CHAPTER 20

1.2K 37 0
                                    

Ilang araw naging abala si Danelle sa site. May tent na sila doon at kasalukuyan naman silang nagluluto ni Shawn. Balak niyang pakainin na lamang ang mga trabahador doon para naman may nagagawa siyang tulong. May mga tumulong din naman sa kanilang iba tulad na lamang ng arkitek na marunong din palang magluto.

“Dito na kayo.” Aya ni Danelle sa mga iyon na nahihiya pang lumapit sa kanila.

Binigyan naman ni Danelle isa isa ang mga trabahador niya. Sumabay din siya sa pagkain sa mga ito at nagkwentuhan lamang sila. Masaya siyang magaan ang loob sa kanya ng mga iyon at ganoon din siya. Nang matapos sila sa pagkain, napansin ni Danelle na medyo madami ang sobrang pagkain. Niligpit niya ang mga pinagkainan nila na tinulungan naman ng arkitek at ng kanyang pinsan.

“Ako na dito Ms. Danelle. You can take a rest for a while. Kanina ka pa dito nagaasikaso.” Boluntaryo ni Krux

“Sige, salamat.”

“Shawn, may sobra pa ba tayong Styro?” tanong naman niya sa pinsan

“Meron, bakit?”

Sa loob ng kanyang kotse ay naroon ang mga sobrang Styro na may lamang pagkain. Pinili ni Danelle na maglibot libot sa buong lugar upang ipamigay iyon sa mga taong nagugutom sa kalsada. Sinamahan naman siya ng pinsan na si Shawn na siyang nagmamaneho ng kanilang sasakyan. Masaya niya iyong iniaabot sa mga tao hanggang sa makarating sila sa isang checkpoint area at military ang mga nagbabantay doon. Mula din doon sa lugar na iyon ay malapit na nilang mararating ang sentro.

“Shawn, itigil mo. May ilan pa tayong natitira dito. Ibigay nalang natin sa kanila.”

Tiningnan siya ng lalaki saka siya tinanguan. Binuksan muli niya ang bintana ng kotse saka inabot doon ang isang plastic ng Styro.

“Hi, foods for you. Sobra kasi ang niluto ko kaya sa inyo nalang.”

Nagkatinginan naman ang mga sundalong nagbabantay doon hanggang sa abutin nila ito mula sa babae.

“Maraming salamat po, Ma’am. Sa katunayan ay hindi pa kami kumakain kaya’t hulog ka ng langit sa amin.” Nakangiting wika ng isa.

“You’re welcome. Kung gusto ninyo ay bibigyan ko pa kayo bukas. Magluluto nalang ako ng sobra para maabot pa kayo.” Then she smiled

“Thank you, ma’am. Thank you very much.” labis labis ang pasasalamat sa kanya ng mga ito hanggang sa mapansin niya ang isang may kinukuha sa bulsa at bahagya siyang nagulat nang makita kung ano iyon.

“Ma’am, pwede po ba tayo magpicture?”

Alanganing umiling siya sa mga ito, “No need, Sir. It’s okay.”

“Sige na, ma’am para naman may alaala kami sa kabutihang ginawa mo sa amin. Bihira nalang ang mga taong kagaya ninyo.”

Napakagat-labi na lamang si Danelle. Mukhang hindi niya matatanggihan ang mga ito. Liningon muna niya ang pinsan at nagkibit balikat lang ito sa kanya.

“Sige.”

They took pictures and Danelle was smiling the whole time. As their car went off, she became anxious.

“What if he upload it? Makikita ako ng mga tao.”

Bahagya namang napatawa ang pinsan niya, “Ayaw mo niyan? Magiging sikat ka at tsaka wala ka namang ginawang masama. That’s okay, Dany.”

Hindi na nakipagtalo pa si Danelle. Nanatili na lamang siyang tahimik hanggang sa makarating siya sa kanilang bahay. Dumiretso agad siya sa kanyang kwarto at napagdesisyunang buksan ang cell phone. Wala naman siyang nakitang kumuha ng interes niya kaya isinantabi na lamang niya iyon. Iidlip na sana siya nang marinig naman na may kumakatok sa kanyang pintuan.

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon