CHAPTER 17

1.2K 39 0
                                    

“Paumanhin, Senyor. Pinasabog ng air force unit ang kasamahan ko pero nagawa naming pasabugin ang barko.”

Kapapatay lamang ng matanda sa telebisyon. Nakaupo ito sa kabisera at sa gilid nito ay may dalawang lalaking malalaki ang katawan.

“Nagawa nga ninyo iyong mapasabog pero ang taong gusto kong mabura ay wala naman doon. Anong silbi ng binigay ko sa inyong misyon? Wala!”

Napayuko ang lalaki.

“Dispatsahin agad ang ginamit mong eroplano.”

“Opo, Senyor.” Umalis naman ang lalaki

“Nasaan si Yllona?” tanong nito

“Nasa bakasyon po siya, Senyor pero darating na siya maya-maya.”

Sakto naman ng matapos siyang sagutin ng isang tauhan ay bumukas naman ang pintuan doon at iniluwa ang isang lalaki niyon.

“Ayaw nilang makipagkasundo sa’tin at nakita na nila ang mukha ko kaya kinailangan ko silang despatsahin.”

“Mabuti naman naisip mo iyon. Hindi na tayo kailangang pumalpak, sa ngayon mag lie low muna ang lahat. Masyado tayong nagiging mainit sa mga militar.”

“Masusunod, Senyor.”

“How about that money? We need to buy more armors and we need more people.” dagdag pa nito na tanong

“Nasa vault ang limang bilyong piso at kung bibigyan ninyo ako ng permiso, ako na ang bibili ng mga sandatang gagamitin dahil sa ating lahat, ako ang may mas bukod na alam.”

Tiningnan lamang siya ng matanda. Hindi nagtagal ay tumango tango ito kaya napangisi ang lalaki.

Bihis na bihis si Danelle at ngayon ay kasama niya sa kotse ang kaibigan si Xia. Ang pinsan naman niyang si Shawn ang nagbantay sa site kaya’t nagpapasalamat talaga siyang nasa Pilipinas ito.

“At anong gagawin mo pagdating mo doon?” tanong sa kanya ni Xia na nagpalingon sa kanya.

Ano nga ba ang gagawin niya kung makarating man siya sa kampo? Hindi nga siya nakahanda ng sasabihin at hindi dapat na tumanganga lamang siya pagdating sa lugar. She won’t waste time. She badly needs to talk to that man.

“I don’t know. What I know is I have to get there.” tanging sagot niya

Ilang saglit pa ng pagmamaneho ay nakarating sila sa kampo ng mga sundalo. Hindi agad sila nito pinagbuksan ng gate kaya sinabi ni Danelle kung sino siya. Paunti-unti na rin siyang nakikilala ng ilan sa mga ito dahil madalas na siyang magawi sa kampo.

“Hinahanap ko si Pion Pzarova.”

“Wala po siya, Ma’am. On leave si Captain Pzarova.”

Hindi agad nakasagot si Danelle. Tila nawala ang lahat ng lakas niya matapos marinig iyon sa sundalo.

“S-sige, salamat.” Hindi na siya nagpumilit pa. Nilisan nila ang lugar at wala siyang imik habang nasa sasakyan. Napansin naman ni Xia ang pananahimik nito kaya tumikhim siya ngunit wala pa rin, hindi siya tiningnan ng kaibigan.

“May alam ka bang lugar kung saan siya pumupunta? O kaya naman address lang niya?”

Sa puntong din iyon, niliko ni Danelle ang kanyang sasakyan. Ang building na iyon, doon siya unang dinala ng lalaki at isa iyong condo unit. Nang umagang magising siya sa pangyayari, tiningala niya iyon at nalaman ang pangalan ng building. Subalit isa ang kanyang pinoproblema.

“Hindi po talaga kami pwedeng magsabi ng mga personal na impormasyon. Pasensya na, Ma’am.”

“What’s wrong about it? Wala naman akong gagawing masama.” Nasa reception area si Danelle at nakikipagkulitan siya sa bantay dahil ayaw sa kanyang sabihin ng babae kung anong palapag ang unit ng hinahanap niyang tao.

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon