CHAPTER 26

1K 37 1
                                    

Nagising si Danelle na medyo masakit ang ulo niya. Dulot iyon ng ininom niya kagabi. Matapos magpool party ay agad din siyang nagbanlaw saka natulog dahil sa pagod. Paulit ulit ba naman siyang itapon sa tubig ng mga kasama? Nasa loob pa siya ng banyo at kasalukuyang tinutuyo ang sarili. Matapos, binalot niya ang kanyang sarili ng roba na naroon saka kinukuskos ang buhok na lumabas sa banyo.

Subalit, napatigil si Danelle sa ginagawa nang makita ang isang lalaki, nakaupo sa dulo ng kama kung saan ang harap ay sa kanya rin. Bahagyang nakabuka ang mga hita nito at doon nakapatong ang magkabilang siko habang kinakalikot ang isang cell phone na alam niyang pagmamay-ari niya.

“W-what the heck.”

“I should be the one saying that.” Saad ni Pion na ang tingin ay naroon pa rin sa cell phone. At nang magtama ang kanilang paningin agad na umatras ang isa niyang paa.

Hindi niya makayang tingnan ang mga mata nitong puno ng katanungan na hindi nagtagal ay napalitan ng tila isang nagugutom na mata. Hindi niya nakakalimutan ang saplot na mayroon siya ngayon kaya nag-aalangan siyang lumapit dito.

Napahawak siya ng mahigpit sa roba ng makitang tumayo ang lalaki at humakbang patungo sa kanya. Tumingin siya sa cell phone na mahinang itinapon ng lalaki sa kanyang kama.

“Huwag kang lalapit.”

“What are you so afraid of? I’ve seen them all, even tasted them.”

Umakyat lahat ng dugo ni Danelle sa mukha niya. Ayaw na niya iyong maalala dahil bumabalik lamang sa isip niya ang katangahan niya nung gabing iyon.

Danelle saw the man pursed his lips. Those dark brown eyes are staring at her intently that she feels intimidated. She can’t open her mouth until Pion was very near her that she can see those long eyelashes. She wanted to touch his thick eyebrows and those damped lips.

“Why are you here? And why are you with so much men? Trying to annoy me?” his husky voice said it all

She shook her head, still cannot stand the presence of the man in front of her.

“I’m with the whole batch. We had a night out and we’re just reunited last night. I’m not doing anything and besides, I’m with Xia. She’s in her room now.”

Danelle doesn’t know why she’s being so honest with the man. She’s not afraid of him but she’s worried if what would the man do in case she lied to him.

“Wait.” She slightly pushed him giving the two of them spaces much than before

“Ano bang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako? Wala ka bang trabaho? O inutusan ka na naman ni Dad? Alin sa mga ‘yon? Can you—”

“Danelle, baby. Are you awake?!”

Nanlaki ang mga mata ni Danelle nang marinig iyon mula sa labas ng pintuan niya. Kilala niya ang boses na iyon. Napatingin siya sa lalaking kaharap na bahagyang nakayuko, nasa baywang ang mga kamay, pinaglalaruan ang bibig at hindi kalaunan ay nagtama ang paningin nila.

“Baby, huh? Go to the bathroom.”

“What—

“Bathroom, Danelle.”

She wasn’t even able to argue with the man. Confused and irritated, she went inside the bathroom but now together with her clothes. She have decided to dress up inside so she would be safe exiting the place in later time.

Binuksan ni Pion ang pintuan at malamig niyang tiningnan ang lalaki. Parang nakakita si Mino ng isang nilalang na hindi pa niya nakikita sa tanang buhay niya. Gulat na gulat siya ng masilayan ang lalaki sa loob mismo ng unit ng babae na si Danelle.

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon