Nang magising si Danelle, puti ang tanging nakikita niya sa kanyang paligid. Nanghihina siyang nagising at sinikap din niyang makabangon. Napadaing siya sa sakit ng kanyang katawan.
"What the heck are you doing?!" nagmamadali namang lumapit si Shawn sa kanya.
Gulat na tumingin si Danelle sa pinsan niya. Kailan pa ito dumating? Bakit hindi ito sumabi sa kanya? Ngunit paano nga naman niya malalaman kung isang linggo siyang bihag ng isang malaking sindikato.
Sindikato...
"Oh my god." Napatakip ng bibig si Danelle nang maalala niya ang nangyari kagabi. Imbes na tanungin niya si Shawn kung bakit ito narito, iba ang lumabas sa kanyang bibig
"Anong nangyari? Nasaan si Pion? Nakaligtas naman sila kagabi, 'di ba?" her voice broke
Umupo si Shawn sa gilid ng kanyang kama saka hinawakan ang kamay niya. Malalim itong napahinga saka umangat ang tingin sa kanya. "Apat na araw kanang tulog, Dany."
Hindi makapagsalita si Danelle. Bumagsak ang luha niya ng umiwas siya rito ng tingin. Inalis din niya ang kamay sa pagkakahawak nito.
"Pion is safe. Nabaril siya pero ginamot na rin siya. Maayos na ang lagay niya ngayon at kaaalis niya lang din."
Bumalik ang tingin ni Danelle sa pinsan. "Galing siya rito?" paninigurado niya
"Yeah." marahang tango ni Shawn
"Gusto ko ng umuwi." Pag-iiba niya sa usapan
"Hindi ka pa pwedeng umuwi. Tinawag ko na ang Doktor at parating na sila. Kailangan mo pang magpahinga, Danelle. You suffered from trauma and you're stressed because of what happened. Huwag-
"Gusto ko ng umuwi, Shawn. Ayaw ko na rito and please, 'wag mo ng papasukin dito si P-pion." Napayuko si Danelle at muli siyang humikbi. Bigla niyang naalala ang mga pangyayari, ang katotohanan ng kanyang buhay. Kinamumuhian kaya siya ngayon ni Pion?
"Dan-
"Shawn, please. Gusto ko ring makausap ang mga magulang ko. I can't live like this. Hindi ko alam na sa likod ng kasiyahan namin, may tinatago pala silang malaking kasinungalingan sa'kin. Kahit si Mommy niloko ako. Galit na galit ako Shawn, lahat sila naglihim. Ang saya saya ko dahil buo ang pamilya namin pero ang hindi ko alam, may sinira na pala akong buhay." She continued crying
Shawn hugged her. "Hindi mo kasalanan. Wala kang alam sa nangyari, Danelle kaya huwag mong sisihin ang sarili mo."
Danelle shook her head. "Ni hindi ko nga alam na may kapatid pala ako. I'm a bad person for-
Binitawan ni Shawn ang pinsan. Hawak pa rin nito ang magkabilang balikat ng babae. Niyugyog niya si Danelle na para bang ginigising ito. Sumeryoso rin ang tingin niya rito.
"Hindi ka masamang tao. Hindi mo sinira ang pamilya ng babaeng iyon. Look at you now! Sila ang sumira sayo. Ilang beses na nanganib ang buhay mo nang dahil sa kanila kaya't wala silang karapatan na sisihin ka sa mga nangyari sa kanila."
"Pero hindi naman nila gagawin 'yon kung wala akong ginawang masama sa kanila, 'di ba? Ginagawa nila 'to kasi gusto nilang gumanti."
"Danelle, ginagawa nila 'to dahil sa kasamaan nila. Please stop crying, kakagising mo lang baka mapasama ka pa lalo." Ani Shawn saka tinulungan siyang punasan ang luha nito
Lumingon si Shawn sa pinto. "Where the fuck are that Doctors?"
Saktong pagtayo ni Shawn sa kama'y pagdating din ng Doktor at mga nurses nito. Agad naman silang dinaluhan at ineksamina si Danelle.
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...