CHAPTER 22

1.3K 44 0
                                    

Patungo si Pion sa airport upang sunduin ang isa sa pinakamatalik niyang kaibigan noon. Makalipas ang sampung taon ay uuwi itong muli sa Pilipinas upang asikasuhin ang ilang ari-ariang naiwan sa bansa ng namayapang ama. Hindi pa man nakakaalis sa bansa ang kaibigan ay magkausap na silang siya ang magsusundo dito.

Mula sa arrival area kung nasaan si Pion ay nakita niya ang lalaking hindi pa rin niya nakakalimutan ang mukha. Kahit pa na maraming taon na ang nakakalipas ay parang parehong pareho pa ito nung dati. Niyakap siya nito at ganoon din siya.

“I missed you, brad.” Saad ni Mino

“Hindi ka pa rin nagbabago, you’re still clingy.” Biro sa kanya ng kaibigan kaya natawa ito

“By the way, kamusta na ang iniimbestigahan mo?” naguusap lamang sila habang naglalakad patungo sa kanilang sasakyan

“Going well but I still need more evidences and of course…” tumigil si Pion sa paglalakad saka hinarap ang kaibigan

…witnesses.” Pagpapatuloy niya

Inakbayan naman ni Mino ang kaibigan, “I am willing to be your witness. I am a survivor of that tragedy and there’s no way that, that person would not pay for his sins.”

Ika-apat na araw na magmula ng maaksidente si Danelle. Mula din ng araw na iyon ay hindi na niya nakita pa ang lalaki, hindi na ito bumalik sa hospital. Ganoon man, pinagpapasalamat pa din niya iyon kahit papaano sapagkat araw araw naroon ang kanyang ina sa hospital binabantayan siya. Hindi maaaring magtungo doon ang sundalo ng walang rason dahil magtataka lamang ang mga ito. Wala naman siyang maisasagot sa kanilang mga tanong lalo pa’t wala naman sa kanilang namamagitan.

“Are you feeling better? Bakit tulala ka?”

Napalingon si Danelle sa kaibigang si Xia nang tanungin siya nito. Madalas din iyong nasa hospital upang alamin ang kanyang kondisyon at nagpapasalamat siya sa kaibigan. Nginitian niya ito.

“Yes, I’m feeling better. Iniisip ko lang ang tinatrabaho nina arkitek, maayos pa kaya sila?”

“’Wag kang mag-alala, nandoon naman si Shawn palaging bumibisita.” Sagot ng kaibigan.

“Salamat sa inyong dalawa.” Danelle smiled at her again and Xia returned the favour

“Tsaka nga pala, bakit mukhang hindi ka dinadalaw ni Captain? Magkagalit ba kayong dalawa?”

Bahagyang nagulat si Danelle sa tanong ng kaibigan. Mabuti na lamang ay wala doon ang kanyang ina dahil lumabas ito saglit para sa isang tawag.

“H-hindi naman. C-can we not talk about him? Baka kasi marinig ni Mommy, hindi ko alam ang sasabihin ko kung sakali man.”

“Okay, fine. Pero last na ‘to, alam mo bang nakita ko siya noon sa mall? Medyo matagal na rin pero natatandaan ko pa. I was going to buy watch for someone but I don’t know men’s taste and I happened to see him, tinulungan niya ako kaya nakabili agad ako. And guess what? He loved it! Kaya nagpapasalamat talaga ako riyan kay Captain, ang swerte mo babae. Hmp!”

Hindi makapagsalita si Danelle. She’s feeling guilty of thinking that something is going on with her friend and Pion, the man who she had one night stand. Iyon pala ang rason kung bakit sila magkasama noong araw ng iyon na nakita ng pinsan niyang si Shawn. Gusto niyang sisihin ang pinsan sa pagsasabi nito sa kanya, tuloy ay naghinala siya sa isang bagay na dapat ay hindi niya ginawa. Ngunit hindi rin niya masisisi si Shawn dahil sinabi lang naman sa kanya nito.

“Sorry.” Sambit niya ngunit hindi iyon nakalagpas sa pandinig ni Xia

“Why are you saying sorry out of nowhere?”

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon