Hindi kalayuan sa kinaroroonan ni Pion ay nakita niya ang isang malaki at malawak na kulay puting mansyon. May kataasan din ito at marami ang mga tauhang lumilibot libot sa paligid. Ang nasabing mansyon ay napapalibutan ng matataas na punong kahoy.
Isang kalsada lang ang daan patungo roon at may nagaganap pang inspeksyon bago tuluyang makapasok ang isang sasakyan. Maski ang mga taong pumapasok ay kinakapkapan ng mga armadong lalaki. Ang iba nama’y nakakapasok agad basta’t may ipinapakita itong kung ano sa kaliwang braso nila.
Binaba ni Pion ang telescope na hawak niya saka inabot naman ang isang kutsilyo. Nasa madamo siyang parte ng lugar at naroon din ang bitbit niyang bag kanina na may mga lamang pampasabog at ilang rifle. Binilang ni Pion ang mga taong posibleng makabangga niya kung papasukin niya ang mansyon ngayon.
Bali apat ang nakabantay sa tarangkahan dahil dalawa ang nasa labas at sa loob naman ay dalawa. Kapwa armado ang mga lalaki kaya’t hindi siya basta basta maaaring magpakita sa mga ito. Muling tumingin si Pion sa kanyang relo, hindi pa rin nagbabago ang kulay pulang bilog na naroon, ang tracking device na kasama ng cardigan ni Xia.
Lalabas na sana si Pion sa kanyang pinagtataguan upang mas lumapit sa mansyon subalit natigilan siya nang maramdaman ang pagvibrate ng kanyang cell phone. Salubong ang mga kilay at kunot-noo niyang tiningnan ang pangalang nakarehistro sa screen ng cell phone niya.
It was Mino who was calling.
Naisip niyang importante iyon kaya’t sinagot niya.
“What? I’m in the middle of my fu—
[“Fucking business, yes, I know it very well. I called to tell you that we found out something about Andrius.”]
Pion licked his lips in annoyance. “I don’t need information about him right now. Can you just fucking save it?” naiinis siya dahil sa tingin niya’y mas tumatagal lamang ang oras na hindi naliligtas si Danelle. At hindi na dapat pang mas tumagal iyon dahil hindi niya kakayanin kung may mangyari mang masama sa babae.
[“Kung gusto mong makapasok sa mansyong ‘yan bumalik ka sa bukana ng kalsadang dinaanan mo papunta riyan. Hihintayin ka namin dito and we will tell you the full details when you arrived here.”] Mino stopped for a moment
[“You’ve got fifteen minutes to make it. See you, Captain.”]
His lips formed into a thin line. He’s irritated but it looks like he has to follow Mino. His friend won’t call him for no reason especially this serious time.
Gamit ang kanyang motor, tinungo ni Pion ang nilikuan niya kanina patungo sa nag-iisang kalsada na ang dulo’y iyong mansyon na. Medyo malapit lang naman iyon kaya’t narating niya ang lugar.
Naabutan niya si Mino na nasa labas ng sasakyan nito malapit sa driver’s seat. Sa likod naman ng sasakyan ay si Silver at sa may pinto naman ay si Shawn. Pare-pareho ang tatlo na nakasandal sa kotse at nang makita siya nito’y napaayos ng kanilang mga tayo. Lumapit si Pion sa mga kalalakihan. Dumako ang tingin niya kay Silver na nagsisigarilyo bago muling binalik kay Mino.
“What are you doing here? I clearly told you to monitor me and I will just call in case I needed help.”
Mino rolled his eyes. “Sa tingin namin kailangan mo na ng tulong.” Pinakita ng lalaki ang iPod na ibinigay niya rito kanina. Ang red dot na naroon ay ang kinatatayuan niya ngayon.
“Kanina ko pa napapansing hindi ka gumagalaw sa pwesto mo so I assumed you need your back up now. Besides, this is really our plan though without your knowledge, bro. Balak ka naman talaga naming tulungan kaya huwag kanang maarte diyan.” Mino said and looked at his back where the other two men are watching them
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...