CHAPTER 29

1.1K 45 0
                                    

“I’m meeting a model now, will you still come with me?”

Napalingon si Pion sa babae. Kasama na niya ito sa kotse at pupunta naman sila sa isang resort kung saan katatagpuin ni Danelle ang isang modelo na hindi niya alam kung para sa ano.

“Yeah. Why not?”

Danelle shrugged her shoulders, “Sabagay, maganda iyon, baka magustuhan mo.”

Pion chuckled upon hearing the woman. “Stop it. I might assume you’re jealous.”

Tiningnan siya nito saka binigyan siya ng sarkastikong ngiti, “Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha?”

Hindi na niya ito sinagot pa, bagkus ay muli siyang tumawa ng mahina. Ilang saglit pa ay natanaw ni Pion ang isang mataas na poste ng Jollibee.

“Kumain ka na?”

“Yeah, ikaw?”

Umiling siya, “Drive-thru lang.”

Naintindihan naman iyon ni Danelle. Dumaan sila sa Drive-thru para mag order ng makakain. Nang maibigay ito sa kanila ay agad na rin silang umalis.

“Medyo malayo pa tayo sa resort na sinasabi mo. You can eat if you still feel hungry.”

“Hindi pa naman, ikaw? Gusto mo subuan kita?”

The corner of his lips rose, “Gagawin mo?”

“Why not? You’re driving for me, I’m just returning the favour. Walang halong malisya, bakit?”

“Wala. Subuan mo na ako, I’m hungry. I came early to your house and I’m glad you were still there.”

Habang tinatanggal ni Danelle ang balot ng burger ay nagsalita siya, “Paano mo nalamang ganitong oras ako aalis? Are you watching me through hidden cameras?”

Mahinang natawa si Pion, “As if I can do that. I might see you naked again in your own room.”

Mabilis na pinamulahan ng pisngi si Danelle. Kung pwede lang sampalin ang lalaki ay ginawa na niya. Nakangisi pa rin ito at nang tingnan siya ni Pion ay napaiwas siya ng tingin.

“Why are you so embarrassed? We did it already—

“Nasa gitna tayo ng kalsada, baka gusto mo ng bumaba hindi kita pipigilan.”

Mas lalo lamang na natawa sa kanya ang lalaki kaya tiningnan niya ito ng masama. Hanggang sa makarating sila sa resort ay patuloy siya nitong inaasar kaya naman busangot siya nung bumaba sa kotse. Hindi na niya nilingon ang lalaki, nagpatuloy siya sa paglalakad at ilang sandali lamang ay may naramdaman siyang presensya sa kanyang likod.

Walang masyadong tao sa resort dahil nirentahan iyon ng isang team na natatanaw na nina Danelle hindi kalayuan. May isang babaeng nakabikini na kinukuhanan ng litrato, gumawa ito ng iba’t ibang arte upang mas gumanda ang mga larawang makukuha sa kanya.

“Okay! We’ll have a break for 15 minutes!” sigaw ng Direktor nito

Nakangiti lamang si Danelle habang nakatingin sa babae na binibigyan ng isang see through na damit upang kahit papaano ay may saplot ito sa katawan. Niretouch din iyon ng ilang make up artist at nang matanaw siya ng babae ay agad itong kumaway sa direksyon niya.

“Hey! You made it.” The girl said and kissed her cheek

“Yes, of course. I’m sorry to disturb you.” Danelle smiled

“No, it’s okay. We have breaks and I can even extend it. I am Dessa Regalado, the highest paid model in the Philippines.” Saka ito tumawa pero unti unting nawala iyon nang makita ang lalaking sa tabi niya

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon