Matapos ang halos mag iisang buwan, bumalik na sa Pilipinas si Danelle kasama ang ina nito. Kakagising lamang niya mula sa mahabang byahe kanina, napagod siyang talaga lalo na’t may mga nakaabang na ilang media kanina sa airport upang kapanayamin ang kanyang ina.
Pumunta siya sa kusina upang kumain ng pananghalian. Mamayang hapon kikitain niya si Xia. Kailangan niyang humingi ng paumanhin dito lalo’t natagalan siya sa New York. Natapos din siya agad sa pagiging modelo ng kanyang ina subalit mas pinili niyang magtagal muna sa bansang iyon dahil hindi pa siya handa sa anumang kahaharapin sa Pilipinas.
Pakiramdam niya'y wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki. Something that should have not happen, occurred between them and right now, she considers it as the biggest mistake of her life. She has no courage going onto the site because of the possibility that they’ll run ito each other.
“Bakit tulala ka riyan?”
Napaangat ng tingin si Danelle sa lalaking nasa refrigerator nakasandal habang umiinom ng tubig.
“Huh? H-hindi naman ah.” Pagtanggi niya
Umiling-iling sa kanya ang lalaki habang pumunta sa kaharap niyang mesa at doon naupo sa kabila. Nakakaloko naman siya nitong tiningnan kaya masamang tingin din ang ipinukol ni Danelle dito.
“Lalaki ba ‘yan?”
Napairap si Danelle saka napabitaw sa kanyang kutsara at uminom ng tubig.
“Wala nga, Shawn.” Sagot niya sa pinsang kinukulit na naman siya. Kasama nila itong umuwi galing New York at sa kanila ito tumuloy dahil wala itong bahay sa Pilipinas.
Si Shawn ay pinsan niya sa mother side at sa New York ito naninirahan. Napili nitong magbakasyon sa bansa na agad namang pumayag siya dahil sa kanyang balak.
“Sumama ka sakin bukas sa site. Gusto kong tingnan mo ang pinapagawa kong restaurant. ‘Di ba maalam ka sa construction site? Can you look at it for me? Please?” Danelle with her puppy eyes
“Stop doing it. Ang panget mo.”
Napanguso siya dahil sa sinabi ng pinsan. Kahit na naninirahan ito sa New York ay marunong pa rin itong mag Tagalog dahil noong mga nakaraang taon pabalik balik ito sa Pilipinas at nanirahan din sa kanila ng matagal. Dito rin si Shawn nag high school sa Pilipinas kaya magkasundong magkasundo silang magpinsan.
“Sige na kasi. Palalayasin kita dito!”
“Go.” Tumatawang sabi ng kanyang pinsan habang papaalis ito.
“Shawn!”
“Xia, my gorgeous friend. How’s my restaurant doing?” alanganin ang mga ngiti na binibigay ni Danelle sa kaibigan. Nasa isang restaurant sila ngayon, madilim na sa labas kaya inaya niyang magdinner ang kaibigan.
“Pinagiba ko na ang restaurant mo.”
Nawala ang ngiti ni Danelle, “You’re kidding, right?”
“Mukha ba akong nagbibiro?” Xia
“Xia!” bahagyang napasigaw si Danelle kaya napatingin sa kanila ang ilan ding kumakain doon.
“Of course, I’m kidding! Peste kang babae ka, ilang linggo ka nawala sabi mo dalawa lang tapos mag-aapat na pala? By the way, dumaan si Pion noon sa site at parang hinahanap ka niya and then ilang araw lang ang nagdaan, pauwi na ako nung mga six dahil nag'over time ang mga nagtatrabaho—”
“Over time? Kakasimula pa lang may pa over time na sila?”
Napairap si Xia sa kaibigan.
“Pwede bang patapusin mo muna ako? At tsaka hindi ko alam kina Engineer kung bakit sila nagpaover time, ang sabi lang niya may kailangan silang matapos dahil baka tumigas na daw iyong semento, basta ganon. Wala akong alam sa construcrtion, babae kaya ‘wag akong tinatanong mo tungkol diyan.”
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...