CHAPTER 30

1.3K 39 0
                                    

Kalat na sa buong kampo na napawalang sala na ang kapitan ng Throttler Rangers of Special Forces na si Pion. Hindi maipagkakaila ang kasiyahang nararamdaman ngayon ng mga kasamahan ng lalaki.

"Sinabi ko naman kasi sa inyo na wala talagang kasalanan si Captain eh." Reyes

"Bakit? Sinabi ba naming naniniwala kami sa Locsin na iyon?" Marfil

"Oo nga, pero kailan kaya babalik si Captain? Bwisit 'yan first time natin siyang hindi makakasama sa operasyon mamaya." Valkez

"Tinext ko na siya na isasalang tayo mamaya ni Brigad. General sa isang misyon sa Visayas. Wala pa akong natatanggap na reply sa kanya." Garcia

"Makakasama ba siya? Hindi pa naman ata pinapabalik si Captain kaya mukhang hindi rin siya sa'tin makakasama." Castro

Patuloy lamang sila sa pag-uusap nang mapalingon sila sa kanilang likod.

"Bakit hindi pa kayo naghahanda?"

Nagkatinginan sila nang makitang si Andrius iyon at sa likod ay mga kasamahan din nito.

"Bakit?"

Tumawa si Andrius, "Anong bakit? Nadu-

"Bakit hindi kayo ang pumunta roon? Kayo naman ang kompleto, hindi ba?" Garcia

"Hay! Second Lieutenant Garcia, tinatakasan niyo ba ang responsibilidad ninyo? O baka naman naduduwag lang kayo kasi wala ang pasikat niyong kapitan." Tumawa ito pati ang mga kasama sa likod maliban sa isang lalaki

Tumayo si Valkez, "Bakit naman kami maduduwag? Nanggaling kami sa isang mabuting lider. I doubt that."

Andrius chuckled and moved closer to the man. "At tinuruan din niya kayong ganito magtapang?"

"Siguro?"

Unti-unting may nabuo na tensyon sa pagitan nila ngunit nawala iyon nang dumating ang kanilang Kolonel at sa likod nito ay may mga sundalong nakasunod.

"Anong nangyayari rito?"

"Wala, Colonel. Tinatanong lang namin kung makakabalik na ba si Captain Pzarova." Tumingin si Andrius kay Valkez

"Ayaw pa niyang bumalik. Sa ngayon, kailangan niyo ng maghanda Throttler Rangers, hinahanda na rin ang iba ninyong makakasama. Good luck with your mission. Alam kong makakaya ninyo kahit wala si Captain Pzarova." Ani ng Colonel. Sumaludo naman silang lahat dito bago nila inayos ang kanilang mga sarili. Hindi na rin nila pinansin sina Andrius na hindi nagtagal ay umalis din.


Nagmamaneho si Pion patungo sa bahay ng kaibigan dahil tinawagan siya nito. Malalim ang pagiisip niya habang tinatahak ang daan kaya hindi niya napansin ang isang tuta na tumatawid ng kalsada na sinusundan naman ng isang babae. Agad niyang tinapakan ang preno ng sasakyan saka lumabas ng pinto.

"Are you okay?" yumuko siya para tingnan ang kondisyon ng babae na napaupo sa kalsada habang hawak ang tali ng tuta niyang hinahabol. Sunod sunod iyong tumango hanggang sa matuon ang atensyon ni Pion sa tuhod nitong dumudugo.

"May sugat ka, dadalhin kita sa pinakamalapit na hospital para malinis iyan."

Umangat ang tingin ng babae at hindi alam ni Pion ngunit para siyang natigilan.

"H-hindi na." sumubok tumayo ang babae at nang malapit na niyang nagawa ay natumba siya pero mabilis siyang nasalo ng lalaki

"Come on. I'll pay for the bills and your dog should also be checked."

Wala ng nagawa ang babae ng inakay na siya nito sa loob ng sasakyan. Nakarating sila ng hospital at agad namang nagamot ang sugat niya.

"Can you walk?"

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon