairap ang kapitan nang makatanggap siya ng mga sigaw na iyon.
“Watch your words, Captain Locsin.” Babala sa kanya ng Brigadier Gen. kaya nanahimik na lamang siya.
“Kailangan nating makipag-usap sa sindikatong ito at hangga’t maaari sundin lamang ninyo ang mga kagustuhan nila. That would be the easiest way for us. We need to consult President Dencil to this case, as of now he’s not in good condition to join our meeting that’s why I need our Colonel and Captain Pzarova to take care of this. Iparating ninyo sa amin ang magiging desisyon ng Presidente at kung maaari, kailangan agad natin ng kasagutan mula sa kaniya.”
“At ako na po ang bahala sa pakikipag-usap sa SY Syndicate, Sir kung inyo lamang pong mamarapatin.” Locsin
Natapos ang kanilang pulong at agad na rin na dumiretso si Pion sa kanilang kampo. Sabay lamang sila ng kapitan pa na si Locsin subalit tulad ng dati, hindi sila nagkikibuan.
Sinalubong si Pion ng mga kasamahan niya at binati niya rin ito. Pumasok siya sa kanilang quarter at agad ding lumabas matapos makuha ang sombrero nito. Pagkatapos, lumabas din siya at sinalubong muli siya ng mga kasamahan.
“Aalis ka, Captain?”
“May pupuntahan lang ako.”
Nagtuloy-tuloy na sa pag-alis si Pion at habang nasa sasakyan siya ay nadaanan niya ang taong nakangisi sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...