“But Dad, I want there! Iyon na ang puwestong napili ko at walang makakapagpaalis sa akin doon. Tsaka malayo naman iyon sa kampo nila, wala akong pakialam sa kanila.”
Nagsumbong ata ang lalaking iyon dahil heto kami ngayon ni Dad nagtatalo dahil ayaw niyang ituloy ko doon ang negosyo. Wala namang masama doon, matao naman ang lugar na iyon at isang kilometro naman ang layo sa kanila.
Why is he so annoying?!
“Danelle—
“Dad, please. Huwag ka ngang maniwala sa lalaking iyon. Ang panget-panget niya ang yabang-yabang niya, bwisit!” dahil sa inis umalis nalang ako.
Ayaw kong mag-away kami ni Dad ng dahil lang dito at nagpapasalamat din akong wala rito si Mommy dahil alam kong isa pa siya sa mga pipigil sa plano ko. Mom is in Paris for the fashion show that will be held this week. Gusto niya sana akong isama pero inaasikaso ko naman ang gagawin kong negosyo. Isa pa, maiinip lang ako roon.
Nagdesisyon akong tawagan nalang si Xia para gumala kami. Naboboring ako rito sa bahay saka hindi pa napapasa sakin ni Architect Fuendo ang sketch ng magiging restaurant ko kaya wala talaga akong magawa.
“Yes, I’m on my way there.”
Pinutol ko na ang tawag saka nagmaneho na ng kotse papunta roon. Ilang minuto pa ang lumipas ay narating ko ang lugar at sa isang restaurant sa loob nakita ko siya. She waved at me and I did the same.
“Kanina ka pa?” tanong ko ng makarating ako sa lamesa
“Not really. So where do we go first?”
“Kumain na muna tayo. It’s already 1:15 but I’m not eating yet. Nagtalo kami ni Dad dahil ayaw niya akong payagan na itayo roon ang restaurant ko at kasalanan iyon ng mayabang at walang modong lalaki na 'yon.”
“As expected. Itutuloy mo pa rin ba?” tanong niya
“Of course. Walang makakapigil sakin dahil kapag sinabi ko sinabi ko at kapag ginusto ko, ginusto ko.”
Nagsimula na rin akong kumain.
Nagkibit balikat lamang si Xia ngunit kalaunan inilapit niya ang kaniyang mukha sa'kin kaya kunot-noo ko siyang tiningnan.
“Anong pangalan ng lalaking iyon? Can you give me his number? Malay mo kami ang magkasundo.” Malawak ang ngiti niya nang sabihin iyon sa'kin ngunit nawala din nang makita ang pag-ikot ng mga mata ko.
“He's mine.”
Nahulog ang ilang pastang isinusubo niya sa kaniyang bibig saka hindi nakapaniwalang tiningnan ako.
"You're kidding, right?" Alanganin siyang tumawa pero seryoso ko lang siyang tiningnan.
"Hindi."
Nawala na naman ang ngiti niya.
“Tsk! Ibigay mo nalang sa'kin ang number niya. I will see if he's really hard to get.” she winked at me but I rolled my eyes.
“Wala akong number niya at hindi ko rin ibibigay sa'yo kung meron.”
"Come on! Susubukan ko lang naman e."
"I said no."
Xia pouted at me. Well, wala namang magagawa iyan dahil hindi niya ako mapipilit. After we ate, we went to a boutique, a usual place where girls often go. I just want to see the new released bag which was made by my own mother. She’s really creative. But the sad part is, she never gave me her new released bag that’s why I’m coming here. Gusto ko ring mamili ng mga bagong damit and I am planning for a grocery. Habang ginagawa ang restaurant ko may isa pa akong bagay na gustong gawin.
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...