“Nakuha mo ba ang plate number ng sinakyan nila noon?” tanong ni Pion sa lalaki na siyang nagmaneho noon kay Danelle pauwi.
Kasama ng lalaki ang amo nito na si Dessa at si Xia. Nagtagpo sila sa isang exclusive restaurant at doon napagdesisyunang mag-usap. Tumango ang lalaki sa kanya, hinintay lamang niya na magsalita itong muli.
“EV61 RSY.”
Pion nodded while gritting his teeth. “Did you already checked the CCTVs near that place?”
“H-hindi namin alam. Wala pa kaming nakikitang balita tungkol sa pagkawala ni Danelle kaya hindi ko alam kung iniimbestigahan na ba ang ilang araw ng wala siya. Her father is the President of this country why can’t he look for his daughter? Baka kung ano na ang nangyari sa kaibigan namin.” Tumataas ang boses na sabi ni Dessa
“Hindi pwedeng basta-basta nalang ipaalam sa publiko na nawawala siya. May ginagawa ng hakbang ang Presidente at gusto niyang gawin namin iyon ng matahimik. Pagkakaguluhan lang ng publiko ang pamilya niya kapag ibinalita ‘yun.”
“Paano tayo matutulungan ng iba kung walang nakakaalam? Nireport na ba ito sa pulis?” Xia
Tumango si Pion. “Nakikipag-ugnayan na kami sa kanila.”
“Pero bakit wala pa rin? Hinahanap niyo na ba ang kaibigan namin?” Xia
Matagal niyang tinitigan ang mga babae. “I am doing the investigation alone.”
Nagkatinginan sina Dessa at Xia, natigilan sila sa narinig. Maging pagtataka ay bakas sa kanilang mga mukha.
“B-bakit? Ayaw ka nilang tulungan? Pe—
“It’s not like that.” Pagpuputol ni Pion kay Dessa
“I think I know who kidnapped her that’s why I need you to cooperate.”
Sinimulang kabahan ang dalawang babae.
“A-anong tulong ang kailangan mo?” kinakabahang tanong ni Xia
Ipinatong ni Pion sa mesa ang mga kamay niyang magkasiklop. Yumuko muna siya at binasa ang labi saka muling nag-angat ng tingin sa mga kaharap.
“I want you to report to me in case you happened to encounter Andrius Locsin. Approach him if possible but don’t be too obvious nor be nervous in front of him. He’s wise and once you failed, we’re all done.”
Nanlamig ang mga kamay ni Xia. Hindi niya alam ang isasagot sa lalaki lalo’t ng malaman niyang isang maling galaw lang ay maaaring pumalpak ang kanilang plano.
“Anong kinalaman dito ni Andrius?”
Nagdalawang isip si Pion kung sasabihin ba ni ang hinuha o hindi dahil baka matakot lamang ang babae subalit maaaring hindi rin nito magawa ng maayos ang pinapagawa niya kung wala itong alam sa pangyayari.
“He might had taken Danelle.”
Literal na nanlaki ang mga mata ni Xia. Napatakip siya sa kanyang bibig. “Oh my god. A-are… are you serious?”
Pion nodded as an answer. “And be careful to that woman, I am referring to Yna Cortez. Do not tell her about anything. She… she may possibly an ally of Andrius and their group.”
Xia heaved a sigh and covered her whole face with her hands and ran through his head and hair. “Are you sure with this?”
“You think I will waste my time talking nonsense here?”
“What about me? Ano ang pwede kong magawa?” pagsingit ni Dessa
Sandali lamang siya na tiningnan ni Pion bago bumalik ang tingin nito kay Xia. Inangat ni Pion ang kamay niya para kunin ang isang bagay na nasa bulsa ng kanyang suit malapit sa may dibdib nito. Ipinatong niya ang maliit na bagay na iyon sa kanilang mesa.
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...