Tanging ilaw ng kanilang mga sasakyan ang nagbibigay liwanag sa magkabilang panig. Dalawang sundalo ang may hawak sa isang tao na mahaba na ang buhok at tinubuan na ng balabas ang mukha. Maiitim din ang mga mata nito na kung tititigan mo ay talaga namang matatakot ka. Sa katabi naman nila ay si Pion at sa kabilang gilid naman ng kanilang bihag ay ang isa pang kapitan na si Locsin.
“Ako ang magdadala sa kanila ng bihag at kayo ang magsisilbing back up. Napag-usapan na natin ito, hindi natin sila aasahang makikipagsosyo ng maayos kaya maging handa lang kayo sa mga posibleng mangyari.” Saad ni Pion
Pagak naman na napatawa si Andrius, “Sino ka para utusan ako? Isa ka lang kapitan katulad ko kaya huwag mong asahan na tatanggap ako ng utos mula sa'yo.”
Napalingon naman si Pion sa kaniya kaya nagtama ang kanilang mga mata.
“Hindi ito isang utos na nanggaling sa'kin, dahil iyon talaga ang napag-usapan.”
Hindi nakaimik si Andrius, hanggang sa magsalita ang kabilang panig.
“Ano aatras na kayo? Masyado na kaming naiinip baka ilang saglit pa bangkay na ang makuha ninyo sa amin!”
Hindi na nag-abalang sumagot pabalik si Pion. Kinuha niya ang kaniyang baril at mahigpit na ang hawak niya roon. Nagsimula siyang humakbang palapit na sinundan ng dalawang kasamahan niya na bitbit ang lalaking magiging malaya na simula ngayon.
Nakarating sila sa gitna at doon sila tumigil. Hindi tulad kanina, mas malapit na sila ngayon at mas nakikita na nila ang kabilang panig. Sa muli, namataan niya ang lalaking kanang kamay ng sindikato pati na ang katabi nitong babae na nakatakip pa rin ang kalahati ng mukha.
“Ano pang hinihintay ninyo? Ibigay niyo na siya sa'min.”
Bahagya namang napangiti si Pion sa mga ito.
“Hindi ito ang unang kasunduan. Ilabas ninyo ang bihag at ibibigay namin sa inyo ang lalaking ito. Nawawalan din ako ng pasensya at kapag hindi niyo pa nilabas ang hinihingi ko, mapipilitan akong lumabag sa batas.”
Hindi umimik ang lalaki. Sumenyas ito mula sa kasamahan at sa likod ng sasakyan, lumabas ang dalawang kasamahan nito na may hawak na babae. Bakas dito ang panghihina kaya agad na nangunot ang noo ni Pion. Humigpit din ang hawak niya sa baril.
“Iyan ang napapala ng mga hindi kumakain.” Wika ng lalaki.
Humakbang din ang katabi nitong babae na siya palang naatasan na magdala kay Danelle kasama pa ang dalawang lalaki na may hawak dito. Hinawakan ni Yllona sa braso ang babaeng si Danelle at doon ay nagsimula silang maglakad patungo rin sa gitna. Nang magtapat sila, agad na itinulak ni Yllona ang babaeng hawak niya. Mapalad na lamang iyon dahil nasalo ni Pion.
Pion examined the woman and he noticed that she's burning up. Nanghihina na rin ang babae at nang akmang ibibigay na ng mga kasamahan niya ang lalaking bihag nila'y iniharang niya ang kanang kamay dito dahilan upang tumigil ang mga kasamahan niya.
Napansin iyon ng kabilang panig kaya naman nagsibunutan ito ng baril at itinutok sa kanila. Ganoon din ang panig nina Pion pati na ang iba pang mga kasama nito sa likod.
“Anong ginagawa mo Pzarova?!” dinig na dinig niya ang sigaw ng kapitan na si Locsin. Subalit hindi siya nag-abalang lingunin ang mga ito.
“Sumunod kayo sa usapan, Captain.” Ani naman ng lalaki na nasa kabilang panig.
“Ang usapan ay ibabalik ninyo ng maayos ang bihag. Anong nangyari?” Pion
“Hindi namin kasalanan kung hindi siya kumakain. Ang sariling katangahan niya ang papatay sa kania.” wika ni Yllona kaya dumako ang tingin sa kaniya ni Pion
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...