“Men, another mission came. We will be operating against the Abu Sayyaf Group in South Cotabato, Mindanao. Last Friday at 11: 15 our two trucks were ambushed by this group and they have three soldier hostages. Also, we need to allot soldiers in that area for civilians’ safety and security but we still need to talk about whose team will go. For now, make ready of yourselves, we’ll leave this five in the afternoon.”Natapos ang isa na namang mahalagang pagpupulong ngayon. Nagsilabasan sila sa conference room ng kanilang headquarter na itinayo sa Fort Aguinaldo.
“Handa ka na bang maiwan sa Mindanao, Pzarova?”
Naglalakad si Pion nang matahimik nang tapatan siya ni Andrius para sabihin iyon na agad ding linampasan siya. Naiwan siyang nakatingin sa lalaki ngunit mas pinili na lamang niya na hindi sumagot dito. Ang pakikipagusap sa lalaki'y isang walang kwentang bagay na hindi na dapat niya patulan.
Nakarating siya sa kanilang kampo at sa tinutuluyan nilang tent. Ang mga kasamahan niyang madalas na sinasalubong siya ay abala ngayon na nagtitipon-tipon habang may tinitingnan sa maliit nilang laptop.
“Aalis tayo mamaya ng alas singko.” Panimula niya na nakuha ang atensyon ng mga sundalo.
Sabay-sabay itong tumayo saka sumaludo sa kanya. Napataas ang kilay ni Pion nang makitang patapon na binitawan ni Garcia ang laptop na siyang may hawak nito.
“N-nandiyan kana pala, Captain.” Second Lieutenant Garcia. Alanganin itong tumawa na mas lalong nagbigay sa kanya ng pagtataka.
“Saan tayo pupunta mamaya?” pagsingit ni Technical Sergeant Marfil
Imbes na sagutin ni Pion ang mga katanungan ng kasamahan, lumapit siya rito upang kunin ang laptop na nasa tabing gilid na. Nakasunod naman ang mga mata ng kanyang sundalo sa kanya. Binuksan iyon ni Pion ngunit hindi agad niya nakita kung ano ang naroon dahil sa password na nakalagay dito. Iniabot niya ang laptop sa tapat ni Castro.
“Password.” Maikling sabi niya.
Nakuha agad ng mga sundalo nito ang nais niyang sabihin. Nagkatinginan muna sila habang nag-aalangan na itipa ang password nito.
“Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko?”
Dali-dali namang nagtype ng password si Marlo, ang kanyang Master Sergeant.
Nakita naman ni Pion kung ano ang tinitingnan ng mga sundalo niya. Isa iyong larawan ng babae na animo’y isang modelo. The woman is wearing a classic red wrap dress silhouette. The other side of the dress was wrap across the other and the fabric was tied on her waist. She was also holding a bag that was given emphasis on the image.
“Si Ms. Danelle iyan, Captain. Hindi ba?” Valkez
“Model pala siya? Sa bagay, ang ganda kaya ni Ms. Danelle.” Reyes
Pion is scrolling down on the laptop. The image was included on the latest released fashion magazine but the pictures have spread in the different form of social media.
“So, she’s in New York?” he muttered
Naguluhan naman ang mga kaibigan niya sa kanya. May pagtataka ito sa kanyang tumingin.
“Sinabi rin sakin ni Leo na iyan din ang tinitingnan nung isang araw ng Prime SF.” Ani Valkez na siyang nagpatigil kay Pion.
Dumako ang mata niya sa lalaki saka ibinigay ang laptop dito.
“Maghanda na kayo.” Maikling saad niya bago sila talikuran. Naiwan naman ang mga ito na nagtataka.
“Talaga? Bakit naman nila tinitingnan ang pictures ni Ms. Danelle?” curious na tanong ni Castro
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...