CHAPTER 5

1.5K 63 0
                                    

“Huwag kang lalabas. Babalik ako.”

Tatayo na sana si Pion ngunit hinawakan naman siya ni Danelle sa palapulsuhan kaya napatigil siya. The woman looked scared and he understands that.

“Bitaw.”

Dahil doon nabitawan ni Danelle ang pagkakahawak niya rito. Lumabas ang lalaki at agad na sumalubong sa kaniya ang mga kasamahang sundalo.

“Anong nangyari, Castro?”

Sumaludo ito sa kaniya. “Captain. Nahulog lang po ang baril ng isang sundalo sa apoy at kasalukuyang may mga bala ito kaya sumabog. Pero okay na naman po. No further damages done.”

“Nasaan sila?”

“Area 1 po, Kapitan.”

Tinahak ni Pion ang lugar na pinangyarihan ng pagsabog at sa hindi sinasadyang pagkakataon  sabay pa silang dumating ng kapitan ng Prime Special Forces. Sandali pa silang nagkatitigan nito bago siya bumitiw.

“Anong nangyayari dito?” mainit ang ulo na tanong ni Captain Locsin

Kabadong napayuko ang lalaki. “Hindi na po mauulit, Captain. Natabig ko lang ang baril ko at nahulog iyon sa apoy.”

“Nagbibiruan lang po kami at hindi namin sinasadyang maigalaw ang mesa.” Dagdag pa ng kasama nito

“Kung hindi kayo tatanga-tanga bakit dito pa kayo magbibiruan? Ayusin ninyo iyang kalat kung ayaw ninyong ipakain ko ang mga iyan sa inyo.” Asik nito

Pion pursed his lips and looked at the soldiers in front of them.

“Sige na. Ayusin niyo na iyan at mag-ingat na kayo sa susunod.” He was about to leave when the other Captain spoke.

“Kaya dumadami ang mga tangang sundalo rito dahil sa'yo. Masyado kang bait-baitan, kunsintidor at pabida.” Mayabang na saad nito

Maayos na hinarap ni Pion ang lalaki.

“Stop being nosy. Was it fun watching me?" Humakbang siya at mas lumapit pa sa lalaki. "Mag-ingat ka, dahil kapag ako ang nagmatyag sa'yo, wala kang lulusutan."

Namula sa galit ang mukha ni Locsin. Binabantaan ba siya nito? Lalapitan sana siya kay Pion ngunit napigilan siya ng mga iba pang mga sundalo.

“Ikaw ang mag-ingat sa mga pananalita mo kung ayaw mong pasabugin ko iyang bungo mo. Hindi ako magdadalawang isip na burahin ang pagkatao mo.” Locsin smirked

Saksi ang mga kasundaluhan kung paano sila mag-alitan at alam din ng mga ito na hindi sila magkasundo kaya naman ngayon ay tahimik sila nitong pinapanood. Hindi rin sila nito maaawat dahil bukod sa pareho silang malakas, natatakot din ang mga ito sa kanila.

“Mahihirapan ka.” Ngumisi si Pion bago tuluyang umalis.



Bumalik siya sa tinutuluyang tent at aabutan ang babae sa loob na kausap ang tatlo sa mga sundalo niya.

“Castro, Garcia, Reyes. Anong ginagawa ninyo?”

Nagsiunahan namang magsitayo ang tatlong kalalakihan saka sila humarap sa kanilang kapitan.

“Captain, sinamahan lang po namin dito si Danelle dahil natatakot siya kanina.” Ani Garcia

Napataas naman ang kilay ni Pion nang marinig iyon mula sa kasama. Tinawag niya ito sa pangalan lang?

“What did you call her?” paglilinaw niya

Naiilang naman na lumingon si Garcia sa babaeng si Danelle pati na sa mga kasamahan.

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon