“Today is the 10th death anniversary of the late, General of the Philippine Army, Sr. Rream Pzarova. Let us toast for the great General who have sacrificed his life and ended his journey by saving his people.”
“Cheers!”
“We will not forget you, Sr. General.”
Itinaas nila ang kanilang mga baso at bilang pakikisama ay ginawa na rin iyon ni Pion. Nasa isa sila ngayong silid sa kanilang Headquarter at ipinatawag doon si Pion. Ang nasabing namayapang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang ama.
“He had raised such a great and amazing man, our soldier, Captain Pzarova.”
Nagtipon doon ang mga matataas na opisyales upang gunitain ang ika-sampung taon ng pagkamatay ng una nilang ama at heneral sa kanilang buhay sundalo. Tahimik lamang si Pion sa isang tabi. Gusto na sana niyang lumabas subalit kailangan naman niya silang pakisamahan.
Hindi niya maiwasang maalala ang pangyayaring iyon nang nakaraan. Hinding hindi niya iyon malilimutan at hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya ang pumatay sa mga kanyang mga magulang, kaibigan at pati na sa batang iyon.
Alas diyes ng umaga natutulog siya sa loob ng isang maliit na barko na pagmamay ari ng kanilang pamilya. Doon sila magdiriwang ng kaarawan ng ama niya kasama ang pamilya, ilang tauhan nito, pati na ang kababata niya. Dahil lasing na lasing ng isang gabi noon si Pion ay napatanghali ang kanyang gising. Subalit pagmulat na pagmulat ng mata niya ay nakita niya ang amang nagmamadali siyang ginigising.
“Wake up, Pion!!”
Bumangon si Pion at laking pagtataka niya nang patuloy siyang tinutulak tulak ng ama hanggang sa makalabas sila ay gayon na lamang ang kanyang gulat ng bumagsak siya sa tubig.
Magtatanong sana siya sa ama ngunit ang isang ingay sa tenga ang nagpakabog ng labis sa kanyang dibdib. May paparating na helicopter at pinagbabaril nito ang kanilang barko.
“Dad!” sigaw ng sigaw si Pion dahil umalis ang kanyang ama samantalang siya ay nasa tubig at lumubog.
Pinaulanan ng bala ang barkong sinasakyan nila at kitang kita niya ang pagbagsak sa tubig ng mga patay na tauhan ng kanyang ama. Aahon sana siya nang maalala ang ina, ilang mga kaibigan niya at ang kababata nitong babae ngunit hindi niya nagawa dahil sa isang pagsabog.
Ayaw man ay pumilit na lumangoy papalayo si Pion subalit dahil sa pagsabog ay may nagsiliparang parte ng kanilang barko at mabilis siyang nawalan ng malay matapos matamaan nito sa ulo. Ilang oras ang lumipas, nagising na lamang siya sa isang kwarto.
“Captain, Pzarova?”
“Captain, Pzarova?”
Nagising ang diwa ni Pion dahil sa pagtawag sa pangalan niya.
“Sorry.” Hinging paumanhin niya.
“Dahil tulala ka, iisipin ba naming may bumabagabag sa iyo ngayon?” tanong ng kanyang Lieutenant General
Hawak pa rin ni Pion ang kanyang baso. Nakapatong naman ang dalawang siko niya sa kanyang tuhod. Nakaangat ang tingin niya sa mga ito pero bahagya din siyang napayuko at napatawa dahil sa naging katanungan sa kanya ng lalaki.
“May dapat na ba kaming makilala?” dagdag pa ng isa
Tumawa siya at umiling iling.
Dala ang dalawang bungkos ng bulaklak, inilapag niya iyon sa dalawang magkatabing lapida. Pinakatitigan niya ang mga iyon.
“I promise to catch those people who killed you. They should start counting their days on this land because I will not go easy on them.”
Ilang sandali pa siyang nagtagal doon hanggang sa mapatingala siya langit. Asul na asul ang kalangitan at kitang kita niya ang dalawang airjet na magkasunod na lumipad. Tumunog ang combat radio niya at kinuha niya iyon habang ang atensyon ay nasa kalangitan pa rin.
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...