CHAPTER 3

2.1K 78 0
                                    

Isang linggo ang nakalipas mula ng dumating si Danelle sa Pilipinas. Nakabalik na rin ang kaniyang ninong sa bansa nito at halos araw-araw pa rin naman silang nag-uusap kung hindi ito abala. Sa ngayon hinahanda niya ang kaniyang sarili para sa dadaluhang pagtiripon kasama ang mga magulang niya. Naimbitahan ang kaniyang pamilya sa isang pagtatapos sa sikat na unibersidad sa Pilipinas at nakatakdang magsalita ang kaniyang ama bilang pagbati.

Mula sa bintana ng kwarto niya natanaw na naman niya ang ilang mga sundalo at lalaking mga nakasuit na kulay itim. Batid niyang sasamahan muli sila nito patungo sa lugar na pupuntahan ng kaniyang ama. Minsan naiirita siya sa ganoong sitwasyon ngunit hindi naman maaaring maalis ang mga taong nakapalibot sa kanila dahil maaaring manganib ang buhay ng kaniyang ama pati na sila.

Suot ang lavender midi dress na nagpakita ng neckline niya, pinaresan niya iyon ng isang itim na strapped sandal flats at itinali lamang niya ang mahabang buhok pababa. Bitbit niya ang kaniyang Kate Spade’s Pride and Prejudice Book Clutch, bumaba siya sa kaniyang kwarto. Bungad ng kanilang bahay ay naghihintay ang isang limousine na sasakyan nila papunta roon.

Habang nasa loob kinausap niya ang kaniyang ama. She missed talking to her Dad and she needs to tell him something.

“Dad, baka umalis ako mamaya. Magkikita kami nina Xia at Dessa. You know, my high school friends?”

Napalingon sa kaniya ang matanda, “saan ka pupunta? Mapanganib lumabas mag-isa lalo kana at wala kang gagamitin na sasakyan. Sabihan mong sila nalang ang pumunta sa bahay.”

Minsan talaga may pagka'strikto ang kaniyang ama kaya naman nahihirapan siyang magpaalam dito sa tuwinang may gusto siyang puntahan.

“But Dad, I already promised the two of them. Umaasa silang darating ako. It's settled now."

“Saan ba kayo magkikita, Danelle?” tanong ng kaniyang ina

“Sa isang restaurant lang naman po. It’s just nearby and the restaurant is exclusive. You don’t have to worry anything.”

Napabuntong-hininga ang ama niya samantalang ang kaniyang ina'y nakatingin lang sa kaniya. Nagpaawa pa siya sa mga ito at sa huli'y napangiti siya nang makita ang mukha ng mga magulang na parang papayagan na siya.

“Sige, pero tulad ng sinabi ko wala kang magagamit na sarili mong kotse kaya magpapahatid ka mamaya at susunduin ka rin kaya huwag kang aalis doon. I will assign a person to escort you."

Hindi niya alam kung bakit pumasok nalang sa kaniyang isipan ang lalaki. Hindi naman siguro ito ang pasasamahin sa kaniya, 'di ba?

Ayaw man ni Danelle ay wala pa rin siyang magagawa sa kagustuhan ng kaniyang ama. Iyon ang natitirang paraan para makalabas siya mamaya ng walang bumubuntot sa kaniya.

“Yes, Dad.”

She happily nodded at her father.


Sa malaking unibersidad ng Pilipinas, nang dumating sila'y sumalubong ang mga nakahanay na sundalo sa magkabilang gilid ng red carpet. Nagkislapan ang mga kamera, alam nilang magkakaroon ng mga media doon kaya hindi na sila nagulat pa. Ayaw ni Danelle na nakikita siya sa TV dahil maya’t maya may tatawag sa kaniyang numero para alukin siya sa showbiz o pagmomodelo na hindi naman niya gustong gawin.

May mga nagtangkang lumapit sa Presidente para sana kapanayamin ito. Hindi sinasadyang naitulak siya ng isang reporter ngunit mabuti na lamang may matipunong nakaharang sa likuran niya. Ang isa nitong kamay' ipinang-alalay sa kaniyang baywang samantalang ang isa ginamit ng lalaki upang ipananggalang sa mga nagtatangkang lumapit sa kanilang kinaroroonan.

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon