CHAPTER 45

1.1K 30 3
                                    


“Wala pang utos ang mataas na opisyales, Captain Pzarova kaya’t hindi ka maaaring gumawang ng anumang hakbang na mailalagay sa alanganin ang lahat.”

Kasalukuyang pinagsasabihan si Pion ng kanilang Colonel nang malaman nito ang plano niya. Kaya’t ayaw niyang sabihin sa mga ito sapagkat batid niyang hindi sila papayag.

“Magagalit sayo at sa atin ang Presidente kapag nalaman niya ang ginagawa mo! Hindi mo ba naiisip ang bagay na iyon, Captain Pzarova?! Akala ko ba nanggaling kayo sa isang espesyal na pagsasanay? Bakit hindi mo alam ang mga bagay na ganito? Alam mong pwede tayong mapahamak sa ginagawa mo, Captain.”

“Alam ko, Sir kaya mag-iingat ako. Huwag na sana itong makarating kay General.”

Inihampas ng lalaki ang kamay nito sa mesa.

“Naririnig mo ba ang sarili mo, Pzarova?! Hindi tayo pwedeng gumawa ng aksyon hangga’t walang maayos na resulta ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis. We need orders from the General. Please set aside your personal emotions from your job. You know that it is not allowed, Captain.”

Sinalubong ni Pion ang mga tingin ng kanyang Colonel. Hindi na rin siya nagtaka pa kung bakit alam nito ang bagay tungkol sa kanila ni Danelle.

“Pasensya na, pero gagawin ko ang nauna ko ng plano. If I have to risk my rank, I will, Sir.”

Marahas na huminga ang Colonel saka tiningnan siya nito habang umiiling-iling pa. “Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo.”

Napangisi si Pion nang maramdaman niyang mukhang susukuan na ng kanyang Colonel ang pinagtatalunan nila.

“May namamagitan ba sa inyo ng anak ng Presidente?” tanong ng nito

“Yes, Sir. That’s why I am willing to risk everything for her.”

Sandaling natahimik ang Colonel. “Tsk! Tsk! Pag-ibig nga naman.” hindi kalauna'y sabi nito

“Thank you, Sir for allowing me—

Agad na naputol ang sinasabi niya.

“Huwag kang pilingero, hindi ko sinasabing pinapahintulutan na kita sa gagawin mo. Labag sa batas ng mga sundalo ang ginagawa mong hakbang, Captain Pzarova at kung sakali mang pumalpak ka, ngayon palang sinasabi ko ng hindi kita maisasalba.”

Sumaludo si Pion sa kausap. “Yes, Sir. But I have one favour and I need you to do it.”

“What makes you think that I will do that favour?”

Pion licked his lips and looked at the man again. “It’s about Andrius. I am currently doing an investigation about him.”

Sumeryoso ang mukha ng kausap niya. “Bakit mo siya iniimbestigahan?”

“Ilang araw na siyang nawawala, Sir at hinuha ko’y sangkot siya sa pangyayari sa ating kampo.”

Salubong ang kilay ng Colonel. “Captain Pzarova, you know that you can be sued for false accussations and the person you are accusing is also a soldier, your colleague, and a Captain. Don’t spread news according to your own perception.”

“Then, what can you say about his lost during the chaos in Camp Samonte? What about now that he’s not still showing himself up after what happened? His body is not even recovered in case he got killed that night. And what about him, framing me for using drugs?”

Natahimik ang lalaki ngunit nakatingin pa rin ito sa kanya.

“Alam ninyong hindi kami magkasundo, Colonel. Matagal na niya akong pinagiinitan at kung totoo man na gumagamit ako ng droga dapat matagal ng alam ng grupo ko. Higit sa lahat, sila na mismo ang magsusuplong sa’kin. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit may aso siya ng araw na iyon? Ang araw kung saan sinadya niyang taniman ng droga ang ilalim ng kama ko?”

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon