CHAPTER 48

1.2K 28 0
                                    

Tinapon ni Andrius ang baril niya sa isang gilid. Ganoon din ang ginawa ni Pion. Pati na ang earpiece niya ay kanyang tinanggal. Tumutulo pa ang tubig na nanggagaling sa basa niyang buhok dahil sa pagkakahuog nila kanina sa swimming pool. Saglit niyang sinulyapan ang babaeng si Danelle na batid niyang manginginig na sa lamig, ituring pa na malalim na ang gabi.

Tinanggal din ni Pion ang paha niyang nawawalan na ng mga armas. Hinubad niya rin ang kanyang leather jacket. Ngayon, wala ng natitira sa kanya kundi ang itim na pantalon saka ang manipis niyang T-shirt na kulay grey. Bumakat na rin iyon sa kanyang katawan dahil basa siya.

Binigyan naman sila ng mas malawak na espasyo ng mga lalaking nakaitim at armado. Tumigil din ang putukan ng mga baril. Ang mga dumarating na tauhan ni Yuan ay napapatigil upang tingnan ang pangyayari.

Unang sumugod si Andrius. Nasipa siya nito sa mukha kaya naipilig niya ang kanyang ulo. Sunod nitong ginawa’y sinuntok siya ng sinuntok. Hindi lumaban si Pion nung una kaya’t humahangos na tumigil si Andrius.

“Bakit hindi ka lumalaban?”

Ngumisi si Pion habang pinupunas ang dugo na tumulo mula sa kanyang labi.

“Ibibigay mo na sa amin si Danelle?” tumawa si Andrius. Naglakad siya patungo sa babae saka marahas itong hinablot mula sa mga nakahawak sa kanya.

“A-andrius, nasasaktan ako.” Ngumiwi si Danelle sa sakit na naramdaman dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki sa kanyang braso.

Hindi pa bumibilang ng isang minuto’y may nakatarak ng kutsilyo sa braso ni Andrius kaya napabitaw siya sa babae.

“Ahh! F-fuck!”

Bakas ang sakit na naramdaman ni Andrius ng hugutin niya ang kutsilyong itinarak sa kanya ni Pion. Sobrang dilim ang tingin nito sa kanya na tila papatayin na siya nito anumang oras.

Marahas ang hakbang ni Pion patungo sa kanila saka walang ano-ano’y pinaharap ni Pion sa kanya si Andrius saka malakas itong sinuntok sa panga. Napaatras ang lalaki dahil doon. Subalit hindi tumigil si Pion, muli niyang hinablot ang kaaway saka ito paulit-ulit na sinuntok sa gitna ng mukha kung saan tumatama ang kamao niya sa ilong at bibig nito.

Binitawan niya ang lalaki ng mabahiran ng dugo ang kamao niya mula sa pagkakasuntok dito.

“Huwag na huwag mo akong gagalitin, Andrius.”

Hinugot ni Andrius ang kutsilyo na nasa kanyang braso at nang matanggal, dumaloy ang dugo mula roon. Naglakad siya palapit kay Pion at ambang sasaksakin niya ito subalit panay iwas ang lalaki.

Atras lamang ng atras ni Pion. Sinasalag niya ang bawat paglapit ng patalim sa kanya. Hanggang sa pareho na silang nakaapak sa tiles, panay ilag at suntok ang ginagawa nilang dalawa. Sa panghuling subok ni Andrius, dumaplis ang patalim sa mukha ni Pion kaya bahagya siyang napaatras. Susuntukin pa ulit sana siya ni Andrius subalit umiwas siya. Saktong nakarap na sila sa swimming pool kaya’t umikot siya upang sipain ang lalaki.

Tumilapon si Andrius sa tubig. Sa pag-ahon niya, bunganga ng baril ang sumalubong sa kanyang noo.

“Let the woman go. I won.” Malamig na saad ni Pion

Hindi makagalaw si Andrius. Hindi niya matanggap ang kanyang pagkatalo. Natalo na naman siya ni Pion at ayaw niya man iyong aminin sa sarili, hindi maipagkakailang umurong ang sistema niya nang dumapo sa kanya ang malamig na bunganga ng baril na hawak ni Pion.

Lumapit sa kanila ang mga tauhan niya. May mga tumutok ng baril kay Pion at may mga tumulong sa kanyang umahon. Nang makatungtong siya sa semento, marahas niyang ibinitaw ang mga kamay sa mga nakahawak sa kanya. Pareho silang basa ni Pion subalit kung titingnan ay mas dehado siya ngayon.

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon