CHAPTER 43

1.1K 32 1
                                    

“Ilang araw na?”

Kausap ni Pion ang babaeng si Xia ngunit sa cell phone lamang dahil masyado siyang abala para harapin ito. Naroon din siya sa kanyang kwarto sa kanilang Headquarter.

[“Five days now.”] pasinghot singhot na sabi ni Xia dahil umiiyak na naman ito

“Ilahad mo sa’kin lahat. Makikinig ako.” Nasa mesa ang cell phone ni Pion habang inaayos niya ang kanyang mga baril.

[“Hindi ko na sasabihin sayo lahat ng detalye pero nag-away sila ng parents niya at umalis siya sa kanilang bahay at ang tanging dala lamang niya’y cell phone niya. Tinanggalan siya ng mga gamit ng kanyang ama pati na pera nang umalis siya sa bahay na iyon. Nakausap ko si Mino at siya ang unang nakatagpo kay Danelle sa gitna ng ulan. Pero umalis din ang kaibigan ko at nalaman kong kina Dessa siya nagstay ng ilang araw. May tumawag sa’king unknown number pero hindi ko nasagot kaya hindi ko alam kung si Danelle ‘yun o hindi. Then tumawag sa’kin si Dessa. S-she said… she said, Danelle was kidnapped again while taking their way home. And from that day on, wala na kaming narinig mula sa kaibigan ko.”]

Xia is crying and she sniffed. [“I think it’s not kidnapped for ransom kasi kung iyon naman ang pakay nila dapat tumawag na sila kay Tito Dencil o kaya naman kay Tita Nalyn. Hindi namin alam kung nasaan na si Danelle. Her Mom is now sick.”]

“Where was her last location?”

[“I will send you later. Pasensya na pero kailangan ko pang pakainin si Tita Nalyn.”]

Kasabay ng pagkaputol ng tawag ay ang pagtapos niya rin sa ginagawa. Inayos niya ang sarili sa salamin saka kinuha at sinuot ang kanyang sombrero. Hinablot na rin niya ang baril saka iyon nilagay sa bulsa na kasabay ng uniporme nila. Bumaba siya at nakasalubong niya ang kasamahang si Reyes.

“Captain!” sumaludo ito sa kanya. “Aalis ka?”

Tumango siya at tinapik ito sa balikat saka nagtuloy tuloy lamang. Sinakyan ni Pion ang isang black Lexus LFA. Pinarubrob niya iyon patungo sa palasyo upang personal na kausapin ang Presidente. Alam niyang alam na ng mga ito ang namamagitan sa kanila ni Danelle noon.

Habang nagmamaneho ay hindi niya maiwasang maisip ang nangyari sa kanilang kampo. Sa ngayon ay abala ang Headquarter nila sa ilang mga sundalong sugatan at ang iba naman ay iniimporma na ang mga pamilya ng nakitilang buhay ng sundalo. Malalim ang pag-iisip niya na paano nagkaroon ng lakas ng loob ang mga taong nasa likod ng pangyayari at ang kampo pa talaga nila ang sinugod. Hindi nila basta bastang balewalain iyon dahil mukhang hindi madali ang kumakalaban sa kanila lalo na’t may mga marunong palang gumamit ng mga fighter jets dito na siyang nagpadali sa buhay ng ilang kasama nila sa sundaluhan.

Nakarating si Pion sa palasyo at agad niyang tinungo ang pribadong silid ng Presidente. Natagpuan niya itong abala sa mga papeles na hawak hawak pa ng matanda sa mga kamay nito.

“Good afternoon, Sir.”

Nilapag ng matanda ang hawak nitong papel at ballpen saka siya tiningnan. Tumayo ang Presidente saka naglakad at tumigil sa kanyang harap.

“Iwan niyo muna kami.” Sabi nito sa ilang tauhan na nasa loob.

Silang dalawa na lamang ang natira. Ang sumunod na pangyayari ay naipilig na ni Pion ang ulo niya matapos siyang sapakin ng matanda. Naiintindihan niya ang pinanggagalingan nito kaya hindi muna siya nagsalita.

“Ano ang ginagawa rito ng isang manloloko?”

Pion swallowed. He did not answered.

“Pinagtaksilan mo ang anak ko at ngayon hinahanap mo siya, sinasabi mo pang ililigtas mo siya? Sa tingin mo ba gusto kang makita ng anak ko?”

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon