CHAPTER 28

1.2K 46 0
                                    

“What?! Are you serious?”

Walang ideya si Danelle kung saan sila pupunta. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin lubos na maisip kung bakit nasuspende ang lalaki sa trabaho gayong wala naman siyang nakikitang maaaring gawin nitong mali.

“It’s a long story. I’ll tell you when it’s all solved.”

Mas lalo lamang siyang naguluhan. “I don’t get you.” Tinuon niya muli ang atensyon sa unahan. “Saan tayo pupunta?”

“Your home, where else?”

She mocked him silently while moving her head. Then her eyes went outside and they became quiet for a while.

“How do you know Andrius?”

Nanlalaki ang mga matang napatingin siya kay Pion. Ngunit napagtanto niya rin, hindi nga naman imposibleng malaman iyon ni Pion lalo na’t pareho pa silang sundalo. Tumikhim muna siya bago nagsalita.

“He just appeared. I don’t exactly know him.” she answered honestly. Hindi naman talaga niya kilala si Andrius. Isang araw ay sumulpot na lamang ang lalaki sa site nila at nagboluntaryo na ng kung ano ano. Hindi naman niya iyon minamasama ngunit may pag-aalinlangan pa rin sa kanya sa tuwing nakkikipagusap kay Andrius.

“Don’t entertain him.”

“It would be rude. Tinutulungan pa naman niya ako minsan.”

Biglang tumigil ang sasakyan ng igilid iyon ni Pion sa kalsada. Ang dalawa nitong kamay ay nasa manibela pa rin nang lingunin siya nito.

“Saan? Hindi ba katulong mo na si Xia and you have architect and that engineer?”

“Iba ang trabaho nila sa trabaho ko. I cook food for my people and sometimes I do give it to street people and Andrius is volunteering himself whenever he’s there. I can’t say no, I mean I do reject him but he keeps on insisting.”

Umalis ang isang kamay ni Pion sa manibela ngunit nakapatong naman iyon sa bangdang gitna ng manibela at nakakuyom ang kanyang kamay. Nakayuko at kagat din niya ang kanyang labi upang pigilan ang nagsisimulang galit niya, hindi para sa babae kundi para sa kapwa sundalo na batid niyang hindi maganda ang intensyon sa pakikipaglapit kay Danelle.

“If you want someone to accompany you, you can always dial my number. What’s so hard in it that you can’t ask me? Am I that difficult to approach?” saka muling nagmaneho si Pion

Bahagya pa ring nakaawang ang mga labi ni Danelle. Hindi niya alam kung saan nanggagaling si Pion sa mga sinasabi nito sa kanya. Nanahimik siya sandali sapagkat nailang na siyang magsalita pa.

“May trabaho ka.” Maikli niyang sagot

“Wala.”

“It’s not a question.”

“Sinasabi ko lang na wala akong trabaho. I’m suspended but I’m working on something right now. In fact, it was all ruined earlier.” Ang panghuli niyang sinabi ay mahina na lamang na hindi maririnig ng kausap niya

“Ano?”

“That Silver. I don’t like him.”

“Hindi kayo talo.”

Sumama ang tingin sa kanya ni Pion kaya sumeryoso na siya ulit.

“Hindi ko na palalagpasin pa kapag muli pa kaming nagkita. So you better avoid that man. It will bring him no good.”

“Hindi ko naman siya nilalapitan at ayaw ko ring malapit sa kanya. Ang pagkikita namin sa mall na iyon ay aksidente lang. Nasa CR non si Xia kaya hindi niya ako natulungan mula kay Silver at ang mga kaibigan naman ay may pinuntahan ding iba. Nalaman lang nila na naroon ako ng matext ko si Xia pero kinuha niya rin ang cell phone ko. He said he wanted to talk.”

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon