CHAPTER 25

1.2K 39 0
                                    

Kagagaling lamang ni Pion sa palasyo dahil kinausap siya ng Presidente. Kahit papaano ay magaan ang loob niya, pinagkakatiwalaan siya ng matanda at gusto rin sana nitong pabalikin siya sa trabaho ngunit nagpaliwanag siya dito. Matagal-tagal siyang mawawala sa trabaho at ngayon ay katatagpuin naman niya ang kasamahang si Garcia.

Nagmaneho siya patungo sa isang restaurant at agad din naman niyang natanaw ang lalaki. Pumasok siya at kumaway sa kanya ang lalaki. Malapit iyon sa may salamin at pagdating niya ay saktong pagdating din ng isang crew upang ilapag ang kanilang order. Tumayo si Garcia upang sumaludo sa kanya. Ngumiti siya saka tinapik lamang ang sundalo at sabay silang naupo.

“Kumusta ka na, Captain? Bakit hindi ka nalang bumalik sa trabaho? Hayaan mo nalang sila sa sasabihin nila basta’t kami ay nagtitiwala sayo.”

Pion took a sip from the wine they were served of.

“Gustuhin ko man, hindi pwede. Pabor din iyong nangyari sakin, may kailangan akong gawin ngayon.”

“Alin Captain? Ang pagkamatay ba ng mga magulang at kaibigan mo noon?”

Tumango lamang siya sa kausap saka muling uminom.

“Tayo lang ang nakakaalam nito pati na ng mapag-uusapan natin ngayon.”

Nagsimulang kumain si Garcia habang tumitingin tingin sa lalaki.

“Sige, Captain sabihin mo lang. Walang makakalabas kahit isang salita.”

“Gusto kong manmanan mo si Andrius Locsin.”

Bigla na lamang na nabilaukan ang sundalo. Agad niyang inabot ang baso niyang nasa gilid lamang ng kanyang pinggan saka uminom doon. Tinapik tapik nito ang dibdib saka nauubo pang tiningnan ang kapitan nila.

“A-ano? Hindi ko naintindihan, pasensya na.”

“Manmanan mo ang mga kilos ni Locsin at sabihin mo ang lahat ng ‘yon sa'kin.”

“Bakit mo gagawin iyon? Pinagdududahan mo ba siya?”

“Hindi na importante kung pinagdududahan ko siya o hindi.”

“Right, speaking of Captain Locsin. Hindi ba may pinapagawa si Ms. Danelle na building doon sa may bakanteng lote?”

“Bakit?” nakasandal lamang ang likod ni Pion sa upuan, magkalandas ang mga braso niya sa dibdib saka bahagyang nakabuka ang mga hita niya.

“Nang dumaan ako doon kanina ay nakita ko doon si Locsin. Kausap niya si Ms. Danelle at mukhang close sila. Magkaibigan ba sila?”

"Kaibigan? Since when?"

The soldier just shrugged. "Ewan, kaya nga tinatanong kita, Captain."

Pion stood up from his seat and he dropped the money on the table. His friend looked at him confused with his gestures.

“I’ll pay the bill.” And he went off

“Maaasahan mo ako, Captain!” pahabol pa ng kanyang sundalo

Tinungo ni Pion ang site at wala na siyang naabutan na babae doon. Hindi na rin siya nag-abalang kontakin ito ng makita ang tracker na inilagay niya sa cellphone nito. Si Danelle ay nasa kanilang tahanan na at ngayon ay panatag na siya. Umuwi si Pion sa malaking bahay na ngayon ay tinutuluyan niya, dumiretso agad siya sa malawak na silid ng matanda at hindi nga siya nagkamali, naroon ito nakatitig na naman sa isang larawan na nasa mesa nito.

“What’s with that picture?” naglakad si Pion patungo sa sofa na nasa harap ng mesa nito at doon siya naupo

“Wala ring natagpuang bangkay niya. Nasaan kaya siya ngayon?”

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon