CHAPTER 40

1.2K 33 1
                                    

“Paano ako napunta rito?” agad na tanong ni Danelle nang makababa siya patungo sa sala at nakita ang lalaking si Mino. Nanghihina pa rin ang katawan niya ngunit kailangan na niyang makaalis doon.

“Oh! Gising kana pala. Sabi ni--- ah! Sabi ko pala, kumain ka muna. May pagkain na sa kusina, you can go there and fill your stomach.”

Napahawak siya sa kanyang ulo ng kumirot iyon. Hanggang sa maalala niya ang nangyari kagabi. Malakas ang ulan at wala siyang masilungan at ang huling natatandaan niya ay muntik pa siyang masagasaan. Mabilis niyang inenspeksyon ang sarili para tingnan kung may sugat ba siya.

“Ikaw ba ang muntik ng makabangga sa’kin?”

Mino smiled. “Sorry, pero ‘di naman kita sasagasaan ano! Nagbusina ako pero hindi mo yata naririnig tapos bigla ka nalang nahimatay sa gitna ng kalsada. And obviously I was so shocked to see that it was you. What were you doing there?”

Hindi niya alam ang isasagot sa lalaki kaya umiwas siya ng tingin dito.

“Sir, napatuyo na po namin ang damit ni Ma’am. Handa na rin po ang pagkain niya sa mesa.”

Agad na nanlaki ang mga mata ni Danelle saka niya tiningnan ang kasuotan. Doon lang niya napansin na iba palang damit ang suot niya kaya umangat ang tingin niya sa lalaki.

“Anong ginawa mo? Did you touch me? Sinong nagbihis sa’kin?”

Napatayo si Mino sa upuan saka hinarang ang kanyang mga kamay sa sarili niya. “Chill. I know I liked you but I won’t touch you. Ayaw ko pang mamatay at tsaka, ikaw nga ang humawak sa kamay ko kagabi.”

Kumunot ang noo niya, “Ano? Bakit ko naman gagawin ‘yon?”

Mino shrugged his shoulders. “You were crying and trembling, you lifted your hand and I thought your looking for something so I held yours and you started gripping mine.”

“S-stop lying.” Ang tanging nasabi ni Danelle. Hindi niya alam kung totoo ang sinasabi ng lalaki.

He crossed his hands acrosses his chest. “I’m telling the truth. By the way, what were you doing in that street? Bakit tumatakbo ka sa gitna ng malakas na ulan?”

“Thank you for taking care of me. I have to go.”

Aalis na sana siya ngunit mabilis siyang napigilan ni Mino. Hinawakan siya nito sa braso at nang tingnan niya ay napabitaw agad ito.

“May lagnat ka pa, ah? Saan ka pupunta? Sina yaya ang nagbihis sayo kagabi at sinabi nilang wala kang ni anong gamit kundi ang sira mong cell phone. Ano ba talaga ang nangyari sayo?”

Pinigilan niyang magsalita at magkuwento sa lalaki. “Nasaan na ang cell phone ko?”

“Hindi ko ibibigay sayo hangga’t hindi mo sinasabi sa’kin kung anong nangyari sayo. Kung hindi kita nakita kagabi baka may nangyari ng masama sayo.”

“Ano ba?” binawi niya ang kamay kay Mino. “It’s not your problem, Mino. I can handle it. Can you please give me my phone so I can leave now?”

“Pero may lagnat ka pa. Paano kung may mangyari riyan sayo? Papatayin—

“No! Walang mangyayaring masama sa’kin, okay? At uuwi na rin ako sa bahay kaya ibigay mo na sa’kin. Please?” she pleaded

Mino sighed and called his maid to give him the phone. He handed it to Danelle after.

“Thanks, Mino.”

He managed to smile to the woman. Gusto niya iyong pigilan sa pag-alis pero wala rin siyang nagawa lalo’t nakalabas na ito ng kanyang bahay. Pabalik balik lang ang lakad niya sa sala hanggang sa dumating ang isa niyang kasambahay.

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon