Nakalabas si Danelle ng hospital nang hindi nahaharang ng mga media. Dumating sila sa kanilang bahay at inalalayan naman siya ni Shawn patungo sa kanyang kwarto.
“Nasaan ang boyfriend mo? Bakit hindi ka niya sinamahan ngayon?”
Tumigil si Danelle sa paglalakad saka tiningnan ang pinsan.
“Sinong boyfriend? Kung ang tinutukoy mo ay si Pion, hindi ko siya boyfriend.”
Mahinang natawa si Shawn dahil sa pinsan. Naupo na si Danelle sa kama at inilapag naman ni Shawnang ilan niyang gamit at sunod naman na pumasok sa pinto ay ang kaibigan ni Danelle na si Xia. Ang Mommy naman niya ay nag-aasikaso na sa kusina para sa kakainin nilang pananghalian.
“Maraming salamat sa inyong dalawa. Huwag kana munang umuwi Xia, nagluto si Mommy baka magtampo iyon.”
“Yeah, para namang matatanggihan ko si Tita.” Nakangiting wika nito
“Lalabas na muna ako. I need to talk to someone.” Sabi ni Shawn na ipinakita pa sa dalawa ang hawak niyang cell phone.
Tumango lamang si Danelle at nang makaalis naman ang lalaki ay nagsalita naman si Xia.
“I tried to recover your phone but it’s now ruined. Wasak na ang phone mo, you should buy another.”
Inabot ni Xia ang cell phone sa kaibigan. Kinuha naman iyon ni Danelle ngunit agad din niyang naibaba sa kama ng maalala ang sinapit niya.
“Kumusta ang site?” tanong na lamang niya
“Okay naman. ‘Wag mo munang isipin iyon. Sa ngayon, kailangan mong magpagaling para naman makapagdate na kayo ni Captain.”
“Paano naman siya napasok sa usapan?” Danelle
Nagkibit balikat lamang si Xia saka tumawa. Nasa ganoon silang sitwasyon ng bumukas ang pintuan at natanaw nilang pareho ang ginang. Nakatingin ito sa anak niyang si Danelle.
“May bisita ka.”
Nagkatinginan naman sila ni Xia. Tumayo si Danelle at bahagya naman siyang inalalayan ni Xia hanggang sa magdire-diretso na ang kanyang lakad.
“Sino daw po?” tanong niya sa ina. Wala naman kasi siyang inaasahan na bibisita sa kanya. Ang iba naman nilang kaibigan ay malayo sa kanila.
Tanging ang mapanuring tingin lang ang natanggap ni Danelle mula sa ina. Tuluyan silang nakalabas ng kwarto saka tinahak ang hagdan pababa. Sa sala, kitang kita ni Danelle ang lalaking nakauniporme pa ng pansundalo. Gulat siyang makita ito hanggang sa tinuon niya ang kanyang atensyon sa ina. Nakatingin lamang ito sa kanya na parang sinasabihan siyang ‘kailangan nating mag-usap mamaya’. Muling dumako ang tingin niya sa lalaking nakatayo at ang atensyon ay nasa kanya rin.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Danelle ng makalapit siya sa lalaki sapat na upang silang dalawa lamang ang makarinig niyon
Bahagyang tumaas ang kanyang kilay ng hindi siya sagutin ni Pion. Bagkus, tumingin ito sa kanyang ina na siyang nakatingin pa rin sa kanila.
“Hey, what— Oh, nandito pala si Captain. Nakalimutan ko sa inyong sabihin.”
Napatingin silang lahat sa kadarating lamang ni Shawn na galing sa labas. Lumapit ito sa sundalo saka inakbayan. Tiningnan naman siya ni Pion ngunit malawak lamang ang kanyang ngiti.
“Tita, this is my friend, Captain Pion Pzarova. Pinapunta ko siya dito dahil may pag-uusapan kami.” Pasimple pa nitong pinisil ang balikat ng lalaki upang sabihin na makisabay nalang. Samantala, pagtataka naman ang nakarehistro sa mukha nina Danelle at Xia.
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...