Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin si Danelle, halos araw-araw na nagagawi doon ang lalaki na si Andrius. Minsan ay ayaw na niyang itong paunlakan ngunit wala naman siyang nagawa. Ngayong araw naman ay hindi siya pumunta sa site. Pinagkakatiwalaan naman niya ang kanyang artkitek at ang engineer na kinuha niya. Kasalukuyan sila ngayong nasa airport ‘pagkat ngayon ang araw ng alis ni Shawn patungong New York. Kasama niya si Xia at ang Mommy naman niya ay sa bahay na lamang nila nagpaalam dahil abala ito sa panibagong kontrata na ipinagkasundo sa kanya ng isang kompanya.“Mag-ingat ka. Baka kapitan ka na naman ng mga babae sa eroplano, mahirap na baka hindi kana makababa.” Biro ni Danelle sa kanya.
Natawa naman si Shawn dahil alam na alam ng pinsan niya ang kanyang kahanginan.
“Oo nga eh. Mag-ingat din kayo dito, at sagutin mo na rin iyang kapitan mo para naman may bubuntot na sayo araw araw.” Sabi niya saka tiningnan din ang babaeng si Xia na nasa parting likod lamang ni Danelle.
“And you, too Xia. Take care of yourself. You’re a good woman and by the way, thank you again for the watch. Naikwento ko pa kay Danelle ayan tuloy mukhang pinagselosan ka kay Pion.”
Nanlaki ang mga mata ni Xia. Hindi pinansin ng lalaki ang pasimple niyang sabi na tumigil, itinuloy pa rin nito ang sinasabi. Hindi kasi alam ng kaibigan niyang si Danelle na si Shawn ang pinagbigyan niya ng nung relo.
Napalingon naman si Danelle sa kaibigan ngunit agad din iyong bumalik sa pinsan. Pinalo niya ito sa braso kaya hawak ngayon ng lalaki ang parteng iyon na tinamaan niya.
“Hindi ko siya pinaselosan at hindi ako nagseselos.”
Napangiti lamang si Shawn sa pinsan. Hinawakan na muli niya ang kanyang bag at handa na siya sa pag-alis.
“Bye for now. See you again.” Shawn smiled to the both of them before he turned his back.
“Bye!” muling sigaw ng kanyang pinsan ngunit talikod lamang siya na iwinagayway ang isa niyang kamay
Sa kotse, hindi makatingin si Xia sa kaibigan na bagamat nagmamaneho ay panay ang tingin sa kanya.
“Ayaw kong maaksidente, Danelle kaya please, sa unahan ka tumingin. You can ask me questions later.”
“No, I want now.”
Napahinga ng maayos si Xia. Mukha ngang hindi niya mapipigilan ang babae na tanungin siya. Sinisisi pa niya ang lalaki dahil sa pagsabi nito kaya’t heto siya kailangang magpaliwanag sa kaibigan.
“Do you like Shawn?”
“Yeah, maybe? I don’t know. Siguro nga gusto ko siya. Krux stopped courting me because I told him I like someone else.” Diretso lamang ang mga tingin ni Xia habang sinasabi iyon ngunit agad na nagsalubong ang kilay niya sa kaibigan matapos nitong biglaan na magpreno ng sasakyan.
“Krux?! You mean my architect? Niligawan ka ng Fuendo na iyon?” gulat na gulat si Danelle sa isiniwalat ng kaibigan niya
“Yes, Danelle kaya magmaneho kana ulit.”
Ginawa nga ni Danelle ang sinabi ni Xia subalit hindi pa rin mawala sa isip niya na ang sinabi ng babae. Wala siyang alam at hindi niya rin nahahalat kapag nasa site sila.
“Then why did you still do that?” Danelle
“What ‘that’?”
Danelle bit her lip out of guilt, “Dapat sinabi mo sakin para naman hindi na kita panay na pinapapunta doon. You must be guilty for rejecting him and yet you still faced him. Kung alam ko lang hindi—
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...