CHAPTER 2

2.5K 85 1
                                    

"Job well done, Throttler Rangers Special Forces. Hindi ako nagkamaling ibigay sa inyo ang misyon na ito. Masyado na silang perwisyo sa lipunan at nagagalak akong natuldukan ninyo iyon."

Nasa opisina sila ngayon ng Commander-in-Chief dahil pinatawag sila nito. Bahagyang kabado ang mga kasamahan ng lalaki sapagkat makakaharap nila ang may pinakamataas na ranggo sa Pilipinas, ang Presidente. Sa tabi ng Presidente ay ang Commanding General of the Philippine Army.

"Tungkulin namin iyon, Sir."

Matikas pa rin ang tindig niya at diretso ang tingin. Nang tumayo ang Presidente ay bahagyang gumalaw ang kanyang mata lalo na ng mapansing papunta ito sa kanyang direksyon. Dumako ang mga mata ng matanda sa kanyang badge.

"Captain Pzarova, ang pangalan mo ay?"

"Pion Pzarova, Sir."

Tumango-tango ito. "Madalas kong naririnig ang mga magagandang balita tungkol sayo pati na sa mga kasama mo." Saka ito lumingon sa likod na bahagi niya upang silipin ang kaniyang mga kasamahan.

"Bukas may panibagong misyon kayo at pagkatapos nito bibigyan ko kayo ng isang linggong bakasyon bilang pabuya sa inyong tagumpay."

Narinig niya ang pasimpleng pagbunyi ng kaniyang mga kasama sa likod.

"It is our job to serve the country by all means, Sir. And we don't need prizes for our victory, Sir. We are happy to serve people and their peacefulness is already a great trophy for us."

Mahinang napatawa ang matanda. "Then, would you like a promotion instead?"

Napatingin siya sa kausap, "No, Sir. I am grateful with my current rank, Sir. I won't leave my team."

Mahinang tumawa ang matanda. Bakas dito ang kasiyahan sa narinig. "Masyado mo akong pinapasaya, Captain Pzarova."

Muling bumalik ang matanda sa kinauupuan ngunit ang tingin nito'y nanatili sa kanila. Sumeryoso na rin ang mukha nito.

"Throttler Rangers of Special Forces, pinatawag ko kayo upang bigyang seguridad ang Punong Ministro ng Washington DC. Kasama niya ang anak ko sa kanilang pagbabalik bansa kaya dadagdagan ko ang mga taong magbabantay sa paliparan. Alas onse ng umaga lalapag ang eroplano nila sa Ninoy Aquino International Airport. I want you to be there before that time."

Sa huli'y napirme ang mga mata ng matanda sa lalaking nasa gitna at bandang unahan ng mga kasama. Sa matikas nitong tindig, matipunong katawan, at kaseryosohan sa buhay ay masisiguro niyang mapagkakatiwalaan niya ito sa misyong iyon.

"Captain Pzarova, I am entrusting you with this task."

Muling inayos ng lalaki ang matikas nitong tindig saka sumaludo sa Presidente.

"Sir, Yes Sir."

Nakangiting tumango naman ang matanda.




Nakabalik sila sa kampo at nakasimangot ang mga kasama ni Pion sa kaniya. Hinarangan pa siya ng mga ito sa paglalakad.

"Master naman! Bakit mo tinanggihan ang offer ni Mr. President?"

"Oo nga! Sayang naman ang pagkakataon na 'yon."

"Naaamoy ko na sana ang preskong hangin ng dagat pati na ang mabangong pagkain at mahalimuyak na mga babae."

Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Pion. "Second Lieutenant Garcia, Master Sergeant Castro, and Technical Sergeant Marfil. Would you like to have vacation?" tanong nito sa mga kasama na sunod-sunod ding tumango habang malawak ang mga ngiti.

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon