CHAPTER 49

1.3K 29 0
                                    


Nagsihandaan ang ibang sundalo. Bawat isa sa kanila’y abala sa pagbibihis at pag-aayos ng mga armas. Nakalagay na rin sa pouch ng kanilang mga uniporme ang Hand-held PRC150 and PRC 152 Falcon II Combat Radio. Magagamit nila ito sa pakikipagkomunikasyon sa iba pang kasamahan kahit na malayo sa kanila. Inilagay na rin nila ang mga earpiece nila saka ang night vision.

As soldiers, they are fully packed now the same with the two Special Forces which are the Prime SF and Throttler Rangers. Though Captain of Prime SF is nowhere to be found, they will still help with the mission.

Todo handa naman ang Throttler Rangers SF, inihanda nila ang kanilang mga baril na Colt M4 Carbine, Steyr AUG Assault Rifle, at Heckler & Koch HK416 Carbine. Sina Technical Sergeant Marfil naman kasama si Private First Class Valkez ang humawak ng mga sniper rifles tulad na lamang ng Knight’s Armament Company Semi-automatic SR, saka ang Mc Millan Tac-50 Sniper Rifle. Ang mga sandatang ito’y tanging ang Special Forces lamang ang gumagamit.

Matapos ang mabilisang kilos, nagsitagpuan sila sa bukana ng kanilang headquarters. Doon naghihintay naman sa kanila ang isang Kia KLTV Armored Tactical Vehicle na siyang sasakyan ng dalawang heneral na sasama. Naroon din ang iba pang sasakyan ng mga kasundaluhan, ang dalawang HMMWV Light Utility Vehicle, M151 LUV at Maxi- Ambulance, saka tatlo namang KM-450 Series LUV.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang bawat naroon. Sumampa sila sa mga sasakyang pansundalo na agad ding pinaandar ng mga nagmamaneho nito. Sinunod nila ang address na dumating sa kanila.





“You, fucking liar!” sigaw ni Pion. Dapat una palang ay alam na niyang hindi tutupad sa usapan si Andrius.

Andrius smiled even more. Before pointing his gun to Danelle. Napatigil si Danelle sa pag-iingay niya.

Nakatingin si Andrius kay Pion at napangisi siya nang makita ang sugat nito na siyang gawa niya. “Any last word to your beloved Danelle?” nanunuyang tanong nito habang malawak pa rin ang ngisi.

Mabilis ang paghinga ni Pion at gigil na gigil na ang mga panga niya. Saglit silang mariin na nagtitigan ng lalaki saka mabilis siyang umikot upang sipain ang kamay nito.

Nabitawan ni Andrius ang baril. Tumilapon ito sa lupa pero malayo pa rin sa kanya. Muling sinugod si Pion ni Andrius subalit sinagang niya ang kamay nito na dadapo sana sa kanyang panga.

Hawak ang braso ni Andrius at bahagya niyang pinilipit, siya naman ang sumuntok ng sumuntok sa lalaki. Hindi nakaganti sa kanya ang lalaki dahil sa higpit ng pagkakaipit niya sa braso nito gamit ang isa niyang kamay. Pion gave Andrius a headbutt causing for Andrius to move back and fall to the ground. Pion saw Danelle was crying and his expression changed, it softened. But then, it looks like Andrius won’t make it easy for them.

Sinipa ni Andrius ang paa niya kaya napaluhod ang isa niyang tuhod sa lupa, nakatukod naman ang isa niyang kamay. Pareho silang hinihingal ni Andrius na nagkatinginan ngunit ang lalaki’y ngumisi na naman.

Agad na bumangon si Andrius, kasabay ng kanyang pagbangon ay ang pag-angat niya sa kutsilyong hawak. Iyon din ang kutsilyong itinarak ni Pion sa kanya. Nahulog ito kanina kaya’t hindi inaasahang makakapkap niya iyon kani-kanina lamang.

Marahas na hinablot ni Andrius ang buhok ni Pion saka pinatingala ito. Sobrang lapit na ng kutsilyo sa leeg ni Pion subalit napigilan niya ang kamay ng lalaki. Tila nagpapalakasan sila ng mga oras na iyon, lalapit ang kutsilyo ngunit agad din niyang mailalayo.

“Ahh! Fuck!”

Pinilipit ni Pion ang kamay ni Andrius kaya’t dumaing ito sa sakit. Napaatras ang lalaki nang muli niyang sapakin ito sa panga.

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon